A/N: Hindi talaga dapat magkakaroon ng appearance si Alex dito kaso nga lang may isa akong reader na patay na patay sa kanya. I'm slowly figuring out the plot. Hope you guys would keep on reading :D
Chapter 11: Morning Dilemma
~ Allen's P.O.V. ~
*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGGG*
Kusang gumalaw ang kamay ko at inabot ang side table para kunin at ibato yung alarm clock kaso wala ito. Kinapa ko ito hanggang sa malaglag ako sa kama.
"Yan kasi, di nabangon kaagad."
Ano ginagawa ni Vinny sa condo ko? Nagmulat ako at umupo ako. Tiningnan ko yung room habang kinakamot ang likod ng ulo ko at tsaka ko napansin na wala ako sa kwarto ko. Inalala ko lang yung nangyari kagabi. Nagluto ako tapos napaso ako at nung sina Vinny at Alex na ang magluluto ay nakatulog ako sa couch. Bait talaga ng mga bestfriend ko.
"Ang sakit kaya! Bakit mo ako pinabayaang malaglag?"
"Kita mo naman andito ako sa may pinto. Ano gagawin ko? Mag-ta-transport para sanbutin ka?"
"Anong ginawa mo sa Vinny na gentleman kahapon?"
"Patay na. Bumalik na yung normal na Vinny."
"Sungit! Sungit! Taray! Mas gusto ko yung Vinny kahapon!"
Lumapit sakin si Vinny at piningot ang tenga ko.
"Aray! Masakit naman Vinny."
I know for sure na mapula na tenga ko. Tumigil ito at tinitigan ako.
1 second...
2 seconds...
3 seconds...
Within these 3 seconds lumapit ang mukha niya sa mukha ko.
BU-THUMP
Out of instinct, I closed my eyes. Then bigla niyang pinitik ang noo ko.
"Nagiging pervert ka na."
"Hindi ah!" What the hell?! Anak ng tokwa! Bakit ako pumikit?!
"Eh bakit ka pumikit? Expecting a kiss from me?"
"Hindi no! Bestfriends tayo. Hindi pwede yun."
"I know pero gusto mo naman."
"Ha?" Ano sabi niya? Nagsalita pa siya eh pabulong lang naman.
"Wala sabi ko maligo ka na."
"Sige. Eh ikaw?"
"Duling ka? Tapos na o."
"Aray. Duguan na ako sa lahat ng sinabi mo. Gaganti ako."
Tumayo ako at tumayo din siya. At bago pa niya malaman kung ano ang gagawin ko, pinukpok ko ang ulo niya at tumakbo palabas ng kwarto. Shet! Wala akong mapuntahan kaya sa banyo ako tumakbo. Paghawak ko sa door knob, hindi ito naka-lock kaya nakapasok agad ako at nai-lock nung pagkapasok ko.
Tawa ako ng tawa kaya hindi ko napansin na bukas ang shower.
"Wag nga kayong magulo!" sigaw ni Alex. Nakapikit ito at kitang-kita ang...
Anak ng tokwa! Grabe!
"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!"
Sumigaw ako. Pumikit ako kaagad at tinakpan ang mukha ko gamit ang kamay ko. Sumigaw din siya.
"AAAAAAAHHHHH!! Anong ginagawa mo dito?!"
Nataranta ako at binuksan ang pinto. Nakaharang si Vinny sa pinto kaya pagtakbo ko palabas, I ended up on top of him. Nakatakip parin ang kamay ko sa mata ko at hindi nagalaw si Vinny. Gusto kong umiyak pero hindi ko alam kung bakit. Gusto kong sumigaw ang tumakbo paalis kaso hindi ko alam kung bakit.
1 second...
2 seconds...
3 seconds...
Buffering..
Loading...
I saw Alex naked.. Not entirely kasi may steam pero...
"KYAAAAAAAAAHHHHHHH!!" sumigaw ulit ako.
"Ano ba Allen? Nakakabingi"
Dito lang ako natauhan. Nagmulat ako. Anak ng tokwa! Face-to-face. Nose-to-nose. Namula ako. Bumangon kaagad ako at tumakbo palabas. Yes. Nakapaa. Saka lang ako tumigil nung nasa labas na ako ng building at medyo malayo na din.
Breathe in...
Breathe out...
Breathe in...
Breathe out...
Naubusan ako ng hininga doon ah. Tumigil at ako sumandal sa pader. Kelangan kong mag-isip. Gumana ang pagkababae ko at hindi ang pagka tomboy at brutal ko. Allen! Tanga. Tanga. Tanga. Bestfriend mo sila kaya wag kang magkaganyan.
Pumasok nanaman sa isip ko ang nangyari. Namula nanaman ako.
Sinimulan kong iuntog ang sarili ko sa pader.
"Allen?"
Pagtingin ko sa nagsalita, si Jenna.
"Jenna. Bakit ka nandito?"
"Para kang ewan. Malapit lang dito yung nilipatan kong bahay. At... bakit ka nakapaa? At mukhang bagong gising?"
"Ah, nakitulog ako sa condo ni Alex. Kaso may nangyari kaya tumakbo ako papaalis."
"Uh..."
*minutes later*
Nakaupo ako sa kama ni Jenna. Nagkasundo kami kanina na papahiramin niya ako ng damit at sapatos as long as siya ang pipili ng damit. Napabuntong hininga ako at napangiti. Mukhang nag-eenjoy si Jenna na pumili ng damit para maisuot ko.
Naka-towel lang ako ngayon. Naligo kasi ako.
"Done!"
Pagtingin ko sa damit na hawak ni Jenna, nalaglag ako sa kama. Isang black na tube dress at black boots. Isinuot ko ito para hindi magalit si Jenna. One inch above the knee yung dress. Sinuotan niya ako ng madaming bracelet at isang kwintas. Inayos din ang buhok ko. When I looked at the mirror, ibang version ng Allen ang nakita ko.
"Ayoko ng ganito."
"Osige. Pumasok ka ng nakapaa ha."
Napabuntong hininga ako. Wala na akong magagawa. Nginitian ako ni Jenna.
"Kumain ka na?"
"Hindi pa."
"May pagkain diyan sa kitchen. May tatawagan lang ako."
Lumabas ako ng kwarto ni Jenna at pumunta sa kitchen. May nakita akong macaroni at lasagna at inilagay ko sa microwave. Nung mainit na, nagsimula na akong kumain. Maya-maya ay lumabas si Jenna na nakangisi. Magkakwentuhan kami habang nakain.
"Tapos ka na?"
"Ay hindi. May pagkain pa sa harap ko." Sarcasm.
Tumayo na kami at binuksan ang front door. May isang tao na nag-aantay sa may gate.
"Chris?"
A/N: Yung nasa tabi yung bathroom ni Alex. Imagine nyo na lang yung lahat ng nangyari.

BINABASA MO ANG
Contractual Relationship: Last Adventure in Highschool
Teen FictionSi Allen Jane Alvarez ay isang babae na napasok sa isang relasyon na kontrata ang tumatali at dahil sa isang laroNagulo ang mundo niya nang pumasok si Jake Chris Reyes sa buhay niya bilang boyfriend niya. Tapos nakigulo na din ang kanyang kababata n...