Chapter 1. [New Friend]

3.1K 32 5
                                    

Kath's POV

Back to school nanaman. Finally, makakasama ko na ulit yung best friends ko, si DJ at Julia.

"Bes!" Narinig kong sigaw ni Julia.

"Uy bes! Namiss kita, nag enjoy ka ba sa America?" Dun kasi sila nag summer vacation kasama family and relatives niya.

"Oo, nakapagod din minsan pero masaya."

"Buti naman nag enjoy ka. Nakita mo na ba si DJ?" Tanong ko

"Well, as usual bes, late nanaman yun."

"Kahit kelan talaga. Tara na nga sa classroom."

**

Pumasok na kami dito sa loob ng room. Di pa kami kumpleto eh.

After 30 mins, nagsi pasukan na mga kaklase namin pati yung teacher namin.

"Goodmorning class, I'm your adviser, Mr. Gonzales. I'll let you seat wherever you want 'cause it's the first day of school."

So syempre tinabihan ko si Julia at nag reserve kami ng seat para kay DJ, sakto biglang bumukas yung pintuan ng room.

"Mr. Cruz! Glad to see your face again here." Late kasi eh. Masungit pa naman 'tong teacher na 'to. Naging subject teacher na kasi namin siya last year eh. "Please take your seat Mr. Cruz"

"Okay sir." Umupo naman siya dun sa likod reserved seat namin ni Julia para sa kanya which was beside me. Ako yung nasa gitna ng dalawa.

Pagkaupo ni DJ, may nagbukas ulit ng pintuan. Hindi namin kilala, transferee pala. Pinaupo na din siya at dun pumwesto sa likod ni DJ.

"Hi, ano pangalan mo?" Nye si DJ nakikipag friends? Himala. Ayaw niya kasi siya unang nakikipag kaibigan, gusto nya sya unang nilalapitan. Pa- VIP.

"Ah, Albie." Nahihiya niyang sinabi.

"Kath." Nginitian ko sya, ngumiti naman sya pabalik.

"Julia" Sabay ngiti kay Albie, pero parang may onting kilig sa mukha ni Julia, hmmmm.

Mukhang mabait naman si Albie

"Albie, sama ka nalang samin mamayang lunch ha?" Pag aaya ko.

Ngumiti si Albie "Oh sige ba."

"Kath, bat mo inaya?" Biglang bulong ni DJ.

"Anong bakit?"

"Wala lang nagtatanong lang." Weird talaga netong lalaki na to.

"Weird mo talaga." Inirapan ko sya at bumulong ako sa sarili ko. "Pasalamat ka mahal kita."

"I love you too." Wait, shit. Narinig niya 'ko? Oh gosh.

"Ano bang pinagsasasabi mo?" Kunwaring walang nangyari effect ako.

"Oh bakit? Diba sabi mo mahal moko, mahal din naman kita eh. Best friend kit kaya mahal kita." Ouch, friendzoned.

"Oo kahit gago ka."

"Hoy manahimik nga kayong dalawa." Pag papatahimik samin ni Julia.

"Oh, manahimik ka daw. Ingay mo kasi e, lakas ng boses mo." Pang aasar ni DJ

"Ay wow, talaga lang ha." Inirapan ko siya at di pinansin.

Inaasar pa ako lalo sa walang tigil na pag kalabit sakin, hay jusko DJ. Kung di lang talaga kita mahal.

***

Sa wakas, lunch break na namin. After four subjects makakakain na din ako.

"Oh DJ, ayain mo na si Albie." Utos ko sa kanya habang nag aayos ng gamit.

"Naman eh." Reklamo ng lalaking to

"DJ naman, makipag kaibigan ka naman sa iba."

"Oo na po!"

Bumaba na kaming apat at pumunta sa canteen syempre, kanya kanyang bili ng pagkain.

"Grabe! Ang hirap bumili ng pagkain talaga dito!" sabi ni Julia tapos umupo siya sa tabi ko.

"Grabe ka naman Julia! Antakaw mo talaga kahit kelan!" Pangaasar ni DJ

"Okay lang yun, eh tignan mo nga to," Sabay turo sakin "Pat patin pa din kahit kain ng kain."

"Eh at least maganda!" Sagot ko

"Pwede ba wag kang mayabang."

"Huy Albie sorry ha, ang ingay ba namin?" Curious na tanong ni Julia

"Sus, okay lang yun no." Ngiting sagot naman ni Albie

"Sorry kung malakas boses ni Kath ha, masasanay ka din." pangasar ni DJ

"Ako nanaman? Alam mo DJ, iba nalang pag tripan mo."

Nakangiti lang si Albie saming tatlo, di pa siguro sya komportable. "Gano na ba kayo katagal mag kakaibigan?" Tanong ni Albie

"Siguro 7 years na."

"Wow, tagal na pala natin magkakakilala na tatlo." Sagot ni Julia habang sinusubo yung pagkain nya.

"Onga eh, tinamo sanay na si Kath sa mga asar ko."

"Leche DJ ha."

Nagpatuloy pa yung kwentuhan namin at tawanan habang lunch break.

***

Since first day pa lang ngayon, hanggang 1pm lang kami, then dismissal time na. Umakyat na ulit kami sa room, at bigla kong napansin na tumahimik si DJ, ano nangyari dito?

"Uy," Bulong ko sa kanya "okay ka lang?"

"Oo, iniisip ko lang yung babaeng gusto ko." Ow.

"Ah, sino naman?" Takang tanong ko, di ko naman alam na may gusto na pala sya.

"Ha? Wala, secret nalang."

"Sakin ka pa nag sikreto ha, ganyanan na ah."

Tumawa lang ng mahina si DJ. "Eh bat parang ang lungkot mo? Di mo ba sya nakakausap?"

"Nakakusap naman, kaya lang natatakot ako. Baka may gusto na siyang iba."

Ugh na cu-curious na talaga ako, eh bat ba kasi si DJ pa nagustuhan ko eh.

Pagdating ng 1pm, lahat kami nagsabay sabay ng umuwi. Magkakalapit lang bahay namin nila DJ at Julia, si Albie naman sa kabilang street lang.

"See you guys tomorrow!"

Pag pasok ko ng bahay, nag check ako ng twitter at nakita yung tweets ni DJ...

"Akin ka nalang, please?"

"Ang hirap ng ganto, hindi mo kasi alam eh."

Sino ba kasi yun? Kakainis naman, sobrang nosy ko.

Lucky I'm In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon