LANNA
"Good morning to my beautiful wife, wake up and I'll get your breakfast ready!"
Agad akong namula ng makita ko si Yana na ngayo'y nakatayo sa harapan ko. Nakasuot ito ng apron at may dala pa siyang wooden spatula.
"B-Baliw... ang aga-aga kung ano-ano ang sinasabi mo diyan" masungit ko kunwaring sabi para hindi niya mahalata ang pamumula ng mukha ko.
He just chuckled at nagpaalam na tatapusin niya lamang daw ang niluluto niya. Dahan-dahan akong tumayo at kumuha ng damit sa closet bago pumasok sa banyo para gawin ang morning routine ko. Naligo ako at nagbihis ng isang puting t-shirt at black pants. Pagkalabas ko ng banyo ay naroroon na siya ulit. Wala na siyang apron at spatula ngayon, mukhang tapos na siya sa pagluluto.
Nagulat ako ng kunin niya ang suklay at maingat akong pinaupo sa kama. Nagtungo siya sa likuran ko at dahan-dahang sinuklay ang buhok ko. Pinatuyo niya rin iyon gamit ang blower ko. Nagulat ako ng talian niya ang buhok ko. He tied it into pigtails!
"P-Para naman akong bata" reklamo ko pero tumawa lang siya.
"You look cute" sabi niya kaya napasimangot na lang ako!
"There you go!" pinaharap niya ako sa kaniya at tumango na parang satisfied siya sa ginawa. "Pretty as always"
Namumula akong tumayo at inirapan siya. "K-Kumain na nga lang tayo" sabi ko. Inalalayan niya akong bumaba ng hagdan at pinaupo bago siya bumalik sa kusina para kunin ang niluto niya.
"Here you go!" nilapag niya sa lamesa ang mga pagkain na hinanda niya.
"P-Parang ang dami naman niyan" sabi ko.
"Well, we have visitors kasi" sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
"Ha? Sino?" taka kong tanong.
Nagulat ako ng bigkabg tumunog ang doorbell. Agad ngumiti si Yana. "There they are!" sabi niya at dali-daling nagtungo sa pinto.
Maya-maya naman ay nakita kong pumasok sina Vion at Kuya Yvan. Agad akong napangiti ng makita sila.
Agad akong tumayo para yakapin si Vion at bumati rin kay Kuya Yvan. Mabuti na lang at hindi na ako masyadong nagpapanic kapag nakakakita ng mga lalaki. I'm learning to calm myself.
"Hey, how are you?" tanong ni Kuya Yvan sa akin.
"I'm fine. My wounds are healing" sabi ko na ikinangiti niya.
"Ate Lanna, are you okay now?" nag-aalalang tanong sa akin ni Vion kaya nginitian ko siya.
"Oo naman! Si Ate Lanna pa!" sabi ko na ikinangiti niya rin.
"They're both dying to visit you. I hope you don't mind" sabi ni Yana na ikinangiti ko lalo.
"Not at all" sabi ko. "Let's eat first"
Umupo na kami at nagsimula ng kumain. I enjoyed eating with them. Kuya Yvan is fun to talk to and Vion is really cute. I'm really glad that they visited me!
Habang kumakain kami ay nag-uusap sina Yana at Kuya Yvan.
"I heard what Mom did to your girlfriend... sorry about that" sabi ni Kuya Yvan.
"I'm used to it... she doesn't like Dianne from the start" sabi ni Yana.
"Anyway... grandpa is already home... he said that he w-would like to meet your w-wife" sabi ni Kuya Yvan na agad ikinalaki ng mata ni Yana. "I told him na wag na muna pero kinukulit niya ako..."
BINABASA MO ANG
Marrying You Seems Ridiculous! (Completed)
RomanceXypherlanna Valerianna, a senior highschool student, dreams nothing but to graduate and have peaceful and successful life. But her life actually changed when she was forced to marry Yardleigh Nazeer Mclyntre, her cold strict but handsome young teach...