Chapter 41 [Status: In a Relationshit?]

39 0 0
                                    

DJ's POV



"It was nice spending time with you, Kath." Sabi ko bago siya bumaba sa sasakyan ko.


"Thanks, it was nice seeing you. Ingat ka pauwi." She smiled at me and opened the door.


"Salamat."


Bumaba na siya at isinara ang pinto.

Nag ddrive ako pauwi. Hindi ko lubos maisip kung pano siya nag ka boyfriend ng ganoon kabilis???

At ang worst part is si Quen pa talaga?!

Hinampas ko yung manibela sa sobrang inis. Pero sabagay, halos isang taon na din ang nakalipas. And she truly deserves someone better.


Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko matanggap na yung karibal ko noon ay yung pinalit niya sakin. Ano na ba nangyayari?


Eto na ata parusa sakin. Karma ko na ata ito. Napaka tanga ko din naman kasi, bakit ko pa ba pinalitan yung taong minahal ako ng buong buo. Yung taong alam kong kahit kelan hindi ako iiwanan. Tangina, napaka tanga ko! 


Kath, akin ka na lang ulit. Please...


----------------


Kath's POV


"Bye" Isinara ko na yung pintuan.


Hay. Ano kaya iniisip ni DJ? Sana hindi sya mag tamang hinala o kung ano man. Sana maisip niya na hindi ko naman siya ginagantihan. Talagang napasaya ako ni Quen ng sobra sobra. 


Pag pasok ko pabalik ng cafe para i-continue yung shift ko, bigla kong naaalala kung bakit ko piniling mahalin si Quen. Alam kong hindi ako papabayaan ni Quen, sana walang sumira sa'min. 



6:00 p.m.


"Sige po, una na ko ma'am"


"Okay, ingat iha."


Pag labas ko ng cafe, nakita ko si Quen. Nasa labas ng sasakyan niya at inaabangan ako. Nang makita na niya ko, ngumiti siya at lumapit sakin. 


"Hi." Bati niya.


"Hello." Ngiting ngiti kong bati. "I love you." I grabbed his neck and pulled him closer to me for a kiss.


"I love you, too. Ang tamis mo naman ngayon ah." Kinuha ni Quen yung bag ko at hinawakan ang kamay ko habang naglalakad papuntang sasakyan.


"Hindi naman, good mood lang ako lagi pag nakikita na kita." Ngumiti ulit si Quen.


"Tama na pagpapa kilig. Baka masanay ako, hanap hanapin ko 'yan sayo." Pag biro ni Quen, habang pinag bubuksan ako ng pinto ng sasakyan.


"Okay lang, di naman ako magsasawa eh." Kinindatan ko sya at sinara na ang pinto.


Sumakay na si Quen sa driver's seat at nag drive na. 


"So, how was your lunch with DJ?" 


"It was nice, ang sarap sa pakiramdam na hindi mo kailangan magtago kahit kanino." I smiled at him.


He held my hands.


"I'm glad you're happy. Basta, wag mo kakalimutan na karapatan mo din maging masaya."


"Masaya ako sayo, Quen. I'm really happy." 


He kissed my hands.


"And I told him about us." Banggit ko.


"Ano sabi niya?"


"Nagulat siya, of course. Lalo na dati ka niyang karibal sakin. Talagang magugulat yun." 


"Well, that's good na alam niya." 


"You okay?" Tanong ko.


"Oo naman, ayoko lang na makitang siya ang umaagaw sayo mula sakin."


"Quen, you know that'll never happen."


"I'm just making an assurance. Ayokong mawala ka sakin Kath."


"Baby, you won't lose me. Pangako ko yan sa'yo diba?" 


"Okay."


Hinatid na ako ni Quen sa bahay at nag good night kiss na din sya sakin.


Masaya ako kay Quen, at hindi ko kailangan patunayan yun. Masaya ako at mahal ko siya. Hinding hindi ko masasaktan ang taong muling nagbigay kulay sa mundo ko. 

Lucky I'm In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon