Chapter 39 [The Encounter]

47 0 0
                                    


1 Year Later...

Kath's POV

Nalaman ko na nanganak na pala so Bea. Si Miles ang nagbabalita sakin since naguusap sila ni DJ. Pero ako, hindi ko pa ulit siya kinakausap simula nung huling bisita ko sa kanila.

Napaka bilis ng panahon, high school graduate na ako at ang mga kaibigan ko. Si DJ kahit magiging daddy na, tinapos pa din nya ang high school niya.

I am proud of him dahil nakaakyat siya sa entablado para kuhain ang diploma niya.

But the sad truth is; hindi pa din nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya. Mahal ko pa din siya, pero may kasamang galit.

"Kath?" bungad ni mama sakin sa sala.

"Po?"

"I'll go na."

"Ha? San po kayo pupunta?"

"Meron kasing interesado sa lupa natin sa Tagaytay. Kaya may mga paguusapan kami ngayon."

"Talaga po mama? Wow that's great news!"

"Oo nga anak e, sana yung mga ibang lupa din mabenta na natin. Magtitira na lang tayo ng dalawa para sa inyo ni Miles."

"Oo nga po ma. Sana nga."

"Oh siya, I'll go ahead."

Nagbeso si mama at lumabas na ng bahay.

In over a year, naging maganda na ulit ang health condition ni mama. She seems to be so active again at parang bata lang kumilos.

As for me, nag apply ako ng summer job before I start my college life. Ayoko kasi iasa lahat kay mama, kahit na malaki ang nakukuha niya sa pagbenta sa mga lupa namin.

*****

"Good morning Kath!" Bati ni kuya guard at pinag buksan ako ng pinto.

"Good morning kuya." Pag ngiti ko sa kanya.

Dumeretso ako sa likod ng counter at isinuot yung apron ko. Isa kong coffee barista sa Starbuck's.

Pinasok ako dito nung friend ni Miles na may gusto sa kanya. Buti na lang love na love ko ang amoy ng kape.

"Ganda ng aura mo ngayon Ate Kath ah." compliment ni Ken.

Yung nagkakagusto kay Miles.

"Alam mo Ken, di mo ko kailangan bolahin para lang bumoto ako sayo for Miles."

"So ibig sabihin ate, boto ka na sakin para kay Miles?"

"Hoy wala kong sinasabing ganyan. Magtrabaho ka na."

"Grabe ka naman ate." napakamot sya sa ulo at tumawa kaming dalawa.

Inumpisahan ko na ang shift ko, may mga bossy mang customers, pero I just give them a smile para hindi nasisira mood ko.

********

DJ's POV

"Ma!" tumakbo ako papalapit sa kanya. "Ma ano na?!"

"DJ calm down." She giggled

"Ma naman eh!"

"Nak, they both made it."

My heart felt like it melted. Sobrang saya ko. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko.

"Ma, daddy na ko..."

"Wag kang matakot anak. Andito lang kami ng papa mo para gabayan ka."

"Thank you ma dahil palagi kayo anjan para sakin ni papa."

Lucky I'm In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon