MOONABYSS POV
Natapos ang klase ng dalawang suspect lang ang nakita ko sa dalawang yun ay si Zee lang ang nakausap namin ni Dyna, kasalukuyan kami ngayon pauwi sa bahay ko gabi na rin kasi natatapos ang klase namin at medyo malayo layo din kung saan ako nakatira.
"Diba sabi mo may sasabihin ka sa akin?" Biglang tanong ni Dyna na nakaupo sa tabi ko habang umiinom ng buko shake.
"Dun na lang mamaya sa bahay" Sabi ko naman sa kaniya, mula sa pagkakasandal niya sa upuan ay bigla siyang napaunat.
"Teka may tatanong pala ako" biglang sabi niya ulit kaya bumuntong hininga na lang ako, nakita ko sa salamin sa harapan ko na nakatingin siya sa akin. "Bakit mo nga pala ginawa yun?" Nahihiyang tanong niya, kaya napakunot ako ng noo.
Ginawa? Na ano? Yung tungkol ba sa towel?
"Tungkol ba yan sa towel?" Tanong ko sa kaniya habang ang tingin pa rin ay nasa kalsada, papasok na kami ngayon ng subdivision.
"Oo, bakit mo ginawa yun?" Nagtatakang tanong niya.
"Tiningnan ko lang kung anong magiging reaction mo kapag napunta ulit yung atensyon ni Aulds sayo" sagot ko sa tanong niya, bigla namang nanlalaki ang mata niya habang nakahawak sa dibdib.
"H-Hala ka Moonabyss bakit mo ginawa yun? Nakakahiya ka" sabi niya at tinakpan ang mukha, napangisi naman ako ng palihim bago bumaba sa sasakyan para buksan ang gate papunta sa garahe. Nang mabuksan ay muli akong pumasok sa kotse at pinaandar iyon muli papasok sa gate.
"Huy Moonabyss bakit mo ginawa yun" nangungulit na tanong ni Dyna. Inihinto ko ang kotse at pinatay ang makina sabay bumaba, sumunod naman si Dyna hanggang sa makapasok kami sa bahay
"Para nga makita yung magiging reaction mo" muling sabi ko.
"Pero para saan?" Muling tanong niya, huminto ako sa harap ng couch at pabagsak ang katawan na umupo.
"He caught your attention, am I right?" Pabalik na tanong ko sa kaniya, namumula naman siyang tumingin sa akin at naupo sa kaharap kong couch.
"H-Hindi naman sa gan--" bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay sumingit na ako.
"Bawal kayo Dynathy, hindi kayo pwedeng maging magkarelasyon" nakapikit na sabi ko sakanya habang nakasandal ang ulo sa sandalan ng couch at nakatingala.
"Huy grabe ka naman wala naman akong balak makipagrelasyon tsaka ano lang naman ito" nakangusong sabi niya.
"Kahit na ba. Hindi kayo pwede at hindi ka pwedeng makaramdam ng kahit na ano para sa kanya" muling sabi ko, alam ko na nagtaka siya sa sinabi ko.
"Eh bakit naman?" Tanong niya
Oh diba
"Si Aulds... Isa siya sa mga suspect" maikling sagot ko.
Dinilat ko ang mata ko at tumingin sa kaniya.
"B-But he's nice..." mahinang sabi niya, pero umiling ako.
"Hindi natin masasabi kung ganun ba talaga siya o hindi" muling sabi ko.
"Ibig ba sabihin.... kailangan wala ka na ding maramdaman kay Spine yung isa pang suspect na dati mong naging karelasyon?" Tanong na sabi niya.
Napaisip ako. May nararamdaman pa ba ako sa kaniya? Isang linggo palang kaming naghiwalay at hindi naman ganun kadali kalimutan yun pero.
"Oo" sagot ko.
May tiwala ako kay Spine alam kong kahit na anong galit niya hindi niya ko masasaktan o gagawa ng masama.
"Sure ka?" Naniniguradong sabi niya at sinilip pa ang mukha ko, natawa naman ako at tinulak ang mukha niya gamit ang palad ko.

BINABASA MO ANG
PARALLEL LIFE
Mystery / ThrillerTwo women who were born on the same day and in the same year but 354 years apart passed away on the same day at the same age. Who would have guessed that a situation like this could occur, particularly when it was revealed that in addition to those...