Moonabys POV
May 10 2020
"A life between death or alive I'm the queen of both side, I'm giving this two women a mission that only them can solve. Let me back the time using my power and word ~"
'Moonabyss wake up'
'Girl wake up andyan na si Maam'
'Aby ano ba'
"Ano ba inaantok pa ko" mahinang daing ko nang makaramdam ako ng pagyugyog.
Teka.....
Agad kong dinilat ang mata ko at umayos ng pagkakaupo lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin, pagtingin ko sa harapan ay nakatayo si Prof. Emilia na ang sama-sama ng tingin sa akin.
"T-Teka buhay ako?" Tanong ko hinawakan ko ang mukha ko ang ulo at ang boobs ko.
"MS.WINTERIA WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING AH?!" Napatingin ako kay Prof.Emilia na umuusok na ang ilong sa sobrang galit.
"Ikaw bakla sampalin mo nga ako" baling ko ay Ferdinand ang kaklase kong beki napatingin naman ito sa akin, nagtataka.
"MS.WINTERIA NANAGINIP KA BA!?" Muling sigaw ni Prof.Emillia at inis ko naman siyang nilingon.
"Pasensya na maam pwede po bang magtanong?" Tanong ko dito namewang naman siya at masamang tumingin sa akin.
"Siguraduhin mong iyang itatanong mo ay may kinalaman sa pinag-aaralan natin dahil sinasabi ko sayo Ms.Winteria punong-puno na ako sayo" tugon naman niya huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili.
"Maam anong date po ngayon?" Seryosong Tanong ko lahat ng tao sa paligid ko ay humagalpak ng tawanan samantalang si Prof. Emilia ay galit na galit na nakatingin sa akin.
"MS.WINTERIAAAAAAAAAAAAAAA"
So ayon pinalabas ako ni Prof. Emilia at pinatayo dito sa labas ng pintuan dahil sa ginawa ko na bukod daw sa pagtulog sa klase niya pinagtripan ko daw siya.
Like wow? Seryoso ako sa tanong ko.
Hindi kaya panaginip lang talaga ang lahat?
Tiningnan ko ang phone ko. May 10 2020 .
10,11,12,13,14
5 days at sa pagkakaalam ko ang sabi nung matanda iaatras niya ang oras ng five days.
Nangyari ba talaga yon o panaginip ko lang at nagkataon?
Kinakabahan ako ng sobra.
"Okay Class see you tomorrow" narinig kong paalam ni Prof. Emilia, sumilip naman ako sa loob at nang makitang papalabas si Prof ay tumayo ako ng tuwid at diretso lang ang tingin.
"Maari ka nang pumasok Ms.Winteria sa susunod na mahuli pa kitang natutulog sa klase ko at pagt-tripan ang subject ko sa dean office na ang diretso mo" aniya. Nagbigay naman ako ng daan at yumuko.
"I'm sorry Maam hindi na po mauulit" pagpapaumanhin ko dito pagtingala ko at nagtataka siyang nakatingin sa akin.
"Bago itong nakikita ko Ms.Winteria " ani nito at umiling. "Nagtataka ako sa kinikilos mo Ms.Winteria nakakapanibago" dagdag pa niya at sinimulan nang maglakad, pumasok naman ako sa room at naupo sa upuan ko.
"Aby anong nangyari sayo? Para kang boang" malanding tanong ni Ferdinand tiningnan ko naman siya at inirapan.
"Ay masungit ang reyna" pagpaparinig ni Jihyo
BINABASA MO ANG
PARALLEL LIFE
Mystery / ThrillerTwo women who were born on the same day and in the same year but 354 years apart passed away on the same day at the same age. Who would have guessed that a situation like this could occur, particularly when it was revealed that in addition to those...