DJ's POV
"Ano ba Bea! Nakakadiri ka!" Lumabas ako ng banyo habang binabalot yung sarili ko ng twalya.
"C'mon DJ, it's not like you haven't seen it before." Sabay tawa.
"Ano ba iniisip mo? Ginusto ko ba yun? Ginusto ko ba hawakan yang katawan mo? Nakakadiri putek. Bahala ka nga jan." Lumabas ako ng banyo at nagbihis.
Pinuntahan ko yung anak ko dahil sobrang inis ko. Anak ko lang nagpapa kalma sakin. Si Bea nagiging sakit ng ulo ko.
Tinignan ko si Kaleb, natutulog siya. Sobrang payapa ng tulog niya, grabe hindi ko aakalaing mamahalin ko ng sobra yung batang hindi ko naman pinlanong pumasok sa buhay ko. Siya na yung naging pinaka malaking plot twist ng buhay ko.
"Bea, aalis kami ni Kaleb."
"Sama ako!" Sabi niya.
"Wag na."
"Eh, ano ba. Anak ko din naman yan ah!"
"Bahala ka."
Sumakay na kami sa kotse at nagmaneho na ko. Gusto ko lang bumawi sa anak ko kahit papano.
Pag dating namin sa mall, ang daming naka tingin samin. Ang dami kong naririnig na bulong,
"Ang gwapo nung bata oh!"
"Pati yung ama, gwapo!"
Pero dun ako pinaka nabahala sa isang narinig ko,
"Bat parang di naman kamukha yung anak? Pareho gwapo pero di magka mukha?"
Pinilit kong hindi isipin pero sobra akong nagtataka. Knowing Bea, malamang may ginawa nanaman siguro to.
"Uy Bea!" Isang lalaki nag approach kay Bea. "Ang cute naman ng anak mo."
Tinitignan ko lang siya, "Ay pre, ikaw siguro ama? Jake nga pala." Nakipag abot kamay siya sakin pero tinitigan ko lang.
Tinignan ko siya ng masama.
Binuhat niya si Kaleb, "Ang cute cute mo naman baby. Ang gwapo mo! Mana ka siguro sa ama mo."
Hmmm. "Ay, ano, osige na. Aalis na kami ha, madami pa kaming gagawin." Kinuha ni Bea si Kaleb at hinila ako.
"Bea ano ba!"
"Bakit?"
BINABASA MO ANG
Lucky I'm In love
FanfictionWould love conquer all? Would they survive every situation life throws at them? Will it make their relationship stronger or will it make them give up? "Kath.." hinawakan ko ang mga kamay niya, "Mahal mo pa ba ako?" "Hindi na dapat tinatanong yan,"...