DYNATHY POV
Mahigit sampung minuto din akong naghintay hanggang sa matanaw ko na ang motor na papalapit sa aking direksyon, tumayo naman ako at nahihiyang ngumiti hanggang sa huminto siya sa harapan ko.
Parang bumagal ang mundo ko nang dahan dahan niyang alisin ang suot-suot niyang helmet sabay sabit non sa hawakan, ginulo din niya ang buhok niya nang siya ay makababa at sinalubong ako ng nakangiti.
"Hey let's go?" Aya nito bigla naman akong natauhan at iniwas ang tingin sa kaniya.
"Uh oh sige sige" mahinang sabi ko at lumapit kung nasaan ang motor niya.
"Take care" bulong ni Aulds dahilan para mapalunok ako, nasa likuran ko siya at kinuha niya ang helmet, gaya ng ginawa niya kay Moonabys sinuot niya iyon sa akin. "Well done let's go" Sabi nito at naunang sumakay nang makasakay siya ay tsaka rin ako naupo.
"P-pwedeng ano" napakagat ako ng labi.
"Hmm?" Tanong nito.
"Pahawak?a-ano kase natatakot ako" nahihiyang sabi ko para namang musika sa tenga ko ang tawa niya.
"It's okay baka mahulog ka pa ako malalagot kay Miss Aby" pabirong sabi nito kaya napangiti naman ako at humawak na sa balikat niya.
"Ready?" Tanong nito, kinakabahan naman akong tumango. "Wag ka kabahan, you have me hindi ka mahuhulog" Sabi nito at tiningnan ako gamit ang side mirror, napalunok naman ako at napaiwas ng tingin.
Ang mga salita niya ay pinapakaba ako ng husto.
Nang umandar ay napahawak ako ng mahigpit sa polong suot niya, nakita ko naman sa salamin ang mahinang pagtawa niya.
"Bakit ka tumatawa" nakangusong bulong ko kahit na alam ko namang hindi niya ako makikita dahil sa helmet na suot ko.
"Nothing, you look so adorable" humahagikhik na sabi niya dahilan para mamula ang pisnge ko.
"W-Wag ka ngang ganyan" nauutal na sabi ko kaya tumawa na naman siya.
"Why?" Natatawang tanong niya at talagang tumitingin siya sa side mirror para lang masilayan ako.
"Baka maaksidente tayo, sa daan mo lang ituon yung atensyon mo" Sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman ito at umiling.
"I got you, don't worry" muling sabi nito kaya hindi ko na napigilan ay mahina ko siyang nahampas.
"What?hahaha" nang-aasar na tanong niya lalo namang tumulis ang nguso ko.
"Ang kulit mo wag ka na nga magsalita ng mga ganyan" Sabi ko sa kaniya, kulang nalang ay humalakhak siya pero dahil nagmamaneho siya ay pinipigilan niya.
"Tsk tsk okay" Sabi nito pero ang ngiti niya ay napakalapad.
Nakakahawa at hindi nakakasawang tingnan.
Napangiti ako ng wala sa oras, ang mga ngiti niya ay napakapamilyar. Sobrang ganda pero may kirot akong nadarama.
"Stop looking at me Nathy hahaha baka makasanayan mo" biglang sabi nito at tumawa.
Napalunok naman ako. "T-Tinawag mo akong?" Nagtatanong na sabi ko inosente naman niya kong tiningnan sa salamin.
"Nathy?" Patanong na ulit niya.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng galak at kiliti sa aking tiyan.
"May mali ba?" Nag-aalalang tanong niya mabilis naman akong umiling.
"A-Ano hindi ano kase, natutuwa lang ako" Sabi ko dito at muling nag-iwas ng tingin.
"Kala ko ayaw mo eh, ang ganda naman eh" sabi nito, napangiti naman ako at muling natapik siya.
BINABASA MO ANG
PARALLEL LIFE
Misterio / SuspensoTwo women who were born on the same day and in the same year but 354 years apart passed away on the same day at the same age. Who would have guessed that a situation like this could occur, particularly when it was revealed that in addition to those...
