LANNA
" Bilisan mo! "
Agad kong hinila si Yana patungo sa isang sulok ng grocery upang hindi kami mapansin nina Qian at Angel na malapit lamang sa amin.
" Kumpleto na ba ang pinapabili ni Tita? " tanong ko sa kaniya habang nakasilip kina Angel at Qian. Bakit naman kasi ngayon pa nila naisipang maggrocery! Nice timing naman!
" Hindi pa, kailangan pa nating bumili ng pasta, kulang daw kasi. " sabi nito na ikinabuntong hininga ko.
Sinipat ko ang kinalalagyan ng pasta sa kinalalagyan nito at napapikit sa inis ng makitang katabi lang nito ang kinaroroonan nina Qian. I looked at Yana to look for opinions at nanlaki ang mata ko ng may maisip akong idea.
" What if, ako na lang ang pumunta duon, tapos ikaw pumunta ka na sa kotse? " sabi ko na ikinakunot ng noo niya.
" If I do that, that guy will make a move on you again. " sabi niya at tumingin ng masama kay Qian na ikina-iling ko. " Besides, kung makikita ka nila, sasama sila sa iyo. "
I blinked before nodding, understanding what he said. He's right.
Kapag nakita ako ng mga ito, mag-iinsist silang samahan at ihatid ako pauwi ng bahay. Napailing na lang ako at tumingin sa kaniya ulit.
" Then, what if ikaw na lang pumunta duon. " suhestiyon ko pero umiling siya.
" If I do that, they'll also insist to accompany me. They would even ask me if I came here with someone. " sabi niya na ikinahilot ko ng sintido ko.
What do we do?
Napatigil ako sa pag-iisip at nagulat ng hawakan niya ang kamay ko. He looked at me deeply making me blush madly. W-Why is he staring at me like that?
" B-Bakit? " tanong ko dito.
" Let your hair down. We're going there together as quick as possible. " sagot niya na ikinagulat ko.
" Paano kung makita nila tayo? " tanong ko dito.
Maya-maya pa'y inayos niya ang bangs niyang nakaharang sa kanang mata niya at tinali ang buhok niya. Kinuha niya ang isang maliit na case na nasa bulsa niya at sinuot ang round eyeglasses na laman nito.
Na-gets ko ang ibig sabihin niya kaya naman ibinaba ko na ang buhok ko na nakakatulong para maharangan ang mukha ko.
" Remove your glasses. " sabi niya na ikinagulat ko.
" P-Pero.. wala akong makikita kapag--- "
" I'll take care of you, no worries. " pagpuputol niya sa sasabihin ko. " I'll never let go of your hand. "
I felt my heart skipped a beat. What's going on with my stupid heart?
Tumango na lang ako at tinanggal ang salamin ko. Like he said, we went there as quick as thunder. Kinabahan ako ng makitang malapit lang talaga sa amin sina Qian at Angel.
" Pangit lasa nyan. " rinig kong sabi ni Angel
" Hoy favorite ko yan! " rinig kong sumbat ni Qian sa kaniya.
Mabilis na kinuha ni Yana ang pasta at hinila na ako patungo sa pila. Gaya ng sinabi niya, hindi niya binitawan ang kamay ko. Napayuko ako ng maramdaman ang pag-init ng mukha ko.
" Are you okay? " tanong niya ng marating namin ang pila.
Tumango ako at sinuot na muli ang salamin ko. " I'm fine " tiningnan ko kung gaano ka haba ang pila at nakahinga ng maluwag ng makitang uunti palang ang nakapila.
BINABASA MO ANG
Marrying You Seems Ridiculous! (Completed)
RomanceXypherlanna Valerianna, a senior highschool student, dreams nothing but to graduate and have peaceful and successful life. But her life actually changed when she was forced to marry Yardleigh Nazeer Mclyntre, her cold strict but handsome young teach...