Chapter 44 [Old Friend]

36 0 0
                                    


Kath's POV

Sa sobrang sakit ng nangyari sakin, hindi ko alam kung san ako pupunta. Tinawagan ko si Julia pero nakalimutan kong nasa America pala siya with his boyfriend at dun magbabakasyon.

Isang tao na lang ang naiisip ko para lapitan. Si DJ, may pinagsamahan din naman kami eh. Diba? Wala na talaga akong ibang malapitan. Kailangan kong mailabas tong sakit.

Nag drive ako papunta sa bahay nila DJ. It's only 6:58 a.m. Baka tulog pa to, pero baka din hindi kasi.. may anak na nga pala siya.

Pag ka park ko ng sasakyan sa tapat ng bahay nila DJ, nakita ko siya agad. Sakto papasok pa lang sila sa gate nila. Binusinahan ko siya, napatingin siya and bumaba na ako.


"Kath? What are you doing here?"

"DJ," I said, while tears rolled down my cheeks. 

"Kath? What's wrong?" 

Wala akong ibang nagawa kung 'di yakapin si DJ. Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak ng tuluyan. 

"DJ," banggit ko. "Hindi na ako sigurado kay Quen."

Nagulat si DJ sa sinabi ko at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit. 

"Let's go somewhere quiet, Kath. Give me your car keys." 

Inabot ko sa kanya susi ng sasakyan ko at sumakay. Nag drive lang si DJ, walang nagsasalita. Habang ako naka tulala lang. Pino-process ko lahat ng nangyari kagabi. Hindi ko na alam kung ano gagawin ko.

Ang sakit.


DJ's POV

Dinala ko si Kath sa paborito kong lugar ever since nagkanda gulo-gulo yung buhay ko. Nung nabuntis ko si Bea, nung iniwan ako ni Kath at madami pang iba. Dito ko lagi nahahanap yung peace na kailangan ng utak at puso ko.

"We're here." Pinark ko yung sasakyan at pinatay ang makina.

"Wh-what is this place?" Tanong ni Kath habang binubuksan ang pinto ng sasakyan.

Bumaba ako at inalalayan ko sya pag baba. "Welcome to my happy place."

"DJ... This is beautiful." 

Napaka-wide ng lugar. Isang field na may mga puno, at may tanaw ng city. 

"Mas maganda dito pag gabi. Diba you love city lights?" 

"Oo, sobra. Naaalala mo pa pala yun."  Ngiti niyang sinabi.

"Syempre naman. Kasama kita mula pagka bata Kath. Hindi ko na makakalimutan yun. 

She smiled. But behind those smiles, I knew she was hurting. I wanted to kiss her, but I shouldn't. We sat down on the grass and looked at the view. 

"So, ikkwento mo ba sakin? Or papalipasin na lang natin?"

She looked at me, and looked down. "Hindi ko alam kung kaya kong palipasin to. Pero hindi ko din alam kung kaya kong i-kwento."

"Okay lang Kath, Naiintindihan ko naman e. Take your time. Andito lang naman ako." I smiled.

She smiled back. "Thank you."

There was a moment of silence. "Kamusta pala kayo ni Kaleb?"

"Mabuti naman. I love him so much." 

"You're a great father, DJ. I know lalaking maayos si Kaleb."

Nginitian ko si Kath. 

"Kath, ano gagawin mo though?"

Lucky I'm In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon