A/N: Just a quick Author's Note here. Please guys if you're still reading this story, kindly leave a comment after every chapter. I really need some comments to boost me up. I need your feedback. Please, I'm asking just for comments. Just comments, please.
Thank you so much.
***
Kath's POV
"Hindi loka, ayoko nga."
"Eh bakit? Ginago ka naman eh!"
"So tingin mo dapat gaganti ako ganon?" I rolled my eyes
Sinabi ko sa kapatid ko na si Miles yung nangyari samin ni DJ. At ang dapat ko naman daw gawin is to get revenge.
"Alam mo Miles, karma is the best revenge there is."
"Ate, sa panahon ngayon kapag hindi ka kumilos, ikaw ang talo." Napaisip ako bigla.
Mahal ko si DJ, oo. Ayokong mawala siya sakin sa totoo lang. Kahit na sobrang sakit ng ginawa niya sakin. Alam kong may reason, pero as of now ayoko muna malaman kung ano man sasabihin niya.
"Alam ko, kaya nga ayoko na maging mabait. Sinusubukan ako ni Bea, tingin niya siguro hindi ako papatol."
Im just controlling my temper, pero konting konti na lang talaga malilintikan na to si Bea sakin. Pag eto talaga nagkamali ng inaway, masasampal ko to.
"Ate," pabulong ni Miles sakin "Ano gagawin mo kung sakaling magkita kayo?"
"Di ko alam."
Pero sa isip isip ko ay sasampalin. Pero edukado akong tao. Masakit yung ginawa nya, pero kung ipagmamayabang nya sakin na magkakaanak si Bea kay DJ, isang malakas na sampal ang dadapo sa pisngi niya.
*****
DJ's POV
"Oh, pwede ka na daw lumabas."
Banggit ni mama sakin pero hindi ako tinitignan.
"Ma," Sinubukan kong tumayo
"DJ, hindi ako galit."
"Ma naman eh."
Tumayo ako at niyakap si mama.
"Nalulungkot lang ako kasi I happen to really like Kath. And hindi na nga ako nagambala o nagalala na sya yung maaanakan mo."
"Ma, aksiden-"
"Oh no DJ!" Biglang sigaw nya. "Wag na wag mong sasabihin sakin na aksidente lang ang nangyare sa inyo ni Bea!"
Bigla akong napaisip. Oo hindi nga sya aksidente, di naman pwedeng aksidente na lang akong pumasok kay Bea.
Hindi aksidente, pero pagkakamali. Hindi ko ginusto yon. Alam ng Diyos na hindi ko ginusto na may mangyari samin ni Bea.
"Sige na, mag ayos ka na at uuwi na tayo." Inutos ni mama sakin snapping me back to reality.
Habang nagaayos ako ng gamit at nagiisip kay Kath, si mama nasa phone niya kausap si papa, hindi ko lubusan maisip kung pano ko makukuha ulit si Kath.
"DJ!" Biglang may bumukas ng pinutan, at tumakbo siya papunta sakin.
"Bea?! A..ano ginagawa mo dito?"
Tumayo si mama at tumabi sakin.
"Hi titaaaaa!" Pangiting banggit ni Bea kay mama.
"Nako wag moko ma tita-tita. Baka ilubog ko ulo mo sa inidoro." Mahinang sagot ni mama, pero ako lang nakarinig.
BINABASA MO ANG
Lucky I'm In love
FanfictionWould love conquer all? Would they survive every situation life throws at them? Will it make their relationship stronger or will it make them give up? "Kath.." hinawakan ko ang mga kamay niya, "Mahal mo pa ba ako?" "Hindi na dapat tinatanong yan,"...