A/N: Guys, help me naman? Ikalat nyu naman yung aking story para mas marami ang magbasa. Dali na. Please. Plug ko din yung story ninyo sa aking story
Chapter 13: Misunderstanding
~ Allen's P.O.V. ~
Initsa ko kay Vinny yung roses tapos pumunta ako sa labas. Ayun sa labas, si Alex nakasandal sa pader at naka-headphones habang iniintay ako na parang walang pakialam sa mundo o sa mga students na natingin sa kanya.
Sikat si Alex sa aming school. Bukod sa kanyang cassanova past ay estudyante sya dito sa school dati kaya madami ang nakakakilala sa kanya dito.
"Sikat ka parin dito ah."
Nung narinig yung boses ko ay lumingon kaagad ito na nakangiti sa akin at tinanggal ang headphones niya.
"Ano yun?"
"Sikat ka parin dito."
"Ah, yun ba??" Napakamot ito sa ulo. "Hindi ako proud sa reputation ko dito."
Iba yung reaksyon niya sa nasa imagination ko eh. Kala ko ngingisi ito at biglang mag-jo-joke kaso parang ikinahihiya niya na sikat pa siya. Kakalito itong kaibigan kong ito eh.
"Eh ano nga ba reputation mo dito sa school bukod sa pagiging cassanova?"
Nakataas ang kilay ko habang tinatanong ito. I even crossed my arms. Mukha akong mataray. Well, minsan naman ay mataray ako. Pinagtaasan din ako ng kilay ni Alex.
"Wag mo na lang alamin kung ano." Napatawa ito nung sinabi sa akin. May pagkamisteryoso ang mata nito.
"Bakit ka ba lumipat ng school?"
Bigla ko na lang tinanung ito. Matagal ko na akong curious tungkol dito. Wala naman kasi nagsabi sa akin noon kung bakit. Sinekreto sa akin ni Vinny at Jenna. Yes! Alam ni Jenna at Vinny pero hindi sinabi sa akin.
"Wag mo na din alamin. Baka layuan mo ako." He gave me a dismissive wave.
"Hindi kita lalayuan."
"Di nga?" Naglolokong tanung niya. Nakakaloko din yung ngiti.
"Tangengot ka? Kelan pa kita iniwan? Kahit nung may problema ka at ayaw mong sabihin sa akin kung ano man ang problemang yun ay hindi naman kita iniwan ah"
Nanahimik ito ng konting sandali at ngumiti sa akin. Ginulo niya ang buhok ko. I pouted. Nung tumigil na siya ay bigla ko siyang sinuntok.
"Ansakit nun. Susuntukin mo lang ako pagkatapos mong makita ang katawan ko. Pagkatapos ng mga nangyari sa atin kaninang umaga at kagabi?"
Napalingon sa amin ang iba naming seatmates. Malisyoso ang tingin nila sa amin. They misunderstood what Alex just said.
"Alex! Ano ba yang pinagsasasabi mo?!"
"Katotohanan lang ang sinasabi ko. Totoo naman ang sinabi ko. Nakita mo ang buong katawan ko. Basang basa pa ako that time."
Pulang pula na ang pagmumukha ko. Sigurado ako dun. Okay, Zeus! hari ng kidlat! Tamaan mo na ako ng iyong kidlat para mamatay na ako ngayong mismo. Nas madami na ang nagtitinginan sa amin. May ibang kakalase na din kaming lumabas at nakinig ang sinabi nito. Iimik pa sana si Alex kaso...
"Alex, tigilan mo na si Allen."
Yay! Savior ko talaga si Vinny. I love that bestfriend of mine.
"Kung makapagsalita ka parang wala ring nangyari sa inyo." sabi ni Alex na nakangisi.
"Wala naman ah!" Sabi namin ni Vinny ng sabay.
"So wala pala yung nangyari sa inyo dun sa sahig dun sa may banyo."
Namula nanaman ako. Tiningnan ko si Vinny. Hindi nagpalit ang expression. Wait, mas lalong naging cold and stiff and pagmumukha nito.
"Walang nangyari. Natumba lamang si Allen at sa katangahan ko ay nakaharang ako sa kanya."
"Yeah right. Iba ang nakita ko. Mukha kayong..."
Bago pa maituloy ni Alex ang sasabihin niya ay tinapakan ko yung kanyang paa at pumasok ng classroom. Rinig ko na napasigaw ito. Tapos may biglang humigit sa kamay ko. Si Alex. Ni walang pakialam kahit pumasok na siya ng room namin at walang pakialam yung mga kaklase ko.
"Sorry na. Di ko sinasadya."
"Bahala ka sa buhay mo."
Binawi ko ang kamay ko at naglakad papunta sa upuan ko. Nakaub-ob lang si Chris. Buti pa siya tulog na. Sana magpalit kami ng pwesto ni Chris para ako yung tulog. Lumapit sa akin si Alex at itinaas at ipinatong yung bag ko sa table ko. Di ko siya tinitingnan.
"Naiwan mo. Sorry na talaga."
Napabuntong hininga ako. Nakaupo si Alex sa harap ng desk at nakadungaw yung ulo sa desk ko. Gets nyo kung paano yung ayos niya? Halos nagmamakaawa yung mukha niya.
"Sorry na."
"Oo na, oo na."
Ginulo ko yung buhok niya at ngumisi siya.
"Tamana ang pagiging sweet. Late ka na Alex."
Napalingon kami ni Alex sa kanan. Si Vinny, my bestfriend in shining shimerring armor. Saan nanggaling yun? Wait, late na. Anak ng tokwa! Si Alex talaga!
"Alis na Alex. Late ka na." sabi ko.
"Pinagtatabuyan mo na din ako?" sagot ni Alex na parang nagtatampo.
"Oo, pinagtatabuyan ka na namin. Chupee." sagot ko.
"Sige na, sige na. Kung di lang kita hamster eh"
Ginulo ulit niya ang buhok ko nung tumayo siya. Ang tagal na niyang hindi akong tinatawag na hamster. Anong meron ngayong araw na ito? Nickname niya ito sa akin. Dati kasi, pinagtripan ko yung Fita. Kinain ko na parang hamster ako.
"Alis na ako. Bye, Allen. Bye, Vinny."
Napatigil ito ng konti at tumingi kay Jenna.
"Bye Jenna"
Malaki ang ngiti nito at sumagot naman si Jenna.
"Bye. Alis na. Late ka na."
Yay! Nag-usap sila. Bakit ba ako nagsasaya. Bahala na.
"Pare, mukhang close kayo ni Allen ah."
Napalingon ako kay Chris. Nakahalumbaba ito at nakatingin kay Alex. Oh shet! Patay! Bakit parang may bad feeling ako.
"Ah, oo. Close kami nitong hamster na to."
"Ah. ganun ba? Magpapaalam lang ako. Pare, liligawan ko ang hamster mo ha."
Kita ko na napatigil si Alex. Sabi na nga ba. Overprotective ito sa akin pagdating sa mga manliligaw. Parang kuya lang. Kaso bigla itong ngumisi.
"Grabe! Allen! Swerte mo. May gwapo ka ng magiging boyfriend." sabi sa akin tapos humarap kay Chris. "Good luck na lang pare."
Nagshake hands silang dalawa at lumapit si Alex kay Chris. Naging seryoso ang expression ni Chris at biglang nag ngisi.
"Alis na ako." Sabi ni Alex. "Papatayin ako ng teacher ko pag late nanaman ako."
Nakangisi ito sa akin.
"Salamat." Nginitian ko siya.
Lumabas na si Alex at saktuhan na pumasok ang teacher namin.
BINABASA MO ANG
Contractual Relationship: Last Adventure in Highschool
Fiksi RemajaSi Allen Jane Alvarez ay isang babae na napasok sa isang relasyon na kontrata ang tumatali at dahil sa isang laroNagulo ang mundo niya nang pumasok si Jake Chris Reyes sa buhay niya bilang boyfriend niya. Tapos nakigulo na din ang kanyang kababata n...