Kath's POV
Kasama ko si Julia at Albie sa canteen, lunch time na namin. Wala akong balita kay DJ kung bakit siya nag absent ngayon, hindi man lang nag text o kaya tumawag. Nagku-kwentuhan si Albie and Julia, habang ako tulala. Nag aalala ako kay DJ.
"Uy ba't ka ba tulala jan?" Tanong ni Julia
"Wala, nag iisip lang ako."
"Ay nako, masama mag isip! Nakaka-stress!"
Nag ring na yung bell which means back to class. Ang tamlay ko, bakit hindi man lang nagsasabi si DJ? Nagaalala talaga ako.
"Uy Kath, tulala ka nanaman jan. Magkwento ka naman!" Si Albie pala. Siya nangungulit sakin ngayon. Silang dalawa ni Julia.
"Uhh, wala 'to. Chaka ano naman ikukwento ko? Wala pa naman nangyayari eh." Wala talaga ako sa mood.
"Uy Kath, okay ka lang ba? Bakit parang ang tamlay mo?" Tanong ni Julia.
"Masama lang talaga pakiramdam ko." Palusot lang muna. Di ko masabihan si Julia eh. Anjan kasi si Albie.
"Ayaw mo ba umuwi?" Suggestion ni Albie.
"Mag c-clinic nalang ako mamaya."
After an hour, bumaba nako sa school clinic namin. Nagpaalam ako na magpapahinga kasi hindi ko na talaga kaya, sobrang stressed nako.
Natulog muna ako. 2 hrs nalang naman natitira.
Albie's POV
Andito kami ni Julia sa room, hindi ako maka-concentrate sa tinuturo ng teacher ko dahil I'm thinking about Kath.
"Julia, ano nangyari kay Kath?" taka kong tinanong.
"Stressed lang yun, masyadong madaming iniisip at iniintindi, pero okay lang yun. Wag ka mag alala." nginitian ako ni Julia at napangiti din ako. Mejo kampante nako ngayon sa sinabi ni Julia.
***
Kath's POV
"Kath, gising na." pag mulat ng mat ko, yung nurse ng school namin nakita ko. nag clinic nga pala ako kanina.
Pag labas ko ng clinic, nakita ko agad si Albie at Julia.
"Okay ka na ba Kath?" tanong ni Albie
"Oo," sinuot ko na yung bag ko at naglakad "um mauna na kayo umuwi."
"Ha? Bakit?" Julia asked
"May dadaanan lang ako," nakita kong nalungkot ang mukha ni Albie "sige na guys, ingat kayo."
Pagtapos mag paalam ay binilisan ko ang pag takbo ko papunta sa bahay nila DJ. May susi ako sa bahay ni DJ, binuksan ko yung pintuan at hinanap sya.
"DJ? D-" Naramdaman kong may yumakap sa likod ko. Napalingon ako, si DJ pala.
"Kath.." Nagulat ako nung niyakap niya ako. Pero teka, ba't ang init niya?
Dinala ko siya sa kwarto niya para makahiga siya.
"DJ, ba't ang init mo? Teka nga, humiga ka jan." Pinahiga ko siya sa kama at kumuha ng bimpo at tubig.
"Oh teka, pupunasan kita." Kumuha din ako ng damit sa kabinet niya para mapalitan. Di pa siya naliligo eh. Eto pa din yung damit niya kahapon. "Ano ba nangyari sa'yo DJ?"
Wala siyang sagot. Nakahiga lang siya at nakatingin sakin.
"DJ, ano ba. Kausapin mo ako. Nagaalala kasi ako eh." Hinawakan niya bigla yung kamay ko.
"Talaga Kath? Nagaalala ka sakin?" Nagulat ako sa tanong niya.
"Hay nako, malamang. Kaibigan kita simula bata pa tayo DJ."
"Ah. Salamat." Binitawan na niya yung kamay ko.
"Ano ba kasi nangayri sa'yo? Ba't ka nilalagnat?" Tinanong ko siya habang inaayos yung unan niya sa ulo.
"Nagbabad kasi ako sa ulan eh."
"Ha, eh ba't mo naman ginawa yun? Ano kaba naman!" Nagkumot siya habang kinakausap ko siya.
"Kasi nga nagpaulan ako dahil malungkot ako." eh bat naman to naging malungkot?
Biglang kumulog ng malakas at bumuhos yung ulan, wala pa naman akong dalang payong.
"DJ, uuwi nako ha?"
"Iiwanan mo na ko? Jusko Kath, ayan lang naman bahay mo sa tapat ko eh." napaisip tuloy ako "Dito ka na."
"Okay.." nagtext ako kay mama at nag sabi kung nasan ako.
After 1 hour..
"DJ.." Pabulong kong sinabi "Andito lang ako, hinding hindi kita papabayaan. Sana sabihin mo sakin kung ano yung problema mo. Nasasaktan kasi ako pag may tinatago ka sakin eh."
"Kath, wala akong problema. Sasabihan naman kita kung meron eh."
"Osige na, magpahinga ka na." binuksan ko yung cabinet nya at kumuha ng unan at kumot, "oh matutulog nako ha? dun nako sa sofa."
"Ayoko." tinignan ko sya. "Dito ka nalang sa tabi ko."
Wait what?
"DJ, mahahawa ako sayo." palusot ko. "Dun nako sa sofa, sige na."
"Fine."
Lumapit ako kay DJ at humalik sa noo nya.
"Goodnight, DJ."
"Night."
Ay grabe DJ, ang cold ha.
***
THE NEXT MORNING.
Nanonood ako ng news. Suspended daw lahat ng klase ngayon dahil sa walang tigil ng ulan.
"Kath, ano ginagawa mo?" Si DJ pala, bumaba na.
"Nagluluto ng agahan natin." Tinignan niya yung niluluto ko.
"Pancakes?" Angal ni DJ
"Subukan mong umangal, nako." Inirapan ko sya.
"Ang breakfast, is bacon and eggs with toast!" kinuha ni DJ sakin yung kawali
"Huy ano ba!" pilit kong inaagaw sa kanya "DJ masusunog!"
"Hayaan mo na kasi ako magluto." nginitian nya ko.
Ugh, weakness ko pa naman yung smile nya :(
"Ona, sige na." inabot ko yung apron sa kanya, "eh pano yungg ibang pancakes?"
"Ibibigay natin yan sa mga batang walang makain." Napangiti naman ako dun.
"Wow, ang bait mo ah. Epekto ba yan ng lagnat mo?" sabay tawa
"Che, ibalot mo na yung pancakes."
Pagka balot ko, binigay ko na kay DJ at bumaba na sya, sinilip ko sya sa bintana. Nakita kong binigay nya yung pancakes sa tatlong bata sa baba.
Ang sweet talaga ni DJ, napaka kind hearted. This is why I adore him so much.
***
UD DONE. pabitinnn ;)
BINABASA MO ANG
Lucky I'm In love
FanfictionWould love conquer all? Would they survive every situation life throws at them? Will it make their relationship stronger or will it make them give up? "Kath.." hinawakan ko ang mga kamay niya, "Mahal mo pa ba ako?" "Hindi na dapat tinatanong yan,"...