Kath's POV
Namimiss ko na si DJ, hay. Ano ba naman kaseng klaseng kasunduan yung kailangan gawin. Sa totoo lang, ayoko naman talaga pumayag eh, kaya lang wala akong choice. Ayokong mapahamak yung mga taong nakapaligid sakin.
"Ma?" biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Zharm nung isang gabi.
"Bakit anak?" sagot ni mama.
Gusto ko na maliwnawan, totoo ba na kapatid ko si Bea sa ama? Bakit parang ang hirap naman kasi paniwalaan.
"Ma, ah.. um, kase ano po.. Pumunta dito si Zharm nung isang gabi, tapos..."
"Oh, bakit daw?" napatingin ako kay mama.
"May kapatid po ba kami ni Miles sa labas?" Taka kong tanong
"Well, yes pero hindi ko maalala kung nasan na sya eh." pag papaliwanag ni mama
"Ah ganon po ba.."
"Anak, pinigilan ko siya. Nung nalaman kong buntis nako sa'yo, lumayo ako. Pero hinanap niya ako. Nak, di ko ginusto yung nangyare, pero mahal ko ang papa mo." Naiiyak na sabi ni mama.
Alam ko mali yung ginawa ni mama, sa totoo lang gusto ko sya sigawan at pagalitan. Pero anong choice nya? Nagmahal lang naman sya eh. Siguro mali yung paraan, pero ganon naman talaga magmahal e, sumusugal ka.
Niyakap ko si mama at pinunasan yung mga luha niya. Ano ba naman 'tong problema na to.
**
DJ's POV
Unang gabi ko ngayon dito. At kasama sa pagpapanggap ko ay yung tumabi kay Bea sa kama, at hanggang ngayon, nagtatalo pa din kami kung san ako matutulog.
"DJ, babe, dito ka matulog sa tabi ko." Pag aaya ni Bea. Ano ba meron sa pag tawag nya ng babe saken? I'm taken, tapos kailangan ko ba din siya bigyan ng pet name?
No way.
"Ah, dito nalang ako sa sahig.." Sagot ko
"Babe, wag ka naman ganyan. Wag mo 'kong iwanan dito magisa sa kama." Sabi nya at sabay pout.
"Bea, please don't call me babe. Nakakailang eh." Inis kong sabi pero hindi ko pinahalata.
"Bakit naman? Eh akin ka naman ah, i can call you babe." Inirapan ko sya. I'm not yours Bea.
"Bea..." Tinignan ko siya, at mukhang nalungkot sya. Hay nako! Ano ba talaga gagawin ko para matapos na 'to? Jusko talaga, ang hirap! "Babe." Pagumpisa ko. Nakita ko siyang ngumiti ulit.
"Yes babe?" Sagot niya.
"Sige na, jan nako tatabi sa'yo." umupo nako at tinignan sya.
"Thank you." Nakangiti niyang sinabi.
Nginititan ko nalang din siya at humiga na. "Goodnight." Pag banggit ko.
"Goodnight babe." at humalik sya sa pisngi ko.
**
Zharm: DJ huminahon ka nga, di ka naman mamamatay dun eh.
"Eh ang point nga, ayoko. Necessary ba talaga na gawin ko yun?"
Zharm: Jusko DJ, pet name lang yan. Pwede huminahon ka?
"KAILANGAN BA TALAGA?"
Zharm: Oo, kasi pwedeng magduda yang babae na yan. Gawin mo nalang please?
"Fine."
Binaba ko na yun phone. Hindi ko ma-text o matawagan si Kath kase baka mahuli ako ni Bea at sugurin nya bigla si Kath. Pumunta kami ni Bea sa doctor nya, may check-up daw sya ngayon.
"Babe, antayin mo nalang ako dito." Tinuro nya yung mga upuan sa waiting room at umupo nako, kinuha ko yung phone ko at nakinig nalang ng music.
***
"Babe?" Nakaramdam ako ng pagtusok sa pisngi ko. Dumilat ako, si Bea pala.
"Oh, bat ang tagal mo?" Nakatulog na pala ako, dumating kami ng 8am, 11am na.
"Nahirapan kase yung doctor sa x-ray ko eh." Nagdududa talaga ako, di ko na alam. Bahala na. "Let's go babe?" Tumayo nako at umalis na kami.
"Nagugutom ako." Sabi ko.
"Kain tayo sa labas?" Suggestion ni Bea
Tumango lang ako.
"Babe yung walang meat na resto, kasi diet ako eh."
"Ha? E diba bawal ka mag diet? Dahil sa sakit mo?" Taka kong tanong
"Pwede ako mag-diet basta puro veggies lang."
Tumango nalang ulit ako, pero may naararamdaman akong hindi tama...
"Kelan ulit chek-up mo?" Tanong ko.
"Next Monday. Every Monday check-up ko babe." Sagot naman nya. Susundan ko to.
"Okay, sasamahan ulit kita." Tumingin sya saken at nanlaki mga mata nya.
"Talaga?!!!" tanong nya.
"Oo nga."
"Sige ba, salamat babe!" sabay halik sa pisngi ko.
Si Kath nga di ako matawag na babe eh, pero sya kaya sikmurain yun? wow.
Kumain na kami. Ibang iba si Bea kay Kath. Imposible na kapatid nya to, kase si Kath matakaw at mahilig kumain, pero si Bea hindi.
"Kain ka pa..." Sabi ko.
"No, okay lang. Okay na ako sa salad." Sabi nya sabay subo
"Ibang iba ka kay Kath." Bulong ko sa sarili ko.
"ha?" Tanong niya. Buti nalang di nya narinig.
"Ah, wala. Sabi ko ang tagal ng order ko."
"Ikaw kasi eh, dapat nag salad ka nalang din." Nginitian ko nalang sya.
Nyemas, hirap mag panggap ha. Ayoko na, pucha susuko na talaga ako.
Pag nalaman kong may tinatago to, hinding hindi ko sya mapapatawad.
-------------
A/N: Hiii, maikli ba? hahaha sorryyyy. ang lag kase ng pc e :( bawi po ako next chap.
Thanks, and please continue on voting! Send me some feedbacks okay? Thanks.
BINABASA MO ANG
Lucky I'm In love
FanfictionWould love conquer all? Would they survive every situation life throws at them? Will it make their relationship stronger or will it make them give up? "Kath.." hinawakan ko ang mga kamay niya, "Mahal mo pa ba ako?" "Hindi na dapat tinatanong yan,"...