Chapter 18: He can sing

154 2 0
                                    

Author's Note: I hope someone would read this. I'm falling into a depressing abyss. Oh well... Here's my update... :)

Chapter 18: He Can Sing

- Allen's POV -

"Hello? Vinny?"

"Hello? Er, hindi ito si Vinny."

Tiningnan ko yung aking cellphone. Yung unregistered number yung nakita ko. Nagkamali ng pindot. Instead na matawagan ko si Vinny ay nasagot ko yung tawag nitong lokong to. Nice timing naman oh. Napabuntong hininga na lamang ako at ibinalik yung cellphone sa may tenga ko. Wala na magagawa diba? Mukha naman kasing sobrang suplada kung bababaan ko na lang bigla and besides nasagot ko nanaman yung tawag eh, so hayaan ko na lang yun.

"Hello? Allen? Andyan ka pa ba?" Tanong nung lalaki sa kabilang linya.

Well, lalaki. SO I kinda have a thought kung sino to pero imposible naman yun. He's a playboy? Hindi eh. Wala siyang pakialam sa lahat ng bagay sa mundo. Pero, paano nga lang? Sino pa ba kasi ang ibang tao na pwedeng mag-alala sa akin matapos ng nangyari kanina.

I know that I look like hell kanina kasi parang pinagsakluban ng langit at lupa ang expression ko sa mukha. At isa siya sa mga mukha na nakitang kong nagtatanong at nag-aalala.

"Chris?" tanong ko ng mahina.

"Oo. Hiningi ko yung number mo dun sa classmate natin." Sagot niya

"Ah." Yun lang ang nasabi ko.

Ang awkward eh. I mean, I have a hint na baka sya yun pero hindi ko naman naisip na siya talaga yun. Natahimik din si Chris sa kabilang linya. Siguro, nag-i-isip kung bakit sya tumawag or something. Ang awkward lang. Ano ba naman ang pwede kong sabihin sa kanya ngayon. Hindi naman kami close tapos wrong timing pa yung pagtawag nya. Kung wala akong malaking problema ngayon, baka nagda-da-da-daldal na ako dito para marindi sya at tapusin yung kontrata namin.

Napabunting hininga na lamang ako at tumingin sa labas ng bintana. Alam ko ang daan na ito eh. Papunta na talaga kami sa Quezon Province. Kung saan inilibing si Lolo. At si lola naman ay... Inumpog ko sarili ko sa bintana. Naiiyak nanaman ako pero ayokong umiyak na kausap ko si Chris. Pwede pa kung si Vinny o si Alex o si Jenna ang kausap ko pero ngayon ay si Chris.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Chris. Malinaw yung pagkakasabi niya. Tahimik din sa kabilang linya so ibig sabihin ay mag-isa lang siya o nasa bahay lang o somewhere. Basta mag-isa lang sya.

"Oo. Okay lang ako. May problem lang." sagot ko sa kanya

"YUn din ang sabi sa akin ni Vinny. May problema lang dawsa family nya." tumigil sa pagsasalita si Chris. Nabanggit pala ni Vinny sa kanya. Well, hindi naman babanggitin yun ni Vinny kung hindi natanong si Chris. Magsasalita na sana ako pero bigla siyang nagsalita. "Mag-i-ingat ka dyan sa pupuntahan mo. Maayos din yang problema nyu."

Gusto kong sigawan si Chris. Ano ba kasi ang alam nya. Anong maayos pa?! Hindi na nga eh. Nasa deathbed na ang lola ko! Hindi na kailanman maayos yun! Ramdam ko ang galit sa buong katawan ko pero hindi ko namalayan na naiyak na pala ako. Napansin ko lang yun nung pumatak yung lua ko sa kamay ko.

"Chris. Hindi na sya maayos." Sagot ko habang pinipigilan ang pag-iyak ko pero wala akong magawa patuloy ang pagtulo ng luha ko. Kaya kinokontrol ko na lang ang boses ko.

"Bakit?" tanong nito sa akin.

"Malapit ng mawala si Lola Ester"

Contractual Relationship: Last Adventure in HighschoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon