MOONABYSS POV
Nagising nalang ako sa pagtapik sa akin ni Ferdinand sa aking pisnge.
"Huy Aby gising na dismissed na ang klase" sabi ni Ferdinand na nakatayo sa harapan ko.
"Huh?" Tanong ko dito.
"Nakatulog ka nung makarating ka dito" singit naman ni Jihyo, napakunot noo ako.
"Nasaan si Dyna?" Tanong ko sa kanila.
"Diba sabi mo sinundan si Aulds?" Balik na tanong sa akin ni Ferdinand.
Napahawak ako sa ulo ko. Parang may mali.
"Tara na sabi ni Ma'am Emilia sumabay tayo sa maraming tao delikado na hindi pa alam ng mga police kung sino pumatay kay Kenedy." Singit ni Jihyo.
"Huy Aby okay ka lang ba?" Biglang tanong sa akin ni Ferdinand at kinalabit ako tumayo na ako at sinuot ang bag ko.
May mali. Something is wrong. Something is missing.
"Nung dumating ako dito galing sa labas anong ginawa ko?" Tanong ko sa kanila.
"Wala tinanong ka lang namin kung saan ka galing at kung nasaan si Dynathy dahil diba nga pinatay si Kenedy, tapos ayun sa kakatanong namin nakatulog ka" kwento ni Ferdinand.
Tumango nalang ako.
Right. Tomorrow is our last day of our mission at wala pa rin akong kahit na anong clue.
Sabay na kaming lumakad nila Jihyo palabas ng room at nakakapagtakang nakatingin sila sa akin.
"Uhm Aby alam mo na ba?" Nag-aalangan na tanong sa akin ni Ferdinand.
"Ang ano?" Nakakunot ang noong tanong ko, nagkatinginan sila ni Jihyo.
"Everyone is suspecting Spine that he killed Kenedy" singit ni Jihyo kaya napahinto ako sa paglalakad.
"What?!" Gulat na tanong ko.
"Yes there's people kase na nakawitness ng pag-aaway ni Kenedy at Spine sa labas ng Flintcher. Tulog ka nung nalaman namin kaya nagpunta kami sa faculty at tinanong kung anong nangyari ang sabi naman ng ibang member ng ssg naayos daw yun dahil pinag-ayos ni Aulds remember? Aulds is SSG president pero sila sila lang din ang nakakaalam dahil ayaw ipaalam ng mga Shareholders sa buong school na nasabit na naman sa gulo si Kenedy. They're trying to avoid dirt sa pangalan ni Kenedy that's why tinago nila na may away na naganap na naayos naman. Pero dahil sa nangyari sa kaniya biglang nablow up yung kwento tungkol sa away ni Kenedy at Spine without knowing na naayos na yun" mahabang kwento ni Ferdinand.
"That's why nadidiin ngayon si Spine? Then why they didn't bothered to clean Spine's name?" Galit na sabi ko. "Where's Spine? I'll talk to him tara samahan niyo ko sa room niya" yaya ko kay Ferdinand at Jihyo.
"Hey Aby! I heard you mentioned our captain's name if you're looking for him wala siya dyan" napalingon kaming tatlo sa nagsalita.
Si Gerald team mates ni Spine.
"Saan daw nagpunta?" Tanong ko pero nagtaas at baba lang ito ng balikat.
"Hindi nagsabi kung saan basta may kikitain lang daw siya" Sabi niya kaya napapikit ako ng mariin.
Damn I don't know what's happening sobrang gulo. Pare-parehong name ng tatlong suspect ay sumabit sa pagkamatay ni Kenedy.
Si Zee na may secret affair sa gf ni Kenedy na what if nalaman ni Ken at sinugod siya.
Si Spine na nakaaway niya sa labas ng Flintcher
Si Aulds na..... naalala ko yung nangyari, dapat ba maniwala ako o patuloy ko pa rin siyang paghinalaan? Pero maaari kayang ang pumatay kay Kenedy ay ang pumatay din sa akin?
BINABASA MO ANG
PARALLEL LIFE
Mystery / ThrillerTwo women who were born on the same day and in the same year but 354 years apart passed away on the same day at the same age. Who would have guessed that a situation like this could occur, particularly when it was revealed that in addition to those...