Chapter 17. [Our turn]

1K 8 2
                                    

Julia's POV

Alam niyo yung mahal ko na si Albie, pero hindi padin kami hanggang ngayon. Nauna kaming mag-aminan kesa kay Kath at DJ, pero..

Hanggang ngayon, wala pa din. We're still this thing called...

"..Mutual Understanding (M.U.)"

"HA?! Hanggang ngayon, di pa din kayo?" Tanong ni Kath.

"Aish, sakit sa tenga ah!"

"Ay, sorry. Pero dinga? Totoo?" Gulat na tanong ni Kath. Grabe naman, sobrang gulat ah.

"Oo nga kaseee." Sagot ko sabay kamot sa tenga ko. Sakit ng sigaw ni Kath eh.

"Eh diba nung nag outing tayo nun, nag-yes ka na?" Taka kong tinanong

"Binawi ko pagkauwi." Napa facepalm ako.

"Pero bakit???"

"Eh kasi di ko alam kung seryoso na ba sya o hindi eh."

"Ngayon ba sa tingin mo seryoso na sya?"

"Parang. Kasi si sya tumigil ever since eh. 2 months ago na yung outing natin so yun.."

Napangiti ako.

"So papayag ka na?"

"Hmmm maybe."

Habang naglalakad, may hawak hawak akong card, binigay sakin to ni Albie last week. Actually, inilagay lang niya 'to sa bag ko eh, inabot ko kay Kath at pinabasa ko sa kanya.

Julia,

Everyday, when I'm with you, you make me happy. Every second is perfect, everything we do is special and so memorable. I like you so much, and I know I'm not perfect. But I want you to know, I'm always here for you. I'm going to cheer you up when your sad. I'm going to hug you when your crying and laugh with you when we are happy.

Pinakita mo sakin kung sino ka, at special ako para sa'yo. Salamat din dahil sobra sobra sobra sobra sobra as in SOBRA mo akong pinapasaya. I promise, next week, papasayahin kita ng bongga!

-Albie :)

May nakaipit na rose pa jan sa loob nung binigay niya sakin. Ewan ko nga kung bat ko 'to laging hawak eh. Siguro kase ang sarap basahin yung mga sinulat niya dito.

Pagdating namin sa canteen, hindi ko pa din makita si Albie. Pero di lang pala ako yung naghahanap sa kanya.

"Nagtext na ba si Albie?" Tinignan ako ni Kath "Or si DJ?" Tanong niya.

"Ha? Ba't mo sila hinahanap? Ano meron?" Tanong ko pabalik.

"Ah, wala. Di pa ba nag tetext?"

"Hindi eh. Ano ba ka--" Biglang may nag text. "Ay, eto wait. Si Albie nagtext."

From: Albie <3


Wag ka aalis sa canteen ha, chaka jan ka lang sa tabi ni Kath. See you later.

Nagtataka na ako, ano ba meron?!

"Ah, ayan na pala eh. Patingin nga!" Sabay kuha sa phone ko

Lucky I'm In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon