Day 3 *started* (May 12)
MOONABYSS POV
Ang ganda ganda ng tulog ko nang makaramdam ako ng pagpalo ng unan sa mukha ko dahilan para mapabangon ako mula sa pagkakahiga ko sa kama.
"What is that for?!" Malakas na sigaw ko at masama ang tingin na idinilat ang mata, nakita ko naman si Dyna na nagmamadali isuot ang uniform sabay peace sign sa akin.
"Pasensya na mal-late na kasi tayo" sabi niya kaya napatingin ako sa wall clock at halos lumuwa ang mata ko ng makita kung anong oras na.
"Gaga ka bakit hindi mo ko ginising?" Hindi makapaniwalang tanong ko agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at dumiretso sa cr.
"Eh late na din akong nagising eh" pagdadahilan nito.
Terror pa naman ang first teacher namin at ang ayaw niya sa lahat ay yung nal-late.
Agad kong binuksan ang gripo sa harap ng salamin at naghilamos, hindi na rin ako nag-abala pang maligo kumbaga ay hinablot ko na lang ang uniform na nakahanda na.
"Dyna! Paabot ng perfume ko na nasa loob ng cabinet please" pasigaw na sabi ko narinig ko naman ang mga yabag ng paa nito, nang iabot niya ay agad kong ini-spray sa buong katawan ko at tinali ko lang ang buhok ko into messy buns sabay lagay ng light make up.
"Hindi halatang hindi ka naligo" natatawang sita sa akin ni Dyna napatingin uli ako sa salamin.
"Fresh eh, Tara na nga" Yaya ko dito at sabay kaming lumabas.
Kamalas-malasan pang walang gas yung kotse ko kaya ang ending ay nagtatatakbo kami ni Dyna palabas ng subdivision dahil wala namang dumadaan na kahit na anong taxi sa loob.
"Hinihingal ako saglit lang" angal ko at hinawakan ang dalawang tuhod ko.
"Mamaya mal-late na tayo!" Tarantang sabi ni Dyna gusto ko pa sanang umangal kaso bigla na niya akong hinatak at sinama sa pagtakbo niya.
Sa sobrang pagmamadali ni Dyna ay hindi niya napansin ang motor na papadaan sa harapan.
"Dyna!" Sigaw ko buti nalang ay hawak niya ako kaya madali ko din siyang nahatak.
Pareho kaming napaupo sa lapag samantalang ang rider na muntik na kaming masagasaan ay agad na huminto sa gilid at bumaba.
"Ano okay ka lang" Nag-aalalang tanong ko kay Dyna nang ialis ko ang tingin sa rider.
"Oo ikaw ba?" Tanong nito sa akin pareho kaming tumayo at nagpagpag ng uniform.
"Hey guys are you two okay? Sorry hindi ko talaga kayo napansin"
Nagkatinginan muna kami ni Dyna bago kami humarap sa taong nagpapaumanhin sa gilid namin.
"Aulds?" Sabay naming usal ni Dyna.
"Yes?" Patanong na sabi nito at biglang napalitan ng pag-aalala. "So okay lang ba kayong dalawa? May nasugatan ba I will carry the both of you sa hospital" halata sa mata nito na nag-aalala siya.
"A-Ano okay lang kami kasalanan din naman kasi namin eh" biglang singit ni Dyna sabay tingin sa akin dahilan para mapatingin din si Aulds.
"Yeah she's right nagmamadali kasi kami since pareho na kaming late" Sabi ko at pekeng ngumiti sa kanya, hinawakan ko naman sa braso si Dyna. "Mauuna na kami baka lalo kaming malate" paalam ko dito pero agad niya kaming hinarangan.
"If you don't mind guys pwede ko kayong ihatid" alok nito habang nakangiti at minamasahe ang leeg.
"Saan aangkas ang isa sa amin? Sa gulong?" Tanong ko dito bigla naman akong siniko ni Dyna dahilan para mapalingon ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
PARALLEL LIFE
Misterio / SuspensoTwo women who were born on the same day and in the same year but 354 years apart passed away on the same day at the same age. Who would have guessed that a situation like this could occur, particularly when it was revealed that in addition to those...
