DJ's POVLahat sila natutulog na habang ako andito sa lang sa sala nakahiga sa couch nanonood ng tv. It's almost 2:30AM. Nakarinig ako ng footsteps na may bumababa sa hagdanan kaya nagkunwari akong tulog.
"Hoy Danilo" Si Zharm pala "Alam ko gising ka pa."
Umupo ako at ngumiti "Oh san naman nanggaling yung Danilo?"
"Hahaha wala lang, kasi diba dati naiinis ka pag tinatawag kitang Danilo." Natawa ako sa mga naalala ko.
"DJ, ano na gagawin mo kay Bea?" Nawala bigla yung ngiti ko.
"Zharm nag sinungaling siya. Hindi ako dapat napawalay kay Kath. Pero wala, andito ako ngayon nabubwiset" Kumunot yung noo ko
"Onga pero DJ, nagawa ni Bea yun kasi mahal ka niya"
"Zharm? Are you on Bea's side?" Taka kong tinanong
"No of course not. Kase kung iisipin mo ha, ginawa niya yun out of love kase nga gusto niya maranasan yung kasama niya yung taong mahal nya." Tinitigan ko si Zharm
"Zharm, alam ko yun. Pero wala naman siyang karapatan para magsinungaling sakin at ilayo ako kay Kath." sabi ko
"So ano na.. babalik ka na kay Kath?" biglang yumuko si Zharm
"Bakit may problema ba kung sasabihin ko na oo?"
"Kapatid nya si Kath, pwede niy-"
pinutol ko sasabihin niya, di ko pa nga pala nasasabi sa kanya
"Hindi niya kapatid si Kath. Ampon lang si Bea kasi hindi pwedeng magkaanak ang mommy niya." Pagpapaliwanag ko
"San mo naman nalaman yan?" tanong niya
"Kay Kath duh." Tumayo ako "Sige na, matutulog na ko."
Umakyat nako papunta sa kwarto, kinuha ko na ang lahat ng mga gamit ko at sumakay na sa kotse. Nagdrive na ko papunta kila Kath.
***
May susi ako sa bahay nila Kath kaya binuksan ko na yung pinutan nila pagkababa ko ng kotse at pumasok. Dumeretso ako agad sa kwarto ni Kath at humiga sa tabi niya.
Niyakap ko si Kath, unti unti siyang lumingon sakin at minulat yung mga mata niya
"D..J?" Nilakihan nya yung mata nya at "DJ! DJ IKAW NGA!!!" sigaw nya
Natatawa ako sa reaksyon niya "Kath shhh tulog yung mga tao" pagpapahinahon ko sa kanya
Niyakap niya ako ng madiin maadiin at hinalikan sa pisngi "Masama ba na ma-miss ko boyfriend ko?"
"Kath kinikilig ako ano ba" pagbibiro ko at niyakap ko din sya ng mahigpit
"Oh bat ka andito?" Tanong niya
"Iniwan ko na si Bea, puro kasinungalingan na lang. Ayoko na. Dito lang ako sa'yo" Ngumiti si Kath at niyakap ko.
"Tulog na tayo" Sabi ko
Humiga na kaming dalawa at niyakap ko siya sa pagtulog ko.
Namiss ko to, namiss ko girlfriend ko. Hinding hindi na ako lalayo sa kanya.
*****
A/N: Helloooo sorry sobrang tagal ng UD hahahaha. Anyways eto na (:
BINABASA MO ANG
Lucky I'm In love
FanfictionWould love conquer all? Would they survive every situation life throws at them? Will it make their relationship stronger or will it make them give up? "Kath.." hinawakan ko ang mga kamay niya, "Mahal mo pa ba ako?" "Hindi na dapat tinatanong yan,"...