「Chapter 12」

62 10 16
                                    

LANNA
     
    
Wear this, as thanks for yesterday. I bet you'll look extremely gorgeous in it.

- YANA

I smiled slightly before I look at the dress again. Dali-dali kong sinuot ang dress at pinagmasdan ang itsura ko sa salamin. It fitted right in my body. It was a two piece silver off shoulder knee length dress.

Lumabas ako ng banyo at natawa sa reaksyon ng dalawa kong kaibigan ng makita ako. Their jaws dropped.

" O-Oh MY GOSH! IKAW NA BA YAN BESTFRIEND?! " maingay na tanong ni Saiko.

I rolled my eyes playfully. " Sus, parang ewan. " sabi ko.

" You look so gorgeous. So sexy, so beautiful and so elegant. " pagpupuri ni Gray dahilan para mamula ang pisngi ko.

" S-Stop praising me. L-Let's get ready so we won't be late. " nahihiyang sabi ko bago umupo sa harapan ng vanity mirror. Mabilis naman nila akong inayusan at maya-maya lang ay tapos na kami.

Light make up lang ang nilagay sa akin ni Gray habang nilugay naman ni Saiko ang nakamessy-bun kong buhok. Bahagya niya lang itong kinulot sa dulo at pinasuot sa akin ang isang silver hairclip na may design na teardrop. Pinagsuot rin nila ako ng contact lens dahil masisira daw ng eye glasses ko ang porma ko.

" You look amazing! " pagpupuri ulit nila kaya napailing na lang ako sa hiya.

" Tara na nga. " sabi ko at hinila na silang dalawa pababa.

Ng makababa kami, naabutan namin sina Tan at Travis na nanunuod ng TV. Mukhang bored na bored na sila sa buhay nila at inaantok na sa sobrang tagal namin.

" Sorry natagalan kami. " sabi ko.

" No its o--- " They both look at us and their jaw dropped. --- kay... "

Umiwas ng tingin sa akin ang dalawa at namumulang napa-ubo. " Parang tanga ang mga ito. Hindi naman kami magseselos. Sobrang ganda ni Lan, diba? Aminin na! " sabi ni Saiko.

Tumingin muli sa akin si Travis at Tan at tumango. " Y-Yeah... " nahihiya nilang sagot dahilan para matawa ako.

" Ewan ko sa inyo. Male-late na tayo kaya tara na. " sabi ko na agad nilang tinanguan. Sumakay na kami sa 2021 Kia Senoda kong sasakyan at nagpahatid kay Kuya Randall patungo sa bahay ni Yana.

" Ang ganda mo, Sai. " rinig kong sabi ni Travis at naglambingan sila ni Saiko.

" Y-You look much more, prettier today. " pagpupuri naman ni Tan kay Gray dahilan para mapairap ako.

Walang nagbago....

BITTER PA RIN AKO!
          
         
         
        
            
" Oh wow. " nahihiya akong ngumiti dahil sa reaksyon ni Tita Daniela at Tito Yeshua sa akin.

" G-Good evening po. " sabi ko.

" Oh good evening, hija. You look amazing. " agad akong niyakap ni Tita kaya namula ang pisngi ko.

" These are my friends po, Tita. This is Saiko, Travis, Tan and Gray. " pagpapakilala ko kina Saiko.

" Oh, they're gorgeous and handsome as well! Nice to finally meet you. " sabi niya " You must be one of Nazeer's students. I'm his Mom. "

" No wonder, kamukha niyo po si Sir Nazeer. Kami pong dalawa ang istudyante ni Sir Nazeer, along with Lanna. " masayang sabi ni Saiko, as usual, nagkasundo sila ni Tita Daniela.

Marrying You Seems Ridiculous! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon