Chapter 4: Unexpected?
Anak ng tokwa! Nanlaki ang mata ko. Ni hindi manlang ako makapalag sa nangyare. 'Fist kiss ko to ano ba?! Akal ko ba walang sexual harrasment!' Hawak niya ang mukha ko gamit ang parehong kamay at mukhang walang alak itong bitiwan ako. Ni hindi manlang ako tinutulungan ni Vinny at Jenna. Pagkabitaw ni Chirs sa akin.
*WAPAK!*
Suntok sa mukha ang inabot niya sa akin. Pasalamat siya! Napigilan ko ang sarili kong sipain siya.
"Tapos na ang kontrata! Sexual harrasment yun!"
Buti na lang ay nasa hallway kame at tapos na ang klase kaya walang tao na nasa paligid. Nag-overstaying lang kami kaya andun pa kami. Ka-close ko kasi yung staff ng school kaya pinabayaan kami. Tumalikod ako at naglakad papalayo pero bago pa ako makalayo ay may humawak sa kamay ko at iniharap ako sa kanya. Si Chris ito. Ano na nangyari kina Jenna at Vinny?
"Ang brutal mo, ano? Paano kung magkasugat ang gwapo kong mukha?"
"Edi mabuti! Para wala ka ng maipagmamalaki"
"Wag kang mag-alala. Ikaw ang maipagmamalaki ko"
"Neknek mo. O, baka gusto mong sipain kita diyan."
"Wag naman si Junior. Baka mabaog ako."
Muntik na akong makapagmura. Salamat sa Diyos at nakagat ko ang dila ko. Ang kapal talaga ng mukha.
"Edi mas mabuti para wala ng maging katulad mo."
"Wag naman. Sayang ang kagwapuhan ko."
Sumipa ako. Umatras sya. Nagpatuloy ang cycle na to ng ilang beses hanggang sa..
"Ooops"
Tumalsik ang sapatos ko at tumama kay Miss Kelly Hernandez. PATAY! Siya si Miss Horror! Paano ba naman ang stricto tapos grabe pang magbigay ng detention at punishment. Bakit? Well, ayon sa mga naririnig ko sa tabi-tabi dahil ito sa pagiging NBSB. No Boyfriend Since Birth. Hindi naman ako naniniwala dito dahil hindi ko maimagine na ang isang 24 years old na babae ay hindi pa nagkakaroon ng boyfriend. Back to my issue. Gusto kong tumakbo. Oo, kaclose ko ang mga staff pero hindi lahat at isa siya sa mga hindi ko kaclose.
"Miss Alice Jane Alvarez!" Tawag niya sa akin. Dinampot ang sapatos ko at nagsimulang maglakad papunta sa akin.
Oh crap!
Oh crap!
Oh crap!
Ano na ang gagawin ko?
Palusot.
'Hindi po akin yan' sabay ngiti. Ang sira mo Allen. Kitang kita na wala kang suot sa kanan mong paa.
Palusot.
'Ah, tumalsik na lang po.' Hindi rin pwede. Aalamin kung bakit.
Palusot.
Wala.
Blankong na ang utak ko.
Isa na lang ang magagawa ko. Ang TUMAKBO!
Tatalikod na sana ako para tumakbo, bigla namanng hinawakan ni Chris ang kanang kamay ko. Kelan pa ito sa tabi ko? Tumingin din ako sa kaliwa ko. Andun na din sa Jenna at si Vinny. kelan pa sila andito? May sinabi si Chris pero paulong lang.
"Ako na ang bahala kaya wag ka nang tumakbo na parang nakakita ka ng multo."
"Ha?"
Hindi na ito nakasagot. Paano ba naman dumating na si Ms Hernandez. Nasa harapan na namin siya.
"Allen Jane Alvarez, bakit tumama sa akin ang sapatos na ito?"
"Ah, ano po miss.."
"Miss, ako po ang may gawa kung bakit tumalsik." Sabat ni Chris.
"And what did you do Jake Chris Reyes?"
"Si Miss naman. Bakit kailangan na buong pangalan ko pa ang sabihin mo?"
"Wag kang magsimula Chris. Kung hindi sisiguraduhin kong nasa Detention ka ng dalawang linggo for two whole hours."
"Si Miss talaga. Parang wala tayong pinagsamahan eh."
Pinukpok ni Miss Kelly si Chris. At ang pagmumukha ko, ni Vinny at ni Jenna? O.O
"Miss! Harrasment yan! Masakit yun."
Pinukpok ulit ni Miss Kelly si Chris.
"Miss, harrassment na talaga yan."
Si Jenna naman ngayon ang nagsalita. For the first time, ngumiti si Miss Kelly. Natameme ako. Ang ganda pala ni Miss Kelly kahit nakapony tail ito at nakasalamin lang, parang ako lang.
"Oo na. Dahil pagod na ako at tapos na ang school hours, I'll let you off Allen but if this happens again be ready to face the consequences."
"Salamat po"
Ngumiti ako at nagpaalam na nung naglakad na paalis si Miss Kelly.
"Ah, yung sapatos ko."
Susunod na sana ako kay Miss Kelly kaso biglang sumigaw si Chris.
"Bye Tita!"
Tumingin kaming tatlo sa kanya tapos kay Miss Kelly. Humarap na ulit ito sa amin at mukhang naiinis. At bago pa namin alam ang mangyayari ay binato ni Miss Kelly yung sapatos kay Chris. Tinatarget ata yung mukha ni Chris kaso nasalo ni nya.
"Salamat"
Iniabot ni Chris sa akin yung sapatos ko kaso bago ko makuha ito ay nahablot na ni Vinny ito sa kamay ni Chris. Lumuhod ito sa harap ko at isinuot ang sapatos sa paa ko.
"Prinsesa?"
Tanong ko ng pabiro. Mukhang lumuwag na din ang turnilyo ni Vinny pero sanay na ako sa sudden actions niya tulad nito. Hello? Childhood friends nga eh. Tumawa lang ito magsasalita sana kaso biglang tumunog ang cellphone nya. Syempre sinagot at lumayo muna. Tahimik lang kaming tatlo ni Chris at Jenna hanggang bumalik si Vinny. Ilang minuto din naman yung awkward silence. Pumasok si Vinny sa loob ng room para kunin yung bag nya eh bago siya bumalik sa amin.
"Gotta go. Part-time job."
After saying my goodbbye, he kissed my forehead and left.
BINABASA MO ANG
Contractual Relationship: Last Adventure in Highschool
Teen FictionSi Allen Jane Alvarez ay isang babae na napasok sa isang relasyon na kontrata ang tumatali at dahil sa isang laroNagulo ang mundo niya nang pumasok si Jake Chris Reyes sa buhay niya bilang boyfriend niya. Tapos nakigulo na din ang kanyang kababata n...