DJ's POV
Bakit si Quen?! Hindi ako mapakali. Oo, mahal ko pa si Kath, oo nasasaktan ako. Pero sobra akong naiinis dahil si Quen ang pinili niya.
Wala akong karapatan magalit, pero bakit si Quen?! Sa dinami-dami ng tao, bakit yung lintek na yun pa?!
"Oh, DJ" Napalingon ako.
"Bea."
"San ka galing?" Tanong niya.
"None of your business." Sinara ko ang pinto ng sasakyan ko at dinaanan siya, at pumasok sa loob ng bahay.
Pagpasok ko ng bahay, nakita kong buhat ni mama si baby Kaleb. I almost forgot, may responsibilidad na nga pala ako. Tatay na nga pala ako.
"See oh, your mama likes our baby." Nilingon ko si Bea sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko. "We're gonna make a great family."
"Bea..."
"Maging positive lang tayo, DJ."
"Bea.. Hindi tayo pwede maging pamilya."
Nabitawan niya ang kamay ko. "DJ, ano nanaman ba problema mo? Sisirain mo nanaman ba ang isang magandang araw para sa'ting lahat?!"
Pabulong niyang sinabi sakin.
Napaisip ako sa mga sinabi niya.
Ayoko sirain ang maayos na araw, pero hindi pwedeng hindi ako magsasalita tungkol sa sitwasyon namin ngayon. Oo, may anak na kami. Gagawin ko ang responsibilidad ko sa bata pero dahil anak ko siya. Sa bata lang ako may responsibilidad.
"Baby Kaleb, nako. Ang gwapo gwapo mo naman!" Kitang kita ko si mama, umiiyak sa tuwa.
Natanggap niya din na may apo na siya. Na kahit maaga pa para sakin magkaron ng anak, tinanggap niya.
**************
Maya maya ay nagpahinga na ang lahat. Samantalang ako ay nagiisip pa din. Hindi ko alam kung ano gagawin ko sa buhay ko. Para bang sinukuan na ako ng buong mundo. Hindi ko na alam kung ano gagawin ko.
"DJ?"
"Oh, ma. Asan po si Kaleb?" Tanong ko.
Umupo si mama sa tabi ko.
"Natutulog, ayun. Katabi si Bea."
"Buti naman, matatahimik muna ako." Natawa kami pareho.
"Anak, may itatanong ako sa'yo."
"Ano po yun, ma?" Medyo kinakabahan ako sa itatanong niya..
"Gusto mo pa bang magpatuloy?"
"Ha? Patuloy saan?"
"Sa pag-aaral, anak."
"Kolehiyo po? Oo naman ma. Sino ba namang ayaw diba? Eh kaso nga, ganito yung nangyari. Hindi ko na alam kung pano ko pa to aayusin. Ang hirap lang kasi ma."
"Ano ba nasa isip mo?"
"Ang plano ko noon, sabay kami ni Kath. Kaso eto nangyari. Kaya ang iniisip ko ngayon, magtrabaho. Para naman may ma-ipakain ako sa anak ko."
"Kung gusto mong mag kolehiyo, gagawin natin yan." Napatingin ako kay mama.
"Po?"
"Oo, anak. Kung may pangarap ka para sa sarili mo at para sa anak mo, gugustuhin mong makapag tapos ng pag-aaral. Kaya anak, papasok ka ng college."
"Eh, kaso parang mas praktikal kung mag ttrabaho ako."
"Kaya nga napag- usapan namin ng papa mo na kami na muna bahala kay Kaleb. Tutal, apo naman din namin siya. Kami na bahala sa kanya hanggang sa maka-graduate ka at maka kuha ng maayos na trabaho. Dahil hindi mo maaabot yun kung hindi ka makakatapos."
Niyakap ko si mama. Napaiyak ako.
Hindi ko alam kung ano nagawa ko at binigyan ako ng mababait ng magulang. Naiyak ako sa sobrang tuwa. Sobrang thankful.
"Thank you, ma. Pangako, hindi ako magpapabaya."
"Dapat lang. Sige na, puntahan mo na yung anak mo at magpahinga ka na din muna."
"Sige po. Salamat talaga ma."
BINABASA MO ANG
Lucky I'm In love
FanfictionWould love conquer all? Would they survive every situation life throws at them? Will it make their relationship stronger or will it make them give up? "Kath.." hinawakan ko ang mga kamay niya, "Mahal mo pa ba ako?" "Hindi na dapat tinatanong yan,"...