PL 16

119 13 2
                                        

MOONABYSS POV

Just like what happened I went to the party but this time I have Dynathy who is watching me handling the situation from a far.

It hards knowing we don't know what will happen next.

Nangyari ang dapat na mangyari, si Zee na sinubukan akong bastusin.

Si Aulds na dumating at pinaalis si Zee.

Si Aulds na sinabing antayin ko siya kaya naupo ako pero saktuhan namang dumating si Spine at hinatak ako sa labas.

At ngayon gaya ng mangyari. 

Spine is here crying at sinasabihan ako ng masasakit na salita. Lahat tinanggap ko, sa isip ko ay nag-aalala ako paano kung hindi ako magtagumpay at ito na an huling makakausap ko si Spine?

Gusto ko pang magtagal sa situation namin pero tumatakbo ang oras at kailangan ko makapunta sa puno kung saan doon kami ni Dynathy pinatay.

"Why it needs to be hurt like this huh? Gusto kitang saktan gaya ng panlolokong ginawa mo pero hindi ko kaya mahal kita aby, kanina habang sinasaktan ka gusto kong kumilos pero sa tuwing naaalala ko yung ginawa mo! sinasabi ko sa sarili ko kulang pa iy----"

Labag man sa loob ko inulit ko ang ginawa ko nung mga oras na sinasabi niya yung linya na mga yan, sinampal ko siya at tumakbo.

Patuloy lang ang pagpatak ng luha ko gusto ko lumingon pero pinipigilan ko. Ayokong balikan kung nasaan siya dahil baka masira ang plano.

Nilingon ko kung nasaan si Dynathy nasa ilalim ito ng ilaw ng poste, naaawa itong nakatingin sa akin pero sinuklian ko siya ng isang tipid na ngiti.

I know she feels bad but I want her to know, ang makilala siya ang isa sa mga magandang nangyari sa buhay ko.

Huminto ako sa harap ng puno at tiningala ito.

That's when I heard a footstep na papalapit sa akin mula sa likuran.

"It's you" mahinang sabi ko, hindi pa din hinaharap kung sino ang taong nasa likuran ko.

"Oh hey Aby!" Masiglang sabi nito doon ako unti-unring humarap.

"It's good to see you here..... Aulds" seryosong sabi ko sa kaniya.

Yes it wasn't Spine the real culprit behind our death is Aulds.

[FLASHBACK]

Paulit-ulit kong inalala ang mga sinabing kataga ni Manang Tiara sa utak ko hanggang sa maalala ko ang sinabi ni Dynathy kaya agad kong tinawagan si Ferdinand at Jihyo.

"Uy te kaloka anong emergency?" Bungad ni Ferdinand kasunod nito si Jihyo na hindi pa rin sa akin makatingin dahil sa nangyaring misunderstanding sa amin.

"May tanong lang ako tungkol kay Aulds" wala ng paligoy-ligoy na tanong ko.

"Eh jusko ka pinakaba mo kami tapos tungkol lang pala kay papa aulds, oh siya ano ba kasi iyon bakit parang sobrang importante" Sabi ni Ferdinand.

Bumuntong hininga ako ng malalim.

"Guys I think alam niyo naman yung background ni Aulds right?" Umaasang tanong ko.

"Ah yes" biglang singit ni Jihyo. Naupo muna kami sa sofa.

"Bakit ba te gusto mo malaman" tanong ni Ferdinand.

"For school purposes lang" dahilan ko at tipid lang na nginitian siya.

I'm hungry for Aulds backup details.

PARALLEL LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon