Ang Ligaya Namin

4 0 0
                                    

Sa bawat paghakbang nitong ating mga paa

Sari-saring kahirapan ang nadarama

Dito sa sanlibuta'y ating maaasahan

Kalungkutan at kahirapan


Kaya't magtibay lang sa aral na ikababanal

Na ating tinanggap sa ating Dios Amang banal

Upang ating kamtin ang buhay na inaasam

Ligayang walang hanggan


Ang awa Mo ang tangi naming pag-asa

Sa hirap na aming binabata

Mga pasan nitong kaluluwa

Ay dagli namang mawawala


Ang ligaya namin ay awitan Ka

Ng awit papuri't tinig ng pagsasaya

Kahit na hinahamak tayo ay magalak

Pagka't ito'y tanda lang ng ating pagkaligtas

Bagong awit na aming inihanda

Hain na banal at mabubuting mga gawa

Kaya't ngayo'y naririto kami'y nahahanda

Upang mag-alay ng pagpupugay

Pasasalamat sa dakilang Lumalang


Ang dating buhay namin ay tinalikuran

Mula nang makilala ang banal Mong kat'wiran

Mga kasamaan at layaw ng sanlibutan

ay 'Yong binihisan


Ang awa Mo ang tangi naming pag-asa

Sa hirap na aming binabata

Mga pasan nitong kaluluwa

Ay dagli namang mawawala


Ang ligaya namin ay awitan Ka

Ng awit papuri't tinig ng pagsasaya

Kahit na hinahamak tayo ay magalak

Pagka't ito'y tanda lang ng ating pagkaligtas

Bagong awit na aming inihanda

Hain na banal at mabubuting mga gawa

Kaya't ngayo'y naririto kami'y nahahanda

Upang mag-alay ng pagpupugay

Pasasalamat sa dakilang Lumalang


Bridge:

At doon sa Bayang banal

Ay ating matatanaw

Buhay na 'di mapaparam

Kagalakang 'di magwawakas ang aming nadarama

Sa piling Mo lang matatagpuan, masisilayan


Ang ligaya namin ay awitan Ka

Ng awit papuri't tinig ng pagsasaya

Kahit na hinahamak tayo ay magalak

Pagka't ito'y tanda lang ng ating pagkaligtas

Bagong awit na aming inihanda

Hain na banal at mabubuting mga gawa

Kaya't ngayo'y naririto kami'y nahahanda

Upang mag-alay ng pagpupugay

Pasasalamat sa dakilang Lumalang


Coda:

Pasasalamat sa dakilang Lumalang

TG Original SongsWhere stories live. Discover now