Alam Niya

23 1 0
                                    


Kung sa puso mo ay hindi maiwasan

Ang pagdalaw nitong mga kalungkutan

Iyong alalahaning may Amang nagmamahal

Laging nakamasid, laging nakabantay

Chorus

H'wag kang mabalisa sa anumang bagay

Sa Ama'y ilapit iyong kahilingan

Sambahin, purihin, pasalamatan

Siyang magiingat ng puso't isipan

H'wag padadaig kahit nalulumbay

Ang pag-asang taglay ay iyong ingatan

Ang dalisay na aral iyong panghawakan

Ikaw ay may Dios na madadaingan

Chorus

H'wag kang mabalisa sa anumang bagay

Sa Ama'y ilapit iyong kahilingan

Sambahin, purihin, pasalamatan

Siyang magiingat ng puso't isipan

Bridge

Iyong ilagak ang pagtitiwala

Sa Kan'ya kumapit, Siya ang gagawa

Kung ika'y nangangamba at puso'y nanghihina

Kan'yang nalalaman ang iyong pagluha

Chorus (2x)

H'wag kang mabalisa sa anumang bagay

Sa Ama'y ilapit iyong kahilingan

Sambahin, purihin, pasalamatan

'Pagka'y Siyang magiingat ng puso't isipan

Coda:

Ang Dios ay pagibig, lubhang mapagmahal

Ang 'di mo masabi'y Siya ang may alam

TG Original SongsWhere stories live. Discover now