「Chapter 04」

62 13 20
                                    

LANNA

" Whoa "

Hindi ko mapigilang hindi mamangha sa mansion ng grandparents ni Mr. Mclyntre. Napaka-elegante ng dating. Mas maganda pa ito kaysa sa masion ng magulang niya kung saan kami nagdinner nuon.

" Act nice to me when you're in front of them. I don't want them to be disappointed. " malamig na sabi niya habang nagdra-drive papasok ng mansion. Nawala ang mangha sa mata ko at agad iyong napalitan ng inis.

Act nice? Ano siya? Swerte?

Ng huminto ang kotse ay tinanggal ko kaagad ang seatbelt ko. Bababa na sana ako ng pigilan niya ako. " Stay here. " sabi niya at lumabas.

Naglakad siya papunta sa gawi ko at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya ako pababa, maingat na maingat ang pagkakahawak sa akin. What a great actor!

Hinayaan ko siyang alalayan ako patungo sa loob ng mansion. Binabati kami ng mga kasambahay pero pagdating sa akin ay peke iyon. May nakikita pa akong mga masamang nakatingin sa akin.

Problema nila?

" Bitawan mo na ako. Sinusumpa na ako ng tingin ng mga kasambahay mo. " bulong ko sa kaniya.

He chuckled softly. " Don't mind them, they just have a huge crush on me. " mayabang na sabi niya kaya naman napairap ako.

Ang hangin mo professor!

" Good evening Grandma! " agad bati ni Mr. Mclyntre sa isang matandang babae. Napakaganda pa rin ng lola niya kahit matanda na.

" Oh hijo. I missed you. " agad siyang niyakap ng kaniyang lola at hinalikan sa pisngi. " Ang tagal mo ng hindi pumunta dito. Last time you went here was on your birthday last year, with Dianne. "

Napatigil si Mr. Mclyntre ng marinig ang sinabi ng lola niya. I saw how he forced himself to smile.

Sinong Dianne?

" Grandma, I'm with my fiancé right now. Stop talking about her. " saway niya dito. Tumingin ang lola niya sa akin bago ako pagtaasan ng kilay. Nakita ko ang pagtingin niya sa braso ng kaniyang apo na nakapulupot sa baywang ko.

" She's taller than Dianne. " komento ng lola niya. " But Dianne is more elegant. No offense dear! "

Peke siyang ngumiti bago niyakap ako. Mukha pa siyang nandidiri ng niyakap niya ako. Pinilit ko na lang kumalma.

No offense? Ikumpara ko kaya siya sa ganda ng lola ko?

" Introduce your self hija " sabi niya bago muling ngumiti ng peke.

I flashed her my killer smile before introducing myself. " My name is Xypherlanna. You can call me Lanna, Ma'am. " mabait na sabi ko.

She raised a brow before looking at Mr. Mclyntre. " When you first brought Dianne here, she called me Grandma. " sabi niya na tinanguan na lamang ni Mr. Mclyntre.

I want to roll my eyes so bad!

It's clear as a sunny day that she doesn't like me for her grandson.

Inalalayan ako ni Mr. Mclyntre paupo bago ako tinabihan. Nagsimula na kaming kumain. Wala daw ang lolo ni Mr. Mclyntre dahil nagpapacheck-up ito sa ibang bansa, next time na lang daw niya ako ipapakilala dito.

" So how old are you, Lanna? " mataray na tanong ng lola ni Mr. Mclyntre habang kumakain.

" I'm 17 years old ma'am. I'll be 18 in December. " sabi ko.

Marrying You Seems Ridiculous! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon