Author's Note: So I'm starting to be unsure if I should continue this :(( Nalulungkot parin ako eh :(( Dapat pala hindi ako nawala kaso nag-focus ako sa college eh. Freshmen lang kasi :(( Yae na nga... I'll just look at the bright side!! :D BTW! Never pa akong napatawag sa Principal's Office ha >____< So wag kayong magitla kung parang engot yung sa may principal. Wala kasi talaga akong idea pati good girl ako xD -MnM
Chapter 16: Family Matters and an Unexpected and Depressing News
Nakatayo na ako sa labas ng Principal's Office. KINAKABAHAN!! Shet. I took a deep breath then kumatok ako. After kong kumatok ay binuksan ko ang pinto. Syempre english speaking dito kasi Principal's office na talaga.
"You were calling for me?"
Mali! Para namang napaka-informal nung pagkakasabi ko.
Yung assistant ang nakita ko. Tumingin ito sa akin at ngumiti. Sino nga ulit.. Hmm.. Si Ms. Diane Evangelista. Siya yung assistant nung principal, si Ms. Anioso. Sabi sakin nung mga klasmate ko na madalas dito ay mabait daw si Ms. Evangelista.
"Ms. Alvarez, sit down for a minute." Umupo ako sa upuang itinuro ni Ms. Evangelista pero napatigil ako sa kasunod niyang sinabi "Mrs. Anioso is just talking to your parents."
"What? My parents are here?"
Ms Evangelista nodded. Nanlaki ang mata ko. Now I'm nervous. Magkikita ulit kami after a few months. Kasi, my parents are living in Canada dahil sa business nila. Huli ko silang nakita ay nung pumunta ako sa Canada para magbakasyon eh, anong buwan na ngayon? Patapos na ang September. So halos four months ko silang hindi nakita. And for them to come here at my school, siguradong importante ang rason nito.
Kaso, ano? Ano ang pwedeng maging rason kung bakit sila pupunta dito ng wala manlang pasabi sa akin.
( O _________ O )
Baka may nangyaring masama! Shet! Wag naman po sana ako mabawasan ng kamag-anak sa ngayon. Ayokong mabawasan ng kamag-anak. O di kaya nagkaroon ng malaking problema ang kumpanya nina mama sa Canada kaya tumakas sila papunta dito sa Pilipinas at ngayon ay kelangan namin tumakas.
( _ _ ; )
Engot ko. Masyado naman atang pessimistic ang utak ko. Kanina puno ng curiosity pero ngayon napaka-pessimistic na. Sira na ata ang utak ko ngayon eh. Pabunot ko na kaya ang ulo ko. Wala naman atang aangal.
"A pretty head like that shouldn't be wasted"
Napailing ako. Bakit ba pumasok sa isip ko yung sinabi ni Chris nung naglalaro kami ng Spin the bottle. Bwisit naman oh. Napatingin ako kay Ms. Evangelista. Nakangiti ito sa akin, awkward smile ang iginanti ko sa kanyang ngiti. Paano naman kasi. Nakakahiya kaya. Nakita pa niya ang iba't-iba kong mga engot na facial expression.
Naningin na lamang ako sa loob ng office. Naks! There's an office inside an office. Siguro itong isa pang room ay yung office na talaga ng principal. Sosyalin ah! Yaman pa. Nakakabano. Wag nang magtaka kung bakit ako nababano. First time ko lang naman mapatawag sa Principal's Office.
May narinig akong buzzer mula sa table ni Ms. Evangelista. Napatingin naman ako kaagad sa table niya at nakinig. Mamaya-maya warning pala yan na may sunog or something or whatsoever. Then nakita ko na may pinindot si Ms. Evangelista.
"Ms Evangelista, please let Allen Alarez in" I'd bet a coin na si Ms. Anioso yun.
"Allen, you can go in already" Nakangiti si Ms. Evangelista habang sinasabi niya ito.
BINABASA MO ANG
Contractual Relationship: Last Adventure in Highschool
Teen FictionSi Allen Jane Alvarez ay isang babae na napasok sa isang relasyon na kontrata ang tumatali at dahil sa isang laroNagulo ang mundo niya nang pumasok si Jake Chris Reyes sa buhay niya bilang boyfriend niya. Tapos nakigulo na din ang kanyang kababata n...