Chapter 9: Phone Call for Alex
~ Allen's P.O.V. ~
"Hey, stop it. You guys are like kids."
Lumingon kaming dalawa at nakita namin si Alex.
"Ahem. Posisyon ninyo."
Nagtaka kaming dalawa ni Vinny then saka namin narealize. Dinala nga pala niya ako sa sofa. Nakahiga ako at nasa ibabaw ko siya. Napaatras siya kaagad at halos malaglag na sa sahig. Napatawa namana ako. Ang sira eh. Bakit parang panic na panic ito.
"LOL ka Vinny. Bakit parang nag-panic ka?"
"Paano ba naman ang lapit ninyo. Baka kainin ka niyan." sabi ni Alex
"Kainin?"
"Wala." Sabay nilang sabi.
"Pagluluto mo ako, diba?" sabi ni Alex
"Ah, oo nga ano. Nakalimutan ko."
"Sandali, maalam ka na ba magluto?" tanong ni Vinny.
Napatigil si Alex.
"Syempre naman."
"Sure ka dun?" tanung ni Alex
"Yeah. Nagpaturo ako kay Jenna."
"Pero sabi ni Jenna na-" Nagsimulang magsalita si Vinny.
"Ayz! Para kayong walang tiwala sa akin eh."
"Sige na sige na. Magluto ka na. Turo ko sayo kung saan nakalagay ang mga gamit"
"Okay."
Tumayo ako at si Alex at nagpunta sa kitchen. Itinuro niya sakin kung saan nakalagay yung mga pangluto. Well, hindi ko alam ang tawag dun sa mga yun. Alam ko lang kung kelan ko gagamitin at kung saan. Kaso mula ng pumasok kami sa kitchen, kanina pang may natunog.
*BRRRR.... BRRRR....*
Rinig na rinig yung vibration ng cellphone. Hinanap ko yung tunog. Nagtataka naman yung tingin sa akin ni Alex. Nakita ko yun phone sa counter. May natawag na babae.
"Alex, may natawag."
"Ah, pabayaan mo yan."
"Baka importante."
"Pabayaan mo na."
"Sagutin mo na kasi."
Napabuntong hininga lang si Alex.
"Sige na nga."
Nagsimula na akong magluto.
~ Alex's P.O.V. ~
"Sige na nga"
Nakakabadtrip lang. Ayokong sagutin yung tawag. Halata naman na isa dun sa mga babae yung natawag. Yes. Babae. Hindi ko alam kung bakit naghahabol parin sila sa akin. Tinalikuran ko na ang dating ako. Ang plaboy side ko after ng ilang linggo nung nagkita kami ni Allen. Yes, inaamin ko sa sarili ko na may gusto ako kay Allen.
Kinuha ko yung cellphone. Tumigil na sa pag-vibrate ang phone pero ang daming missed calls galing sa iba't ibang tao. Ilang beses na akong nagpalit ng sim kaso wala rin. Ibababa ko na sana yung phone kaso biglang nagvirbrate ulit. Si Andie. Siya din yung may pinakamadaming missed call. =_______=
"Bakit?" sabi ko through the phone.
Nasa kitchen parin ako, pinapanuod si Allen. Mukhang masaya ito sa pagluluto nito.
"Alex, bakit hindi mo na sinasagot yung tawag ko?"
"Bakit ko kailangang sagutin yung tawag?"
"Dahil obligasyon mo."
"Ano ang obligasyon ko sayo?"
"Nangako ka sa akin na ako lang."
"Wala akong sinasabing pangako. At alam mo naman diba kung anong klaseng lalaki ako noon diba? Hindi ako nagbibitiw ng mga walang kwentang pangako noon"
Napatingin ako kay Allen. Hindi ako narinig. Umalis ako ng kitchen at pumunta sa terrace. Maganda ang view.
"Alam ko pero I always stayed by your side."
"Edi dapat alam mo din kung ano sa akin ang mga babae noon."
"Alam ko. At alam ko din kung ano ang mga nangyayari. Alam kong kaya mong pagsabay sabayin ang mga babae pero sinabi mo talaga sa akin ang pangakong yun nung lasing ka. Hinding hindi ko makakalimutan ang gabing yun"
"Stop speaking Andie. Wag mong ipaalala sa akin ang nangyari nung gabing yun. Pinagsisisihan ko yun."
"Pero hindi ko yun pinagsisisihan."
"Andie! For goodness sake! May boyrfriend ka na!"
"Pero ikaw ang mahal ko."
"Andie. Face the truth. Isang malaking kasalanan ang nangyari ng gabing yun. It was never meant to happen. God! I don't even remember what happened if you didn't tell me."
"It's not a mistake! It's love."
"It's not. Andie. Kapatid kita. Hindi dapat ganito."
"Pero ampon lang ako."
"Stop. Tamana, okay. Just forget me. Sabihin mo kay Mommy na hindi ako uuwi this weekend and for the rest of the month."
"Bakit mo pa sinagot ang tawag ko?"
"Pinilit ako ng taong mahal ko."
With that, I ended the call.
BINABASA MO ANG
Contractual Relationship: Last Adventure in Highschool
Teen FictionSi Allen Jane Alvarez ay isang babae na napasok sa isang relasyon na kontrata ang tumatali at dahil sa isang laroNagulo ang mundo niya nang pumasok si Jake Chris Reyes sa buhay niya bilang boyfriend niya. Tapos nakigulo na din ang kanyang kababata n...