Chapter 4. [I Like You]

1.6K 22 3
                                    

Kath's POV

Nag text si Albie kagabi sakin, susunduin niya daw ako tapos sabay na kaming kakain sa labas. Nag iisip pa din ako kung bakit niya gustong lumabas kasama ako. Parang mejo awkward? Kasi hindi pa ako kasing komportable sa kanya tulad kila DJ at Julia, pero hayaan na nga. Kaibigan ko naman siya eh.

Nagmadali nakong naligo at nag ayos dahil late nanaman ako nagising. Binilisan ko na yung pagkilos ko hanggang sa may nag doorbell na.

"Anak! Andito na sundo mo!" Sigaw ni mama sa baba

Bumaba na ako habang sinusuot yung cardigan ko at inilalagay yung phone ko sa bulsa.

"Sige po ma, alis na po ako." humalik ako kay mama sa pisngi

"Ikaw ah, boyfriend mo na ata yan."

"Ma naman, kilala mo naman si Albie eh." Binuksan ko na yung pinto "Sige ma, bye!"

Lumabas nako, at nakitang nakatingin sakin si Albie. Nakangiti pa ang loko.

"Oh, san ba tayo pupunta?" Tanong ko habang pinag bubuksan niya ako ng pinto ng kotse.

"Kakain lang sa labas," he started the car engine "san mo gusto?" Tanong niya

"Pizza tayo!" Excited kong sinabe

"Sure!"

*****

Nang makarating kami sa dapat namin pupuntahan, bumaba na ako at pumasok kami sa loob.

"Albie" banggit ko

"Mm?"

"Bakit mo nga pala naisipan na ayain ako lumabas? Anong meron?"

"Wala lang," nagkamot sya ng ulo "may gusto lang akong sabihin sa'yo.."

Shucks, kinabahan akong bigla. Ano naman sasabihin neto?

"Ano yun??" Tinignan ko siya

"Eh kase Kath.." biglang dumating yung order namin

Wow, great timing ah.

"Oh, ano tuloy mo na." Tumingin naman siya sakin.

Nginitian ako ni Albie at biglang nagsalita

"I like you," lumaki yung mga mata ko "more than a friend Kath"

"Se..seryoso ka ba?"

"Oo, sana hindi ka mailang. Kasi gusto ko lang naman sabihin sayo nararmdaman ko eh." pageexplain niya "Sana di ka galit."

"Gagi, bat naman ako magagalit sayo? Ano ka ba, okay lang yun. Di naman ako maiilang, nakakgulat lang talaga na may nagkakagusto sakin."

"Kath ano ba. Matalino ka, mabait, masiyahin, masayang kasama, maganda and napakadami pang iba."

Okay, ako na may mahabang hair. I'm blushing.

Pero pano ba yan? Ayoko naman isipin ni Albie na nire-reject ko siya. Matagal ko naman nang gusto si DJ eh, nauna naman siya eh.

Ano ba naman to..

***

At 3:00 pm, inuwi na ako ni Albie.

"Thank you Albie ha, next time ulit tayong apat naman."

Nginitian niya ako "Oo, sige." Nag thumbs up siya at bumaba na ako, at pumasok sa loob ng bahay.

***

DJ's POV

Since malapit lang bahay ko kay Kath, nakaugalian ko nang sumilip sa bahay nila mula sa bintana ng kwarto ko. At wait lang, ano to? Si Albie sinusundo si Kath? Anong meron? Wala naman binanggit samin na lalabas ah?

Bat silang dalawa lang? Bat ba ako na cu-curious?

Tumawag ako kay Julia, ang sabi niya nasa bahay lang daw siya. So ibig sabihin, silang dalawa nga lang talaga ang lalabas? WTH.

Hindi ako mapakali at paikot ikot ako sa bahay, nanonood ako ng tv pero kinakalikot ko din yung phone ko. Nag text din ako kay Kath, pero hindi naman nag rereply.

Siguro busy sila ni Albie. Shit, selos ba to? Nagseselos ba ako? Ugh, ayokong mag selos. Pag nag seselos ako may meaning, pero ano? Sighhhhhhhh.

Wala akong ginawang maghapon kundi manood ng tv at antayin silang makabalik.

At 3:03 pm, nakita ko si Kath nababa sa kotse ni Albie. Sa wakas, nakauwi na din siya. Ano bang ginawa nila?

Bat hindi man lang nila sinabi na lalabas silang dalawa? Bat ba napaka curious ko?

Lumabas lang sila, wag ka nga mag isip ng kung anu-ano.

That phrase went inside my head, siguro nga dapat di ako mag isip ng iba. I trust Kath, pero not so much kay Albie.

************

Lucky I'm In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon