A/N: Kahapon ko pa lang naipost yun Chapter 5 pero tapos ko na ang Chapter 6. WooHoo! Adik na ako sa WattPad eh. ( ; > . < ) Kasalanan ko ba? Sana magustuhan ninyo ito. Dito ko pa lang pati ipapakilala si Allen. Sorry kung late na. Medyo walang kwenta pa ito (シ_ _)シ
Chapter 6: Food Trip!
Anak ng tokwa! This is the freaking second kiss he stole from me! Mamamatay na siya mamaya lang. Grabe! Hindi nanaman ako makaalis gawa ng hawak nanaman niya yung mukha ko. Hindi ko naman siya masipa gawa ng nakaupo kami. Buti na lang closed ang mouth ko. Well, hindi naman ako nag-eexpect ng mas malala sa smack pero pag ginawa niya yun mamamatay na talaga siya.
Bumitaw na siya at nakangisi.
I'll wipe the smug look in your face.
Bago pa niya malaman ang gagawin ko, itinulak ko siya paalis sa upuan niya para malaglag sa sahig. Saktuhan pa at andameng mga magagandang college girls na dumating. Sisipain ko sana kaso bigla naman akong hinigit. Muntikan na tuloy akong malaglag.
"Sweetie, why are you being so mean?"
"Anong sweetie? Sipain ko ang mukha mo eh."
"It's my endearment for you" Sabi nya nung tumayo na siya.
"Neknek mo! Mag-isa ka diyan."
Tumayo na ako para umalis pero pinigilan ako ni Jenna. Hinawakan ang kamay ko.
"May punishment si Chris."
"Ah, oo nga ano."
Pagtingin ko kay Chris, nagngisi ako.
"You'll be my slave for the whole 24 hours."
Tiningnan ko yung aking relo. 6:45PM. Tumingin din siya sa relo niya.
"Yeah, I'll do everything you want until 6:45PM tomorrow."
"Everything?"
"Yes"
Tumango lang siya. Tumingin naman ako kay Jenna.
"Ano papagawa natin sa kanya?"
"Ikaw bahala."
Tumahimik ako ng konting sandali at napangisi ulit. Di ko manlang napansin na nakatitig sakin si Chris at umalis na si Jenna. That traitor! ( TT ^ TT ) Iniwan akong kasama ang loko. Yan tuloy ang sama ng tingin sakin nung mga babae pero pakialam ko sa kanila. Mukhang nagseselos. Sa kanila na lang si Chris. ( = 3 = ) Ayoko naman sa kanya eh.
"Tulala ka na."
"Hindi ah!"
"O, ano na? I'll be your faithful servant. I'll do anything."
"Fine. Just go to those girls. Grabe ang mga tingin nila."
Malas. Biglang tumunog ang tiyan ko.
"Sigurado ka bang yun ang gusto mo?"
"Oo"
Tumayo ito at pumunta dun sa mga babae. Mukha namang nagsimulang mag-enjoy ang mga ito. Umupo na ito sa table nila pero iniwan sa akin yung bag. Playboy talaga. Ipinatong ko yung bag namin sa table at pumunta dun sa mga shelves nung pagkain. Madami akong chips na kinuha, isang coke, isang siopao at isang jumbo hotdog sandwich. OO, matakaw ako. Pakialam ninyo. Naglakad na ako sa counter para magbayad. Ay grabe! lampas P150.00 ang mga kinuha ko. Inilabas ko ang wallet ko para magbayad kaso biglang may naglagay ng P1000.00 sa counter at ng ilan pang pagkain.
"Magkasama na po yang mga yan. Dine in po"
Si Chris.
"Sabi ko ay dun ka sa mga girls ah!"

BINABASA MO ANG
Contractual Relationship: Last Adventure in Highschool
Teen FictionSi Allen Jane Alvarez ay isang babae na napasok sa isang relasyon na kontrata ang tumatali at dahil sa isang laroNagulo ang mundo niya nang pumasok si Jake Chris Reyes sa buhay niya bilang boyfriend niya. Tapos nakigulo na din ang kanyang kababata n...