Chapter 19: Phone Call

120 3 0
                                    

Chapter 19

- Allen's P.O.V

Nakatulog na ako at wala akong panaginip.

Nagising na lamang ako noong tumigil ang sasakyan. Inaantok pa ako pero nagmulat na rin ako. Tumingin ako sa labas at nakita ang bahay ni lola. So it means na nasa Pagbilao, Quezon na talaga kami.

Napabuntong hininga na lamang ako.

Ganito kasi yun. Maraming bahay si Lola Ester at si Lolo Pino. Meron sa Canada, Batangas, Laguna, Cagayan, Tagaytay, at dito. Basta. You get the idea. Marami ang bahay namin. Well, nila. So it means na mayaman nga kami. Urgh. I already mentioned that earlier.

So let me get to the point.

Sa Tagaytay na lagi na-s-stay si Lola Ester ever since nawala si Lolo Pino. O kaya kung hindi sa Tagaytay ay sa Canada. Sa pagbilao kasi nabuo ang love story nila at dun sila nagsimula ng kanilang pamilya. Ibig sabihin noon ay maraming ala-ala sa bahay nila sa Pagbilao. Noong buhay pa si Lolo Pino, doon sila nakatira. Hanggang sa huling mga linggo at araw ng buhay ni Lolo Pino ay doon sila nakatira. Maniniwala ba kayo kung sasabihin kong doon na din namatay si Lolo Pino sa mismong kama nila ni Lola Ester. Nang mailibing si Lolo Pino, lumipat na ng bahay si Lola Ester. Tumira siya sa Tagaytay at sa Canada. Tuwing bakasyon at semestral break, kasama niya ako at si Vinny.

 ~ FLASHBACK

Nakaupo sa labas ng bahay si Lola Ester samantalang kami ni Vinny ay naghahanda na ng aming hapunan sa kusina pero dahil nagiging sagabal lang ako, pinaalis ako ni Vinny. Pupunta dapat ako sa kwarto ko pero nakita ko si Lola Ester sa labas kaya lumabas din ako at lumapit kay Lola Ester.

"La? Bakit po kayo nasa labas? Naku, masireno." Sabi ko habang tinatanggal ko ang jacket na suot ko at inilagay sa balikat niya para hindi siya lamigin.

"Batang ito talaga. Lalamigin ka niyan. Okay lang ako." Sagot ni Lola Ester. Tatanggalin sana ni Lola yung jacket pero pinigilan ko.

"Okay lang po. Alam nyu naman po ako. Maliit nga po pero balat kalabaw din po paminsan." sabi ko ng nakangiti.

"Salamat AJ" sagot sa akin ni Lola ng nakangiti.

Umupo ako sa damuhan sa may paanan ni Lola at ipinatong ang ulo ko sa hita niya. Hinagod naman ni Lola yung buhok ko kaya napangiti ako. Mahal ko talaga si Lola. Seryoso. Alam din yun nina Mommy kaya buond bakasyon akong mananatili sa poder ni Lola.

"Lola?" tawag ko.

"Bakit?" sagot niya sa akin ng patanong.

"Bakit po dito na kayo nakatira? Diba po sa Pagbilao po talaga ang bahay nyo" Tanong ko ulit.

Tahimik lang si Lola. Ilang segundo din ang lumipas pero hindi parin siya naimik. Siguro, ayaw ni Lola sabihin sa akin. Baka di pa ito ang time para malaman ko. Wow. Ang drama ko. Pumikit na lang ako habang hinahagod ni Lola yung buhok ko.

"Hindi ko kasi kaya, apo. Mahirap tumira sa bahay namin ni Peter ng wala siya. Masyadong marami kaming ala-ala." Tumigil si Lola sa pagsasalita. Dinig na dinig ko yung emosyon niya sa kanyang boses. "Masyadong marami. Doon kami bumuo ng pamilya. Doon kami nagsimula. Hindi kaya ng puso ko, apo."

Tahimik kami pareho. Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Lola pagkatapos ng sinabi niya sa akin. Kaya pala. Hindi ko alam pero naging payapa ang isip ko pagkatapos ng sinabi ni Lola pero nalungkot din ako.

Contractual Relationship: Last Adventure in HighschoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon