LANNA
" Pagkatapos ninyong magpatrol sa 4th building, magpatrol rin kayo sa basketball court. Baka may nakatambay pa duon. " sabi ko sa iba pang officers ng student council. Tumango sila bago umalis para magpatrol.
Gabi na ngayon, kakatapos palang ng first day ng Halloween Fest, maayos naman naming naisagawa ang mga programs at wala namang nangyaring gulo.
Nagpapatrol kami ngayon dahil may mga studyanteng nagsign up para sa overnight stay dito sa school. Wala naman kaming dorms kaya sa classrooms lang kami matutulog. Required kaming mga student council officers at ang ilang teachers na magstay overnight, yung iba naman ay either malayo ang bahay o gusto lang magstay sa school.
Napalingon ako ng biglaang dumating si Qian, kakagaling nya palang sa infirmary para i-check si Angel.
" Kamusta si Angel? " tanong ko.
" She's fine. Nandoon na si Kuya niya. The nurse said that she'll be a lot better after she rest today. Napagod lang talaga siya. " sabi niya kaya tumango ako at nakahinga ng maluwag.
" How about you? Are you okay? " tanong ko naman sa kaniya ng makita ko ang itsura niya. He looks tired.
" I'm fine, Pres. " sabi niya bago umupo sa tabi ko. " I'm just exhausted.... "
I looked at him and smiled. " Rest for a while. May ibang maghahandle ng pagpapatrol today. " sabi ko sa kaniya.
He just nodded and shut his eyes close. Maya-maya pa'y bumagsak ang ulo niya sa balikat ko. I heard his soft snores making me chuckle quietly.
He fell asleep so fast!
We stayed like that for almost an hour, my shoulders are already killing me but if I move, he'll wake up. Nagtagal kaming nasa ganoong pwesto hanggang sa makatulog na rin ako sa tabi niya.
" Shhh... wag kayong maingay! "
" Ayiee ang sweet! "
" Sana all sa inyo! "
Dahan dahan akong napamulat ng mata ng maramdaman ang pagtama ng ilaw sa mukha ko. Nahuli ko sina Saiko, Travis, Gray at Tan na ngayo'y kinukuhaan kami ng litrato. Umayos sila ng tayo ng makitang gising na ako at nagpanggap na may iba't ibang pinagkakaabalahan kahit na huling huli ko na sila.
Tumingin ako sa katabi ko at nakita si Qian na tulog na tulog pa rin hanggang ngayon. Luminga-linga ako at nakitang umaga na pala. Napalingon kami sa pinto ng bumukas iyon at nakita si Angel na nakatingin sa amin ngayon ni Qian.
I saw how she looked away from us and forced a smile. " G-Good morning. " masaya ngunit medyo pilit na bati niya sa amin.
Umayos ako ng pagkakaupo at sinandal na lamang ang ulo ni Qian sa sofa. Hinilot ko ang braso ko. Ang sakit ng braso ko!
" Oh Angel! Musta? Ang sabi ni Qian, masama daw ang pakiramdam mo kahapon? " tanong ni Tan dito.
She smiled " Ayos na ako ngayon. " sabi niya bago humarap sa akin. " Pres, sorry ha. Nadagdagan pa tuloy ang trabaho ninyo dahil sa akin. Naabala ko pa tuloy kayo."
" Hindi ka abala. " nagulat ako sa biglang pagsalita ni Qian. Napalingon ako sa kaniya at nakitang inaayos niya ang buhok niya. He looked at me and smiled. " Good morning Princess. "
Napailing ako ng kindatan niya ako. " Good morning " ngumiti ako at tumayo na.
" Ang sweet ninyo kanina ah. Sana all " biro ni Gray na ikinangiti kaagad ni Qian.
BINABASA MO ANG
Marrying You Seems Ridiculous! (Completed)
RomantikXypherlanna Valerianna, a senior highschool student, dreams nothing but to graduate and have peaceful and successful life. But her life actually changed when she was forced to marry Yardleigh Nazeer Mclyntre, her cold strict but handsome young teach...