Albie's POVNagkasundo kami ni Kath na mag o-outing kaming apat para maaya ko si Julia. Gusto ko somewhere romantic and somwhere na right yung mood, at kung saan may beach. Sa Batangas.
"Oh, ready na kayo?" Paglapit ni Kath samin
"Oo, grabe excited nako!" Tuwang tuwang sabi ni Julia.
"Tara na, baka ma traffic pa tayo," Nagmamadaling sabi ni DJ habang papasok sa kotse nya.
Nagusap kami ni Kath at napagusapan namin na dun muna ako sa tabi ni DJ sa harapan, sa venue ko na tatapatin si Julia, pumayag naman siya.
"Uy grabe, bat niyo naisip mag outing bigla?" Tanong ni Julia
Napatingin ako kay Kath, nginitian niya ako ng nakakaloka.
"Ah, wala lang," Kinakabahan kong sinabe "diba mahilig kayo mag swimming? So yun..."
"Ah.." Hay nako Julia wag kana magtanong.
Na pe-pressure akong lalo habang nararamdaman ko na papalapit na ka,i sa destination namin.
***
Kath's POV
Nang makarating kami dito sa batangas, nag check in na kami sa hotel at nag settle in. Ang ganda ng view, sobrang ganda din ng beach. Sana magng successful and plano ni Albie.
"Kath," speaking of, biglang dumating si Albie "pano pag di pumayag si Julia?"
"Albie, wag ka nga maging nega. Di mo pa nga nasusubukan eh."
"Guys, lunch na daw tayo sabi ni DJ. Nagiihaw na siya sa baba." pagtawag samin ni Julia.
Parang biglang.. sumama kutob ko?
Bakit parang may bigla akong naramdaman na hindi tama, basta parang may something na nabo-bother ako.
Bumaba na kami, kumain at nagkwentuhan. Pero nararamdaman ko pa din yung takot at kaba, ano ba to?? Bakit ako nabo-bother?
After nung meal, lumapit ako kay DJ. Sinabi ko sa kanya yung plano ni Albie, habang naguusap sila ni Julia sa malayo samin.
"Pero DJ, nabo-bother ako about something. Hindi ko ma- pinpoint kung ano."
"Baka stress"
"DJ naman eh," tinignan ko si Albie at Julia "ouch!"
"Kath? Ano nangyari sayo??"
Hindi ko alam kung bakit, pero nung tinignan ko si Albie at Julia, lalo akong kinabahan at sumakit yung dibdib ko. Wth, ano ba to? Bakit ganto??
"DJ, may hindi tama..." Sabi ko sa kanya habang hawak yung dibdib ko
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nung tinignan ko si Albie at Julia, lalo akong na-bother"
Kumunot yung noo ni DJ at tinignan ako, "Hindi ba dahil nagseselos ka?"
Pinalo ko so DJ sa braso "Aray!"
"Kasi naman no, bakit ako magseselos jan? E never ko naman nagustuhan yan si Albie, hanggang friends lang."
Umupo ako, tinititigan ko si Albie
"So, bat ka na-bother? At parang tinititigan mo si Albie?" Tanong ni DJ
"Hindi ko nga alam DJ kung bat ako nabobother. Pero tuwing nakatingin ako kay Albie, nase-sense ko na may hindi tama."
Wag naman sana masira tong outing na to. Ayoko ng ganto, gusto ko lahat maayos. Bakit ba kasi may nararamdaman akong ganto? Nakaka stress ugh!
"Hay nako," DJ sighed "kung ano man yang nararamdaman mo, kumilos ka na. Baka mahuli pa lahat pag may nangyaring di maganda."
Napaisip ako sa sinabi ni DJ, pano nga kung may di magandang nangyari?
Tinignan ko si DJ, "Nagaalala na talaga ako."
Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit gan'to?
_____
BINABASA MO ANG
Lucky I'm In love
FanfictionWould love conquer all? Would they survive every situation life throws at them? Will it make their relationship stronger or will it make them give up? "Kath.." hinawakan ko ang mga kamay niya, "Mahal mo pa ba ako?" "Hindi na dapat tinatanong yan,"...