Chapter 34 [Accident]

57 1 1
                                    


DJ's POV

Hindi ako makapag isip ng maayos.. Ano ba yan, ano ba tong ginawa ko. Bakit ba ako nagpa-loko sa kanya? Ang dami dami naman pwedeng mangyare, tapos nabuntis pa?

Habang nag d-drive ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung pano ko haharapin si Bea. Sobrang hirap naman ng sitwasyong pinasok ko.

Pagdating ko kela Bea ay pumasok agad ako sa loob ng bahay niya. Siya agad ang una kong nakita.

"DJ!" Sigaw ni Bea, "DJ bumalik ka!" Niyakap niya ako.

Hinila ko si Bea at umupo kami sa sofa.

"Bea, aminin mo nga sakin.. buntis ka ba talaga?" Deretchahan kong sinabi.

"Oo." Yumuko si Bea. "Nag pregnancy test ako at positive ang lumabas."

Lalo akong kinabahan..

"Asan yung tester?" Hinahanap ko dahil gusto kong makita.

"Syempre tinapon ko na DJ, ihi kaya laman nun." Sagot ni Bea sakin. "Pero eto litrato.."

Iniabot sakin ni Bea yung phone nya, at nakalagay sa tester may dalawang guhit.

"Shit," bulong ko sa sarili ko. "I'm sorry Kath"

"DJ were going to be parents..." tinignan ako ni Bea, nginitian nya ako.

Hinanap ko si Zharm kasi ayokong kaming dalawa lang ni Bea magkasama.

"Zharm?!" Sigaw ko

"Oh DJ, bakit?" Lumabas si Zharm galing kusina.

"Ikaw muna mag bantay kay Bea, kukunin ko lang yung iba kong gamit."

"Ha, osige."

"DJ, balikan mo ko agad ha." Niyakap ulit ako ni Bea at humalik sa pisngi ko.

**

Kath's POV

"Kath?"

"Yes po ma?"

"Anak, pasyal naman tayo oh. Nakakabagot na dito sa bahay eh."

"Kaya mo ba mama?"

Tumango siya at ngumiti.

"Sige po ma, maliligo lang ako at magaayos tapos alis tayo."

Nakita ko ang laki ng ngiti ni mama, sobra ko 'tong kinatuwa. Bihira na lang ngumiti ng ganito si mama. Ang sarap makitang nakakangiti na ulit siya.

Nag text ako kay DJ na aalis kami ni mama, para hindi sya magalala.

Namimiss ko na si DJ, sana dumating na yung panahon na hindi na namin kailangan lumayo sa isa't-isa..

**
DJ's POV

Habang nag d-drive naman ako pabalik kay Kath, para yakapin siya. Dahil hindi ko alam kung mamahalin pa din niya ako after what I did.

Nakatanggap ako ng text. Nakita ko pangalan ni Kath at binasa ko habang nagmamaneho.

"DJ, mamamasyal lang kami ni mama. Mejo nalulungkot kasi siya sa bahay e. Ingat ka ha? I love you."

Naluha ako habang binabasa ko ang text ni Kath. Sobra kong nasaktan ang taong mahal ko, ang tanging taong nag mamahal sakin ng sobra sobra.

Tinawagan ko si Julia para makipag kita. Hindi ko kayang kimkimin to sa sarili ko. Kailangan ko mailabas to.

I dialled Julia's number.

"Oh, DJ. Bakit?"

"Kita naman tayo oh. Isama mo si Jason."

"Saan? Chaka umiiyak ka ba?"

"Oo e. Basta mamaya ko na ipapaliwanag."

"Okay, sige itext mo ko kung saan."

"Wag mo pala babanggitin kay Kath ha."

"Bakit?"

"Basta, mamaya ko na ipapa-"

BEEEEEEEEEEEEEEEEEP!

Julia's POV

"Hello?!!"

"DJ???"

Binaba ko yung tawag at humanap ako ng tulong.

"Jason!" Sigaw ko habang tumatakbo sa kanya.

"Oh baket?"

"Jason si DJ!"

Sa sobrang pagaaalala ko, tinawagan ko si Kath at sinabihan na pupuntahan ko siya.

Kath's POV

Paalis na sama kami ni mama para mamasyal, nang biglang may tumawag sakin.

"Ay ma, teka lang po. Sasagutin ko lang to." Pagpaalam ko.

"KATH!"

"Oh, Jul-"

"KATH SI DJ NAAKSIDENTE!" Bigla akong kinabahan

"Ma," Ang luha ko kay tumulo "Ma, si DJ naaksidente." Kalmado kong ibinalita

"Ha? Ano nangyare? Asan siya?"

"Hindi ko pa po alam, pero ma.."

Niyakap ako ni mama

"Shhh, okay lang anak. Sige na. Puntahan mo na siya, tapos itext mo ako at balitaan." Hinalikan ako ni mama sa noo.

"Sige po ma, sorry po."

"Its okay anak, lumakad ka na."

***

a/n: i know it took a long time for the update, sorry :(
pambawi, more updates are coming up.

thank you to papernicnix for the new story cover :) labyu

Lucky I'm In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon