Kath's POVTintawagan ko si tita Karla, para ipaalam sa kanya yung balita tungkol kay DJ. Nasa NYC si tita, pero agad siyang nag request ng immediate flight para makapunta dito.
It's been exactly 18hours since huling usap namin ni tita Karla. Onting oras na lang, dadating na din yun.
"Kath, kumain ka na muna." Inabutan ako ni Julia ng pagkain na binili nila ni Jason sa Mcdonalds.
"Thank you," I smiled weakly "Julia, umuwi na kayo ni Jason. Kaya ko na to."
"Onga Kath eh, uuwi muna kami"
Nagpaalam sakin si Julia at Jason. Kumain na ko, habang nanonood ng tv. Pero tinitignan ko si DJ, tulog pa din.
Wag mo ko iwanan DJ, please.
***
DJ's POV
Agh! Ang sakit ng ulo ko! Dinilat ko ng paunti-onti yung mga mata ko. Hindi ako makagalaw. Sobrang sakit ng katawan ko.
Bigla kong minulat yung mga mata ko.
"Ma?"
"DJ, anak!"
Niyakap ako ni mama at bigla kong naalala lahat ng nangyari. Naaksidente ako dahil gusto kong takbuhan yung katotohanan. Na niloko ko si Kath. Buntis si Bea, sigh.
Bigla akong napaiyak habang yakap yakap ako ni mama.
Tumakbo naman si papa sa labas para sumigaw ma gising na ako, agad naman nagdatingan ang mga doktor.
"Stable na po siya, pero kailangan pa din obserbahan ang kanyang sugat sa tagiliran niya."
Payo ng doktor. Umalis na si doc at agad kong hinila si mama para lumapit sakin.
"Ma, lola ka na."
Nagulat si mama, na para bang tuwang tuwa o iiyak na ewan.
"Ha? Talaga?"
Nagulat ako sa malaking ngiti na pininta ni mama sa mukha niya. Masaya siya sa natanggap niyang balita, pero bakit?
"Hindi ka po galit?"
"Well, hindi. Kasi isang napaka buti at napakagandang tao naman ni Kathryn e."
At dun bumagsak ang mundo ko. Hindi si Kath ang may dala ng anak ko.
"Asan po si Kath, ma?"
"Ah, nasa banyo lang."
Tumango lang ako at naramdaman kong unti unti nanaman bumabagsak ang mga mata ko, hanggang sa nakatulog ulit ako.
***
Kath's POV
Ayan, fresh na ulit ako. Mga dalawang araw din ako di nakaligo kakabantay kay DJ. Pinadalhan lang ako ng damit ng mama niya para makapag palit na.
Paglabas ko ng banyo, tinignan ko agad si DJ. Tulog pa din siya, pero agad lumapit sakin si tita Karla.
"Kath," niyakap niya ako "gumising na si DJ."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Talaga po?"
"Oo, kanina habang naliligo ka." Bumitaw sa yakap si tita "Pero, sabi ng doctor kasi malakas ang ginamit nilang anesthesia para sa tahi ni DJ kaya mabilis siyang antukin."
"Okay lang po yun, atleast alam na natin na stable na siya." Nginitan ko siya.
"Ay, siya nga pala." Tumingin ako kay tita habang tinatanggal amg tuwalya na nakasaplot sa ulo ko. "Congratulations!"
"Po? Saan naman po?"
"Dont worry, sinabi na sakin ni DJ kanina."
"Ang alin po, tita?"
"Kaw naman oh, na buntis ka. Sabi niya kanina magiging lola na daw ako."
Makaking ngiti ang expresyon sa mukha ni tita Karla. Habang ako, hindi ko alam kung ano nangyayari.
Bakit bunts? Hindi naman ako buntis ah.. Wala naman nangyayare samin ni DJ.
Bakit niya naman sinabi na magiging lola na si Tita Karla? Wala nam..an
....
....
...
Bea.
BINABASA MO ANG
Lucky I'm In love
FanficWould love conquer all? Would they survive every situation life throws at them? Will it make their relationship stronger or will it make them give up? "Kath.." hinawakan ko ang mga kamay niya, "Mahal mo pa ba ako?" "Hindi na dapat tinatanong yan,"...