Chapter 3: Contract
"WHAT!!!????"
Hindi lang ako ang sumigaw nito kundi pati si Jenna at ang ilan sa mga kalaro ko na babae. Hindi ako, no, kame makapaniwala sa narinig namin. Or guni-guni lang namin yun. Sinubukan kong bawiin ang aking kamay kay Chris pero mahigpit ang hawak nito sa akin kaya sa huli, wala rin akong nagawa. Pero hindi yon ang issue ngayon eh. Ang issue ay yung sinabi nya.
"What the hell do you mean by that?"
"All the meaning that you could find in that two words." Nakangisi ito habang naimik. "Be mine."
"Anak ng tokwa." Napatawa ako sa reasoning niya. "Sira ulo ka ano? At bakit ko naman gagawin yun?"
"Naglalaro tayo ng truth or dare di'ba?" Ibinaba nya ang kamay namin. O, nasa ere kanina. Sinambot ang suntok ko eh.
"Eh, anong konek nun? Hindi ka ba maalam mag-laro?"
"Maalam. Pang-bata nga ang laro na yan eh."
"Nakakaloka ka na ha. Eh, bakt mo ako di-ne-dare eh maalam ka naman pala."
Napauntong hininga lamang si Chris. Sinuukan ko ulit kunin ang kamay ko sa kamay nya pero wala pa rin akong nagawa.
"Ikaw ang hindi maalam."
Magsasalita na sana ako. Insulto ang sinabi ni Chris sa akin. Ako kaya ang nagpauso ng larong yun sa batch namin. Dito na sumabat sa Jenna.
"Allen..."
"Ano?"
"Tingnan mo yung bote."
Sinunod ko ang sanabi nito. Anak ng tokwa! Sa akin nakatapat yung bote. Tumalon ata ang puso ko eh. Tumigil na din ako sa paghinga. Grabe, kinakabahan ako. May bad feeling ako tungkol dito. I ahve a very bad feeling na ang dare ay 'Be Mine' na sinasabi ni Chris.
"Be mine."
Inulit nanaman ni Chris yung line na yoon. Umiling ako at nagsimulang himinga ulit.
"Hindi ba pwedeng tanungin muna ako ng 'Truth or Dare'?"
"Truth or Dare?"
"Truth."
Napasimagot ito at sumabak sa kayang pag-i-english. "And here I was believing that you always choose dare since you think that picking truth is too dangerous for you. So it's like you're saying that Jenna's a liar."
Binigyan ko ng masamang tingin si Jenna. Anak ng tokwa talaga! Humarap ito kay Jenna at nagsalita na parang nagbibintang.
"And here you were saying that Allen chooses Dare. Always."
"Wag mong idamay si Jenna."
"Okay. Eh, bakit Truth ang pinili mo?"
"Trip ko lang. Bakit? Masama? Buhay ko ito."
"More like you're turning into a chicken. Naduduwag ka diba?" Panunukso ang boses nito. Nakakainit ng ulo.
"Hindi ako duwag."
"Oh, eh bakit hindi Dare ang pinili mo? Porke't sinabi ko na kaagad yung dare ko?"
"Eh, bakit ikawang nagbigay ng dare? Diba dapat si Vinny."
"Tch. Takot ka lang sakin."
"Hindi nga eh."
"Edi, Dare na ang piliin mo."
"Edi, Dare na kung Dare!" Oh, Shit!
Tinakpan ko ang bunganga ko gamit yung kamay na hindi hawak ni Chris at tumingin ako kay Jenna. Nagmamakaawa ang aking mga mata na parang sinasabi ko na tulungan niya ako pero umiling ito. Pakshet! Di ako matutulungan. Hindi ko naman masisisi si Jenna dahil halatang wala siyang kinalaman sa dare.

BINABASA MO ANG
Contractual Relationship: Last Adventure in Highschool
Teen FictionSi Allen Jane Alvarez ay isang babae na napasok sa isang relasyon na kontrata ang tumatali at dahil sa isang laroNagulo ang mundo niya nang pumasok si Jake Chris Reyes sa buhay niya bilang boyfriend niya. Tapos nakigulo na din ang kanyang kababata n...