MOONABYSS POV
"What do you mean by alas?" Hindi ko pinakita ang pagka-interesado ko tungkol sa sinasabi niyang alas, ngumisi si Zee at pinatunog ang leeg.
"It's none of your business Aby" ani nito kaya tumahimik nalang ako.
Ayokong isipin niya na interesado ako dahil baka magtaka siya at magtanong kung bakit.
Nang matapos ay nauna nang bumalik si Zee sa room buhat buhat ang Manila paper na kinuha niya kay Dyna, dumikit naman sa akin si Dyna at bumulong.
"Ano na?" Bulong niya, malalim akong napabuntong hininga.
"Narinig mo naman, hindi siya takot kung may magawang masama sa kaniya si Kenedy dahil gaya nga ng sabi niya meron siyang alas" pagk-kwento ko hanggang sa makapasok kami sa room, tutal wala pa naman kaming katabi, napapag-usapan pa namin ang tungkol dito.
"Kung hindi siya natatakot na may magawang masama sa kaniya yung Kenedy na tinutukoy mo malamang ay hindi rin siya takot makapatay" mahinang bulong ni Dyna at tumingin sa akin.
"Maaaring oo pero hindi pa rin yun batayan lalo na at hindi pa natin nakakausap yung dalawa pang suspect" Sabi ko at itinungkod ang siko sa armchair at nangalumbaba.
"Diba sabi mo si spine ay naging karelasyom mo? Tapos suspect din siya? Bakit hindi mo subukan na kausapin siya?" Suggest niya pero umiling ako.
Hindi pa ako handa. Pwede naman sigurong ihuli siya right?
Ilang minuto pa ang lumipas ay cinollect na ng president ang lahat ng manila paper para ipasa kasabay din nun ang pagpapatahimik niya sa buong klase.
"Guys quite!" Sigaw nito.
Si Jihyo naman ay kakaupo lang ngayon sa tabi ko habang si Ferdinand ay hindi alam kung anong ang nangyayari.
"Te anong meron? Bakit may mga Manila paper kayong pinapasa" bulong nito sa amin habang nakaupo siya sa upuan na nasa likuran ko.
"Groupings yan by three" maikling sagot ko.
"Hindi niyo ko sinama? Ang sama ah kayo lang talaga nina Jihyo" sarkastikong sabi nito, hindi ko nalang siya pinansin.
"Fyi ferds pero hindi ako ang ka-group ni Aby at Dynathy" biglang singit ni Jihyo pero ang atensyon ay nasa magazine na tinitingnan niya.
Tss, baliktad.
"What? Eh sino? Ako ba?" Inosenteng tanong ni Ferdinand habang nakaturo sa sarili.
"Si Zee, yung lalaki na nasa harapan" nakangiting sagot ni Dyna habang nakalingon kay Ferdinand. Napatakip naman si Ferdinand ng bibig kaya binaling ko na ang atensyon ko sa harapan.
"Te nababaliw ka na ba?" Sabi pa niya habang kinakalabit ako sa likod pero hindi ko siya pinansin.
"Hayaan mo yan Ferds alam naman daw niya ginagawa niya eh" muling singit ni Jihyo kaya napakunot na ako ng noo at bumaling sa kanya.
"May problema ka ba?" Nakakunot ang noong tanong ko sa kanya, binagsak naman niya ang makapal na magazine sa arm chair dahilan para gumawa yon ng ingay at makaagaw ng atensyon.
"Problema ko? Ikaw" walang paligoy-ligoy na sabi niya kaya lalo akong napakunot ng noo.
"May ginagawa ba ko sayo?" Muling tanong ko, sarkastiko naman itong tumawa at tumayo sabay harap sa akin.
"Napakamanhid mo naman Aby kaibigan na ang turing namin sa iyo ni Ferds kaya normal lang na mag-alala kami sa mga desisyon mo, kaya nga pinagsasabihan ka namin eh. Ang kaso lang mukhang kami pa ang nagiging masama sa paningin mo, tingnan mo mukha na kaming tanga sa pag-aalala pero ikaw walang pake" mahabang sabi nito habang tinuturo ang sarili niya at si Ferdinand, tumayo naman ako at pinantayan siya.
BINABASA MO ANG
PARALLEL LIFE
Mystery / ThrillerTwo women who were born on the same day and in the same year but 354 years apart passed away on the same day at the same age. Who would have guessed that a situation like this could occur, particularly when it was revealed that in addition to those...