Chapter 2. [Friend-sary]

2K 24 3
                                    

DJ's POV

Nakauwi nako, pero siya pa din iniisip ko. Fuck ano ba tong feeling na to? Natural ba to? Ewan ko ha, pero sa lahat lahat ng pwedeng babae, si Kath talaga napili ko. Ang gay naman neto.

Pero ugh di ko na alam, muntik ko na masabi sa kanya kanina. Yung mga simpleng pangaasar ko sa kanya para lang yun makita ko siyang ngumingiti. Kasi kinikilig ako pag napapangiti ko siya.

Pero dumating naman si Albie, gusto ko ako lang kaibigan ni Kath na lalaki kase diba may mas chance pag ganun? Ang hirap naman ng ganto, sana hindi ako mahirapan.

Nag tweet na nga ako sa twitter para lang makita niya kung ano nararamdaman ko, pero natatakot akong malaman niya. Yuck, ang corny ko na.

"DJ!" Sigaw ni Julia

Naki-ihi muna siya bago umuwi kasi di niya na mapigilan

"Oh baket?"

"Sumama ka bukas ha, oh kahit habol lang. May volleyball practice kami ni Kath."

"Okay sige, tas kain nalang tayo sa labas." Pag suggest ko.

"Okay sige, salamat sa CR, uwi nako. See you tomorrow!"

Lumabas na ng bahay ang bruha at nag pahinga na muna ako.

***

Kath's POV

Sabado ng umaga, sobrang aga, nagising ako sa ringtone ng phone ko, tinignan ko yung caller ID, si Julia

"Oh Juls, bakit?" Matamlay kong bati dahil nga kakagising ko lang eh.

"Hoy asan ka na? May practice tayo ng volleyball ngayon, bruha ka."

Bigla akong napa upo sa pagpapaalala niya

"Ay shucks, onga pala! Sige sige, magmamadali nako."

Tumayo nako at kumilos ng mabilis, naligo at nag handa ng pamalit na damit at ng tubig.

"Ma, alis na po ako!" Pagpapaalam ko habang nababa ng hagdan at nagtatali
ng buhok.

"Okay sige, ingat." Hinalikan ako ni mama sa noo at umalis nako.

******

Medyo nakaka isang oras na kami ng training, puro pawis nako at may mga pasa na din sa braso.

"Good job Kath! Lalo kang gumagaling sa pag lalaro." Sabi ng coach namin

"Syempre naman po, turuan ka ba naman ng pinaka magaling na coach." pambobola ko, pero seryoso ha.. magaling na coach talaga sya.

"Nambola ka nanaman," tumawa sya "Oh sige na, next week ulit same time guys ha! Walang male-late!"

Umupo na ako sa bleachers at uminom ng tubig tapos nagpunas ng pawis. Biglang may tumabi sa kaliwa ko.

"Ano bayan, di man lang kita naabutan na naglalaro. Sayang!" Si DJ pala.

"Late ka kasi, di ka naman nale- late dati." Kunwaring nagtatampo kong sinabi

"Oh DJ, bat ngayon ka lang?" Sabi ni Julia

"Eh late akong nagising eh. Chaka may inayos pa ko."

"Sus, mas importante pa ba samin ni Kath yung inayos mo?" Tanong ni Julia

"Hindi," Ngumiti ang loko "Pero para sa inyo."

"Ha?!" sabay namin nabanggit ni Julia.

"Tara dali!" Pag aya ni DJ

Sumakay kami sa kotse nya at nag drive na siya.

"Kakain tayo dito?" Turo ko

"Oo. Ano ba, anniversary nating tatlo ngayon ah!"

"Ay! Onga pala!" Sabay nanaman naming bigkas ni Julia

"Shucks, sorry DJ." Sabi ni Julia at niyakap siya

"Onga sorry, babawi nalang kami."

"Okay lang yun, tara kain na tayo."

Pumasok na kaming tatlo sa loob, umupo, umorder at nag antay para ma- serve yung food namin.

"Isama natin si Albie next time, para masanay siya satin." Suggestion ni Julia

"Uy onga, para naman nakaka relate sya satin." Pag agree ko

Si DJ, wala lang. Nakayuko lang.

"Hoy, payag ka ba?"

"Oo na sige, na. Basta wag muna kayo agad magtitiwala sa kanya ha." banggit ni DJ

"Oo naman no, alam naman namin yung mga dapat sabihin at i-share sa kanya no."

"Okay. Oh pano ba yan, 8 years na pala tayong magkaka kilala."

"Grabe ang tagal na, more years to come sating tatlo."

"Walang iwanan to ha? Tayo na talaga may pinaka matibay na friendship."

Napakasaya ko dahil sa sobrang dami ng tao, etong dalawang to ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko, sobrang thankful ako sa kanila.

Lucky I'm In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon