MOONABYSS POV
Nandito kami ni Dyna ngayon sa kwarto ko, napagdesisyonan kasi namin na sa iisang bahay na lang tumira pumayag naman siya dahil wala naman siyang mapupuntahan. Malaki ang kwarto ko pero hindi talaga kami pwedeng magtabi sa kama ko lalo na at dati ay madalas dito sa kama ko natutulog si Spine kaya napagdesisyunan ko na kunin ang bed sa guest room na pinagtulungan pa naming buhatin dahil sa sobrang bigat.
"Huy Moonabys sigurado ka ba na kailangan pa natin dalhin itong malaking kama sa kwarto mo?" Tanong ni Dyna at nagpunas ng pawis, nasa labas kami ngayon ng pintuan ng guest room at dadaan pa kami sa mahabang pasilyo para makarating sa kwarto ko.
"Oo kaya dalian na natin" Sabi ko naman sa kanya, at hinawakan ang kanto ng kama.
"Pwede naman akong matulog sa sahig, mahihirapan ka pa magbuhat" nag-aalala na sabi ni Dyna kaya malalim akong napabuntong hininga at naglakad.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya at sumunod sa akin, huminto naman ako at hinarap siya.
"Ayaw mo akong mapagod right?" Tanong ko sa kaniya nahihiya naman siyang tumango. "Tara sa baba doon tayo sa sofa mag-chill" Sabi ko naman at nauna bumaba.
May tinext ako sa cellphone ko habang naglalakad pababa, dinial ko na rin ang shakeys number para mag-order ng pagkain para na rin hindi kami ma-bored habang naghihintay.
Naupo ako sa sofa at binuksan ang flat screen TV sa harapan ko, naramdaman ko rin ang pag-upo ni Dyna sa tabi ko.
"Anong gagawin natin?" Tanong niya, nagkibit balikat naman ako.
Mga 20 minutes lang ang lumipas ay agad nang may nagdorbell sa gate.
"Dito ka lang pagbubuksan ko lang yun" paalam ko sa kaniya at naglakad palabas, nang makarating sa gate ay agad ko iyon binuksan, bumungad naman sa akin ang isang delivery man na buhat buhat ang paper bags sa likod naman niya ay may nakatayong dalawang lalaki.
"Uhm excuse me? Who are you?" Tanong ko doon sa dalawang lalaki.
"Ah ma'am tagabuhat po kami po yung number na tinawagan niyo" Sabi nito, tiningnan ko muna sila mula ulo hanggang paa.
"I see pasok kayo" Sabi ko sa kanila at gumilid sa gate.
"Maam kami na magbuhat nito" Sabi ng kasama nung lalaki, tumango naman ako at nauna na sa loob pumasok.
"Oh andyan ka n-- sino kasama mo?" Bungad na tanong sa akin ni Dyna at kumapit sa braso ko.
"Tagabuhat" maikling sagot ko, inilapag naman nung dalawa ang paperbags sa table na nasa harap ng sofa kung saan kami nakaupo kanina ni Dyna.
"Goodevening maam" nakangiting bati nilang dalawa.
"Magandang gabi din" mahinhin na bati ni Dyna.
"So what's your name?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Sky po maam" sagot nung nasa kaliwa.
Tumango naman ako. "Sky and ?" Sabay baling ko sa katabi niya.
"Cloud po" sagot nito.
"Kambal kayo?" Sabay pa namin na tanong ni Dyna, nagkatinginan naman ang dalawa at humarap sa amin.
"Fraternal Twins maam" sabay din nilang sagot.
"Kaya pala hindi kayo magkamukha" tumatango-tango pang sabi ko bigla naman akong siniko ni Dynathy.
"Bakit?" Bulong ko sa kaniya. Umiling naman siya.
"Pasensya na kayo kay Moonabyss ganyan lang talaga siya" nahihiyang paumanhin ni Dyna sa dalawa.
May sinabi ba kong mali?
![](https://img.wattpad.com/cover/248946489-288-k34510.jpg)
BINABASA MO ANG
PARALLEL LIFE
Mystery / ThrillerTwo women who were born on the same day and in the same year but 354 years apart passed away on the same day at the same age. Who would have guessed that a situation like this could occur, particularly when it was revealed that in addition to those...