Chapter 3. [Inviting you]

1.7K 16 2
                                    



Kath's POV

AFTER FIVE MONTHS...

Nagiging komportable na samin si Albie, which is good. Sumasaya lalo samahan naming apat. Nakakapag share na siya ng secrets samin tapos nakikipag socialize na.

Nasa gym physical education class kami, lahat kami kanya kanyang physical activities. Kami ni Julia nag vo-volleyball as usual. Si DJ at Albie naman naglalaro ng basketball.

Grabe, ano ba tong nararamdaman ko. Bat parang ang hirap na tignan ni DJ. Naiilang na ba ako? Sana hindi, kasi magtataka yun. Hindi naman pwedeng iwasan siya kasi best friend ko yun.

Isip ako ng isip habang naglalaro, di ko napansin tinira na pala ng kabila yung bola, naging target tultoy ulo ko.

"Aray," napahawak ako sa ulo ko. "napalakas ata yung tira." sabi ko dun sa nag serve sa kabila.

"Sorry Kath," lumapit siya sakin "di ko sinasadya."

"Alam ko ano ka ba, okay lang yun. Na distract lang din kasi ako kaya di ko nakita yung bola."

Tumayo ako at umupo sa bleachers, nagpunas ng pawis at uminom ng tubig.

"Ano ba kasi yung iniisip mo at hindi mo nakita yung bola?"

Napatingin ako, si Albie pala.

"Ha? Wala yun!"

"Hay nako. Oh, okay ka lang ba?" tinignan ni Albie yung ulo ko

"Oo, di naman na masakit."

Nilingon ulit ako ni Albie, at dahan dahan na ngumiti..

"Oh baket?" tanong ko

"Pwede ka ba bukas?"

"Sabado bukas, may training ako."

"After training niyo, kain tayo sa labas." pag aaya ni Albie

"Libre mo?"

"Sige ba!" Napatawa ako ng mahina

"Wait, bakit nga ba?" anong purpose netong pag labas bukas?

"Wala lang, bonding lang."

"Ah, so tayong dalawa lang?"

Tumango si Albie

"Okay sige, bukas. Text mo nalang ako."

Tumango ulit si Albie at bumalik nako sa paglalaro. Napatingin ako kay DJ, na may pagka sungit ang ichura. Problema neto?

At ano naman kaya dahilan bakit inaaya ako ni Albie? Ano ba meron bukas? Siguro birthday niya? Pero bat kaming dalawa lang?

***
short update :)

Lucky I'm In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon