「Chapter 05」

61 12 22
                                    

LANNA

" What do you want to eat? "

Napalingon ako kay ng Qian sumilip siya galing sa kusina. Napangiti ako ng makitang nakasuot siya ng pink na apron. He's too cute!

" Ahh! Wag mo ng pansinin yung apron, okay? Sa Ate ko yan. " sabi niya kaagad ng makita akong nakatingin sa apron na suot niya.

" Anything would be fine. Hindi naman ako mapili pagdating sa pagkain. " sabi ko na ikinangisi niya.

" Okay then, I'll cook my favorite dish then! " masiglang sabi niya bago magsimulang magluto. Narinig ko pa ang mahina niyang pagkanta sa kusina kayo lalo akong napangiti.

Narito ako ngayon sa loob ng bahay--- mansion niya. Actually kami lamang dalawa ang naririto dahil mag-isa lang naman siya dito. Wala na siyang magulang at ang Ate naman niya ay nasa Russia, minsan lamang umuuwi sa Pilipinas para bisitahin siya. May katulong siya pero tuwing Sabado o Linggo lang sila napunta sa mansion para maglinis.

Nakarating na ako dito nuon, maraming beses na. Dito kami nags-sleep over nina Travis at Saiko nuon dahil close kami kay Qian since elementary.

" Hey, you think Nathaniel would confess his love for Gray? I mean, obvious na masyado pero pakiramdam ko ay hindi aware si Gray. " rinig kong sabi niya sa kusina.

" Hmm... knowing Nathaniel, he'll only confess if he snapped. Kapag walang nagtrigger sa kaniya, mas pipiliin niyang manahimik na lamang. " paliwanag ko habang nanunuod ng TV. Nakasuot na ako ng extra kong t-shirt at pants na binili ni Qian pamalit ko. Nilabahan ko na lang ang damit ko at pinatuyo iyon para maisuot ko iyon ulit bukas pag-uwi ko.

" Sayang naman kung ganoon. Bagay pa naman sila. " sabi niya.

" Mahirap ang sitwasyon nila actually. Taking risks ang pinag-uusapan. Mahirap sumugal kapag hindi ka sigurado. Tan wants to protect his friendship with Gray, natatakot siya na baka umiwas si Gray kapag nalaman nito ang nararamdaman niya. " pagpalaliwanag ko bago dahan-dahang ininom ang mainit na kape para mabawasan ang panlalamig ng katawan ko.

" W-What will you do if one of your close boy friends confessed his love for you? " he suddenly ask making me stop.

Ano nga ba?

" Well... I will certainly reject him.... " sagot ko. " .... that is if I don't have the same feeling as him. "

" I-Is that so... " rinig kong sabi niya habang nagluluto.

Ngumisi ako bago umiling. " Why? Do you wanna confess your love for me? " pang-aasar ko dito making him drop the spatula that he was holding to the ground.

Nagpigil ako ng tawa ng makita siyang sumilip galing sa kusina, pulang pula ang mukha na para bang kamatis. Nakasalubong ang kilay niya at nakasimangot siya.

" A-Anong pinagsasasabi mo?! Sa gwapo kong ito, magkakagusto ako sayo?! No way. " dire-diretso niyang sabi na tinawanan ko lamang.

Tsundere!

" Okay... sabi mo eh. " sabi ko. Inirapan niya ako bago magpatuloy sa pagluluto. Narinig ko pa siyang nagbubulong bulong pero hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya.

Saiko calling...

「What do you want?」

Maghello ka nga muna!reklamo niya pero hindi ko iyon pinansin. 「Pagsagot ng tawag kailangan, ' what do you want? ' ang bungad?」

Marrying You Seems Ridiculous! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon