Chapter 2: The Game
Umupo na kaming lahat sa sahig. Pinaikot na ni Jenna ang bote. Nakatutok ang lahat kung kanino ito unang tatapat. Grabe! Ayokong maglaro ngayon. Tinatamad ako at maskit ang ulo ko. Pimikit na lang ulit ako at inignore ang hiyawan ng lahat. Mukhang hindi sa akin tumapat yung bote. Mabuti naman. Ang ingay nila, nakakaloka na. Mas lalong nasakit ang ulo ko.
"Ssshhhhhhhh!!!!!!!"
Tumahimik silang lahat at randam kong nakatingin sila sa akin. Kasalanan ko ba? Ang ingay kaya nila.
"Salamat ng marami, Allen." Natatawa sabi ni Jenna.
Grabe, kilalang kilala ko na ang boses ng mga kaibigan ko eh. Tsk, tsk, tsk. Nakakatuwa naman yun.
"O yan. Tumahimik na kayo. Masakit ang ulo ng best friend ko."
"Sumandal ka na lang sa akin."
Napamulat ako. Si Vinny yung umimik. Nakangiti siya sa akin at umisod papalapit sa akin. NNapatingin ako kay Jenna at halatang natutuwa ito sa mga pangyayari. Paano ba naman sabi nito ay may gusto daw sa akin si Vinny which is impossible. Friend ko lang. Iniling ko lang ng kaunti ang aking ulo at tumingin ulit kay Vinny. Ngumiti ako at tinanggap ko yung offer nya kaso bago pa ako makasandal kay Vinny ay biglang sumandal sa akin si Chris. Halatang halata ang gitla sa mga pakmumukha ng mga kaklase namin. Itutulak ko na sana eh biglang umimik ito.
"Ate, I want candies."
Anak ng tokwa! Tulog ang loko. Ang bigat pati nya.
~ ~ ~ ~ ~
Sabi na nga ba matutumba kami. Nakakaasar. Sa lahat ng posisyon, nakapatong siya sa akin tapos walang ginagawa ang mga loko. Ayoko ng ganito! Ni hindi nagising si Chris sa bagsak namin. Mamamatay na ako. Hindi sa suffocation, dahil sa hiya! Ramdam ko na namumula na ako. Paano ba naman. Nanaloloko naman kasi sila.
'Urr.'
Nagising na si Chris.
'Hoy, bumangon ka na. Ang bigat mo!'
'Hindi pwede unan kita eh.'
Umalis ito sa ibabaw ko at sinandayan ako.
~ ~ ~ ~ ~
Anak ng tokwa! Wild nanaman ang imagination ko. Ayoko nga ganito. Buti naman at nakaget-over na ang mga classmate ko pero si Jenna abot tenga ang ngiti.
*facepalm*
Sakit ng ulo eh. Babawasan ko na ang pagbabasa sa internet. Tutulog na din ako ng maagap. Nag-ingay na ulit sila. Mukhang nagpapatuloy nanaman ang laro. Tinanggal ko ang kamay ko sa mukha ko at pinanuod sila. Kay Alice tumapat ang bote at pinagsayaw ito ng Dougie. Napatawa naman ako.
"Hoy. Gising."
. . . . No Response
Hindi nagising. Paano naman kaya ni Jenna napa-oo ito. Napabuntong hininga sya at sumandal din ako sa kanya para magkasalungat ang bigat namin at para hindi kami matumba.
Nakisali na muna ako. Mukhang nawawala na ang sakit ng ulo ko. Yosh! Pinaikot ang bote at kay Jenna ito tumapat. Ako ang nagigay ng dare.
"Gisingin mo itong lokong to."
"Aray. Bakit naman loko ang tawag mo diyan?"
"Kasi bigla syang sumandal sa akin. Bilisan mo na."
"Bawala kayong lahat tumingin. Si Allen lang ang pwede."
"Ang daya naman!" Paulit-ulit na sinabi ito ng mga kalaro namin pero sa huli ay hindi rin sila tumingin.
Lumapit si Jenna kay Chris at piningot ang tenga, sabay bumulong. Tatawa sana ako at sasabihing hindi si Chris magigising kaso nakakagitla ang kasunod na nangyari. Nagmulat si Chris at napangiti. Anak ng tokwa naman o! Silang dalawa ang close! Hindi na nakasandal sa akin si Chris at tumingin sa akin. Nakangiti at tumingin na sa bote.

BINABASA MO ANG
Contractual Relationship: Last Adventure in Highschool
Teen FictionSi Allen Jane Alvarez ay isang babae na napasok sa isang relasyon na kontrata ang tumatali at dahil sa isang laroNagulo ang mundo niya nang pumasok si Jake Chris Reyes sa buhay niya bilang boyfriend niya. Tapos nakigulo na din ang kanyang kababata n...