「Chapter 08」

68 11 14
                                    

LANNA
   
" Narinig mo yung gaganapin daw na contest? "

Napatingin ako kay Saiko ng biglaan siyang magsalita. Narito kami ngayon sa bahay ni Saiko at nagtatambay, kasama si Gray. Walang pasok ngayon dahil may preparations na gagawin sa school, for the upcoming event.

" Alin? Yung Ms. Halloween? " tanong ni Gray sa kaniya.

" Oo! Totoo ba yun, Lan? " tumingin si Saiko sa akin kaya naman tumango ako.

" Nagmeeting na ang Student Council tungkol duon. Malapit na ang halloween kaya naman napag-isipan naming gumawa ng activities. Remember nung nangolekta kami ng mga ideas sa lower level? " tanong ko.

" Ah yun! Ang daya, lower level lang ang pwedeng magsuggest! Paano naman tayong mga senior? " nagtatampo kunwaring tanong ni Saiko.

Umiling si Gray. " Pagbigyan mo na yung mga bata, para ka namang ano! " tatawa tawa niyang sabi.

Saiko pouted. " Hmph! Ang unfair ninyo! " she said making me laugh.

" Hayaan mo na. Magaganda ang suggestions nila. Si Dean na ang nagpili ng mga activities. Kasama na duon ang Ms. Halloween. " sabi ko.

" Sasali ka? " tanong ni Gray kay Saiko na agad nitong inilingan.

" Ayoko. Hindi ako mahilig sa mga ganyan. " agad tanggi nito.

Magsasalita sana ako ng may biglang magdoorbell. " Pabuksan nga ng pinto Gray, baka si Maldita---este Matilda yan. " natawa ako sa sinabi ni Saiko, tinutukoy niya ang kapatid niyang si Saia Matilda.

Tumayo si Gray para buksan ang pinto. Maya-maya pa'y bumalik siyang nakasimangot kasunod ng isang masungit na babae. It was Saia, Saiko's little sister.

" Eww, nandito ka na naman? " nandidiring sabi nito ng makita si Saiko.

Umirap agad si Saiko. " At bakit ako mawawala dito? Bahay ko ito kaya wag ka ng magtaka kung bakit ako naririto. " mataray na bawi ni Saiko.

Magsasalita pa sana si Saia ng napatingin siya sa akin. Agad kong nakita ang gulat sa mukha niya kaya napangisi ako. " Good afternoon, Saia. " sabi ko.

" G-Good afternoon, P-President. " kinakabahang bati nito. Dali-dali itong yumuko at nagtatakbo paakyat ng kwarto.

Ng mawala ang kapatid ay tumawa ng malakas si Saiko. " She's still intimidated! " tuwang-tuwa na sabi nito.

Gray smiled. " Kay Lanna lang titiklop " komento niya na tinawanan agad ni Saiko.

Saia is afraid of me. Nung una ay iniirapan lang rin niya ako pero hindi ko siya pinapansin. Everytime na magtataray siya sa akin ay hindi ko siya pinapatulan kaya naman inis na inis siya sa akin. Last time sinubukan niya akong ipahiya sa harap ng maraming tao pero siya ang napahiya ng malaman niyang ako ang Presidente ng School niya.

Simula ng araw na iyon, hindi na siya makatingin sa akin. She gets too intimidated kapag nakikita niya ako.

Napalingon ako kay Gray ng biglaang tumunog ang cellphone niya. Dali-dali naman siya sa pagkuha at pagsagot nito.

" Hello?... oh? Ngayon na? Sige ba! Sinong kasama? Si Qian at si Angel rin? Okay cool! Wait... sasabihan ko sila. " pinatay na niya ang tawag at humarap sa amin.

" Tumawag si Tan, nasa mall daw sila ni Travis, kasama daw nila sina Qian at Angel. Gala daw tayo. " nakangiting sabi ni Gray.

" G " tanging sagot ni Saiko at tumayo na para umakyat sa taas ng kwarto niya para magbihis.

Marrying You Seems Ridiculous! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon