Kath's POV
Nagising ako sa isang tawag galing sa phone ni DJ, nakita ko ang pangalan ni Zharm sa caller ID. Na-curious lang ako sa kung bakit siya tumatawag kay DJ. Nilapag ko yug phone ni DJ sa side table at gising ko si DJ.
"DJ, tumatawag si Zharm." Hinila ako ni DJ sa tabi nya
"Shhhh. Matulog pa tayo." Sagot ni DJ.
"DJ naman eh, sagutin mo na muna please? Gusto ko lang malaman kung ano meron, kung ba't natawag si Zharm, please?"
"Okay okay, sige na eto na po." Umupo si DJ at kinuha yung phone niya.
Tinawagan nya si Zharm at bago pa makapagsalita si DJ ay naistorbo na sa pag sigaw ni Zharm.
Nagbabago bago expresyon ng mukha ni DJ, tumayo sya at sabing wait lang daw para marinig nya ng maayos si Zharm.
DJ's POV
"Hoy Danilo!" Sigaw ni Zharm
"Hoy ka din, kakagising ko lang wag ka nga sumigaw."
"Ay hahaha sorry, eh kase naman eh!"
"Ano ba yun? Bat ka natawag ng sobrang aga?" Takang tanong ko.
"DJ BUNTIS SI BEA!"
Napatulala ako sa sinabi ni Zharm, na parang tumigil yung ikot ng mundo pati yung hininga ko tumigil.
"Ha?!!!" Gulat kong sagot.
"Sa'yo ba to? Sabi niya oo daw?!"
Hindi ako tumatanggi o nag dedeny kase oo, inaamin ko...
may nangyari samin ni Bea.
"Zharm lasing ako nun! Please wag mong hayaan na malaman ni Kath please!" Pagmamakaawa ko kay Zharm.
"Pero DJ pano si Bea? Kahit naman na may saltik yun, kaibigan ko pa din yun." Banggit ni Zharm
Sinabi ko kay Zharm na babalikan ko nalang muna si Bea, at kakausapin. Pumasok na ulit ako sa loob at lumapit kay Kath na nagaayos ng kama.
"Oh, ano daw kailangan ni Zharm?" Tanong agad ni Kath.
"Ha? Wala, gusto lang daw ako ni Bea bumalik." Sabi ko, hindi ako makatingin kay Kath.
"Babalik ka?"
"Oo, sorry Kath, babalik muna ako. Kakausapin ko lang si Bea tapos pangako di nako aalis."
Niyakap ako ni Kath.
"Okay lang, naiintindihan ko naman eh. Basta sa huli, ako na babalikan mo ha?" Ngumiti siya.
"Oo naman, mahal na mahal kita." Hinalikan ko yung pisngi ni Kath.
"Mahal na mahal din kita."
Nag ayos na ako ng gamit ko, ng sarili ko at nag drive na pabalik kila Bea.
****
Bea's POV
Nagising ako, pumunta ako sa baba. Wala na di DJ, niyakap ako ni Zharm.
"Alam mo, siraulo ka din kasi eh. Di mo naman kinailangang magsinungaling eh." Zharm said
"Desperada na kasi ako, gusto ko talaga so D-"
Hindi ko natapos yung sasabihin ko kase may naramdaman akong hindi maganda. Pumasok ako sa banyo at nag suka.
"Bea? Ano nangyare sayo? May nakain ka ba?" Sabi ni Zharm habang hinihimas yung likod ko.
"Hindi, wala naman. Pero parang.. nahihilo ako."
Iniisip ko kung bat ako nagsuka. Ugh, o nga pala! Nung gabing.. kaming dalawa lang andito ni DJ...
"Zharm..."
tinignan nya ako
"Please, favor. Paki bili naman ako ng pregnan-" pinutol nya sasabihin ko.
"Woah, wait. Wag mo sabihin saking buntis ka?"
Napayuko ako.
"Kanino?!" tanong ni Zharm
"Kay DJ..."
-----------
a/n: helloooo sobrang late ng UD hahah, please let me know what you think about this chapter, thanks!
comments maybe? thanksss! 😬👍
BINABASA MO ANG
Lucky I'm In love
FanfictionWould love conquer all? Would they survive every situation life throws at them? Will it make their relationship stronger or will it make them give up? "Kath.." hinawakan ko ang mga kamay niya, "Mahal mo pa ba ako?" "Hindi na dapat tinatanong yan,"...