LANNA
"Kain tayo, gutom na ako"
Napangiti ako sa sinabi ni Qian at napatango. Niyaya ko sila sa isang restaurant para kumain since kanina pa kami lakad ng lakad. Nakakapagod na.
Umupo kami sa bakanteng table at agad tumingin sa menu. Nang lumapit sa amin ang waitress ay agad kaming nag-order ng pagkain. Medyo matagal rin bago nila sinerve ang pagkain, agad kaming kumain ng tahimik.
Maya-maya ay lumapit sa amin ang isang babae. "Ningqian?" lumingon ako dito ng tawagin nito si Qian.
"Oh... Kara" Qian smiled at her. "Long time no see"
Pinagmasdan ko ang itsura ng babae. Nakasuot ito ng maikling shorts at t-shirt na halos kita na ang dibdib niya. Kumunot ang noo ko ng makita ang paghawi niya sa parte ng buhok niya papunta sa likuran ng tainga niya. She smiled at him too widely, mukhang masaya siya ah...
"Ah... who's this, Qian?" I asked Qian before looking at the girl again. I gave her an intimidating look na agad naman niyang ikinatigil. Awkward siyang ngumiti sa akin.
"Ah, si Kara... kasama siya ni Angel sa art club" Qian introduced her.
"Ahh.." I looked at her from head to toe and gave her the I-don't-like-you-for-my-friend look.
She akwardly laugh. "N-Nice to meet y-you... I'm K-Kara Schneider" she looked so pale because of my look but she still manage to smile, although obvious na kinakabahan siya.
"Xypherlanna Valerianna, the former president of the student council of Monterico Academy" I introduced myself to her.
Nagulat siya sa pagpapakilala ko. Hindi siya makapaniwala na ako ang president ng Monterico Academy. Hindi sa nagmamayabang pero, legend ako sa school namin....
Nang hindi niya kayanin ang pang-iintimidate ko ay nagpaalam na lang siyang aalis na kahit mukhang gusto niya pang kausapin si Qian. Ngumisi ako at umiling, I won't let someone like you get close to my friends...
"You look terrifying" Qian said as he looked at my face. "Inintimidate mo naman masyado si Kara"
"Don't tell me that you like her?" I asked him making him shake his head without hesitation.
"Imposible yang sinasabi mo. Si Ang--- este--- may iba akong gusto!" natawa ako ng muntikan pa siyang madulas ng sasabihin. Taka tuloy siyang tiningnan ni Angelo kaya naman mabilis kong binago ang topic namin.
"May girlfriend ka na ba, Angelo?" tanong ko dito na ikinapula naman kaagad ng mukha nito.
"W-W-W-Wala pa..." sagot niya.
"Seryoso? Wala pa talaga?" tanong ko.
"Wala pa talaga, hindi naman ako magugustuhan nung babaeng gusto ko eh" sabi niya.
"Nonsense! Sinong hindi sayo magkakagusto? Mabait ka na, maasikaso, maalaga, matalino, gwapo tapos mapagmahal... I'm sure magugustuhan ka nang babaeng iyon" sabi ko na agad niyang ikinayuko.
"Kung ganoon gusto mo ba ako?" mahinang tanong niya na hindi ko naintindihan.
"Ha?"
"Wala... ang sabi ko, imposible akong magustuhan nuon, may mahal na siyang iba eh" nakangiti ngunit malungkot na sabi ni Angelo.
"Aww... hayaan mo I'm sure makikita mo rin yung para sayo. Malay mo nakita mo na pala siya, hindi mo lang alam" sabi ko para gumaan ang loob niya.
"Argh! Ano bang meron ngayong araw at andami kong nakikitang nagd-date? Nakakainis!" reklamo ko habang naglalakad-lakad kami.
BINABASA MO ANG
Marrying You Seems Ridiculous! (Completed)
RomansXypherlanna Valerianna, a senior highschool student, dreams nothing but to graduate and have peaceful and successful life. But her life actually changed when she was forced to marry Yardleigh Nazeer Mclyntre, her cold strict but handsome young teach...