Chapter 10: Disaster and Sleep Over

253 7 2
                                    

A/N: This one will be short ^^ Hm, remember Ken? Yung nasa part-time job ni Allen at ni Alex? Siya yung nasa tabi :D

Chapter 10: Disaster and Sleep Over

~ Vinny's P.O.V. ~

"Pinilit ako ng taong mahal ko."

Wow. Mukhang mahal nga talaga ni Alex si Allen. Ang lakas talaga ng kamandag ng aking bestfriend.

"Nagungulit nanaman si Andie?"

Napalingon ito. Halata namang nagulat. Napangisi lang ako.

"Ah, oo. Kelan ka pa nagtatago diyan?"

"Hindi ako nagtatago. Napadaan lang ako tapos nakinig lang ako sa usapan ninyo."

"Tss. Dapat di ka nakikinig. Bading ka ba?"

"Oo"

Napatawa ako. Hindi maipinta yung expression ng mukha niya,

"Tanga. Sa tingin mo bakla ako? Ilaglag kita eh."

"Murder yan. Sa sarili ko pang bahay eh. Tsk, tsk, tsk. Bakit ganyan ka?"

"Kasi sira ulo ka. Patulan ba naman ang kapatid."

Napatigil siya. Tahimik lang kami at nakatingin sa baba ng building. Bakit hindi dito kami nagtingin ni Allen kanina? Mas maganda ang view dito eh.

"Hindi ko alam kung ano ang nangyari nung gabing yun."

"Alam ko kaso bakit mo pinapaniwalaang may nangyari?"

"The mess. How the room looked like. How we looked like."

"Why not ask Andie?"

"Sabi niya na may nangyari. God! Hindi ko alam kung ano na meron sa akin."

"Tanga ka kasi. Naniwala ka?"

"Oo. May tiwala naman ako sa kanya."

Hindi na ako nakaimik dahil biglang sumigaw si Allen.

"KYAAAAAAAAAAAA!!!!!"

Takbo kaming dalawa sa kitchen. Medyo makalat ang kitchen gawa nung mga ginamit niya.. May dalawang lasagna at first aid kit sa counter. May laman yung oven. Basang basa yung sahig at may kaldero. Amoy sunog yung kitchen. AT nakaupo sa sahig si Allen habang hawak hawak yung kamay. May mga band-aid yung daliri niya.

"Ano nangyari sa'yo?" tanong ko

Pareho kaming lumapit sa kanya. Hinawakan ko yung kamay niya at tiningnan. Puro band-aid at kita yung sugat.

"Nagluluto at nagbe-bake lang ako. Then bigla kong nadagil yung kaldero. Nabubuan yung kamay ko nung mainit na tubig."

"HA?!"

Before pa ako makapagreact ay hinigit na ni Alex si Allen at inilagay yung kamay sa tubig. Binuksan ko yung gripo sa lababo.

"Dito para flowing water."

Lumipat sila at isinahod yung kamay ni Allen dun sa tubig. Hawak hwak pa ni Alex yung kamay ni Allen. Chansing yan. Tsk, tsk, tsk.

Hindi ko na sila pinakelman at sinimulang linisin yung kitchen. Boto naman ako kay Alex eh kaya siya na ang bahala.

"Mag date lang kayo diyan sa lababo ha."

~ Allen's P.O.V. ~

"Mag date lang kayo diyan sa lababo ha."

Ha? Anong pinagsasasabi ni Vinny? Wala naman malisya ito ah.

"Salamat Alex. Pero okay na ako."

"Sure ka?"

Contractual Relationship: Last Adventure in HighschoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon