Chapter 13.2 [Secrets]

1.3K 10 1
                                    



Kath's POV

Pumasok ako dito sa cottage namin. Para siyang kubo na malaki may kama din naman. Pero dun ako umupo sa kawayan na parang sofa. Di ko mapigilan na di mag-isip kung bakit ako kinakabahan pag nakikita ko si Abie.

Humiga ako sa sofa, pero bigla akong may narinig na ingay. Tumayo ako agad at nagtago. Sumilip ako ng paunti-onti.

Si Albie.

Sinara nya yung pinto at nilock. Nilabas nya yung phone nya at may tinatawagan.

"Hello? Oo, nagawa ko na."

Nagawa na nya ang alin?

"Yung usapan natin, siguraduhin mo na mangyayari yon."

Sino ba kasi kausap ni Albie?

Sa sobrang pagkinig ko sa mga sinasabi ni Albie, nag squeak yung floor dahil sa galaw ako ng galaw.

Shit, pano na to?

"DJ HELP PLEASE, EMERGENCY! ANDITO AKO SA COTTAGE, PLEASE PUMASOK KA DITO NOW NA. MAMAYA NAKO MAG EEXPLAIN, PUMASOK KA LANG AT WAG MO KO HAHANAPIN KAY ALBIE. AYAIN MO LANG SYANG LUMABAS."

Paulit ulit kong tinext si DJ

"Tatawagan uli kita mamaya"

Binaba na ni Albie yung phone nya, at naglakad.

Ugh shit DJ asan ka na ba?!!

Nanginginig ako na baka mahuli ako ni Alibie. Tinakpan ko yung bibig ko at nanahimik.

Andito ako nagtago sa closet, ang cliché no? Walang choice eh.

Nakikita kong unti unti na syang palapit...

HELP


"Albie?!" Narinig kong may tumawag ng pangalan nya at kumatok sa pinto.

Lumayo si Albie sa closet at pumunta sa pintuan.

Sa wakas, naka hinga din ako ng maluwag.

"Wait." Sagot ni Albie

"Albie tara," Si DJ inaya si Albie "Jetski tayo"

"Uy gusto ko yan, sige."

Thank you DJ, lifesaver ka talaga.

Pero sino ba yung kausap ni Albie kanina?

Tumakbo nako palabas ng cottage at hinanap ko si Julia na nagiihaw ng barbeque.

Nilapitan ko sya, at natanaw ko na nag umpisa na mag jetski si Albie at DJ.

"Oh, Kath." tumingin ako kay Julia "Okay ka lang ba?"

"Mhmm" Tumango ako.

Kailangan ko malaman kung ano pinaplano ni Albie at sino yung kausap nya.

-

Lucky I'm In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon