Chapter 1: The Start
"Laro tayo!" sigaw ni Jenna habang hawak ang isang bote.
Nawala ang ingay sa loob ng classroom at tumingin kaming lahat sa bestfriend ko na si Jenna. May naisip nanaman itong kalokohan. Normally ako ang nagpapasimula nun eh, kaso masakit ang ulo ko gawa nung init. Pinanuod ko ang ilan sa mga kaklase ko na lumapit kay Jenna, pero ako? Nanaliti lang ako sa kunauupuan ko at pumikit ulit. Komportable na akong nakaupo sa sahig, nakasandal sa pader, nakapikit at nakikinig sa mga K-pop songs sa aking Ipod.
"Allen.."
Boses yun ni Jenna. Nanatiling nakapikit ang aking mata pero tinanggal ko ung earphone na nakasaksak sa kanang tenga ko.
"Ano?" tanong ko.
"Hindi ka pwedeng hindi sumali. Ikaw kaya ang may gusto nito. Kahapon pa natin napag-usapan 'to." sagot nito, sabay higit sa kabilang earphone ko.
"Ayoko. masakit ang ulo ko." sagot ko. Nagmulat na ako. Kaharap ko na si Jenna. "Pati, kayo na lang mag-laro. Gusto kong matulog."
Tumayo ako, nag-pa-plano na lumabas at pumunta sa Clinic para matulog. Tutal, wala namang pakialam si Dr. Kent at si Nurse Ann. Kasabay kong tumayo si Jenna at hinawakan nito ang braso ko. Demanding ang tinging nito sa akin.
"Ayoko"
"Dali na kasi."
"Ayoko nga."
"Please. Para sa akin."
"Ayoko"
"Bibilhan kita ng parfait."
Napatigil ako. Nakatitig siya sa akin. Tumitig lang din ako tapos napabuntong-hininga. Alam niya kung ano ang mga gusto ko eh. Hindi ko matanggihan ang isang parfait.
"Sasali ako." Napangiti si Jenna at hihigitin na sana ako. "PERO kelangan kasali din si Chris."
Natigilan ito. Napangiti ako. Tiningnan namin si Chris. Tulog ito sa upuan nya, halatang walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid nya. Ni hindi manlang nito napangsin na inipitan na siya ng mga babae.
"Ang hirap naman nun Allen." reklamo sa akin.
"Hindi rin."
"Ikaw lang kaya ang kinakausap nan dito sa room. Mapili siya sa mga taong kakausapin. Di pati nya ako kinakausap."
Napangisi ako. Nakita ito ni Jenna at napakunot and noo. Totoo ang sinabi nito. May pagka-anti social si Chris a.k.a. suplado, tipid sa mga salita, mapili sa kinakausap, parating tulog, at may pagkapranka pero hindi mapagkakaila na gwapo at sikat ito sa girls.
"Hindi rin. Seatmates lang kami tsaka partners sa lahat ng Science, MAPEH, Math, English, at Home Economics kaya ako kinakausap. Required kasi."
"Oo na lang."
Napangiti lang ako. It's my vistory. Hindi lalapit si Jenna kay Chris. Naglakad na ako papunta sa pinto ng room at lumabas. Hindi pa ako nakakalayo ay hinabol ako ni Jenna.
"Sasali daw sya!" Hindi posible yun.
Halatang excited ito sa boses pa lang nito. Hinawakan ni Jenna ang kamay ko at hinigit ako pabalik sa classroom. Mas lalong sumakit ang ulo ko. Pagpasok namin sa classroom, tiningnan ko kaagad ang upuan ni Chirs. Wala ito dito. Totoo nga ang sinabi ni Jenna. Kasali na ito sa grupo na nakapaligid sa bote.
"Shit."
"Sabi ko sayo eh. Di pwedeng di ka kasali." sagot ni Jenna at hinigit na ako papunta sa bilog at iniupo ako sa katabi ni Chris.
"I hate being held against my will." buntong hininga ko sa sarili ko. Di ko naman akalain na nakinig ako ni Chris.
"So do I, sweetie."
Natigilan ako.
'Sweeite? What the hell?!'
Napatitig ako sa kanya. Half-asleep pa ito pero hindi parin dapat tawagin syang 'sweeitie' nito. Naramdaman ata nito na nakatitig ako sa kanya kaya tumingin din ito sa akin. Ngumisi siya sa akin. Nakaramdam ako ng urge na upakan sya. Pupukpukin ko na sana sya, kaso nga lang biglang kumirot ang ulo ko. Tumingin ako sa mga maglalaro.
"Papabunot ko na ulo ko." bulong ko sa sarili ko.
"A pretty head like that shouldn't be wasted.
Napatigil nanaman ako at napatingin sa kanya. Nag-desisyon na guni-guni ko lang ang lahat ng sinasabi ni Chris. Pano ba naman. Nakapikit pa ito at pahikab-hikab habang kinukusot ang mata nya. Mukhang hindi ko pa talaga sya kilala. Parang sira si Jenna para isipin na medyo close kami.
"Time to play Truth or Dare!" sigaw ni Jenna.
A/N: Comment and criticise :D
BINABASA MO ANG
Contractual Relationship: Last Adventure in Highschool
Fiksi RemajaSi Allen Jane Alvarez ay isang babae na napasok sa isang relasyon na kontrata ang tumatali at dahil sa isang laroNagulo ang mundo niya nang pumasok si Jake Chris Reyes sa buhay niya bilang boyfriend niya. Tapos nakigulo na din ang kanyang kababata n...