PL 18

87 12 3
                                    


MOONABYSS POV

I woke up and a white ceiling is the first thing I saw, agad akong umupo mula sa pagkakahiga at inilibot ang paningin sa buong paligid nasa hospital ako dahil nakasuot ako ng blue gown I dunno what you called on this uhm IV fluid? hanggang sa napukaw ang atensyon ko si Spine na nakasuot ng gray sweater at mahimbing na natutulog.

I miss him so much.

Maya-maya pa ay gumalaw siya kasabay nun ay ang paglipat ng paningin niya sa akin. Kita ko ang gulat sa mata niya, bigla siyang tumayo at lumapit sa akin.

"God you're awake!" Malakas na sabi niya at yinakap ako.

I hugged him back, I miss his scents.

Inilibot ko an paningin ko. I know she's here.

"How are you? May masakit ba sayo? Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya pero imbes na sagutin ay nagtanong ako.

"Where's Dyna?" I asked at bumitaw mula sa pagkakayakap niya.

"Who?" Nagtatakang tanong niya.

"Dyna, Dynathy Lincoln yung nakakasabay ko. You met her already" I said pero kumunot lang ang noo niya.

"There's no someone named Dynathy you told me before na you have no friends except kay Jihyo at Ferdinand" Sabi niya pero umiling ako.

"She's my new friend Spine, nakasabay ko siya sa canteen also Jihyo and Ferdinand kilala siya" muling pagpupumilit ko pero bumuntong hininga siya ng malalim.

"I think you need to take a rest you're still not okay, kakasurgery lang sayo" muling sabi niya pero umiling ako nang umiling.

Kinakabahan ako. Parang may nangyari na hindi ko nagustuhan.

Bigla kong naalala ang nangyari bago ako mawalan nang malay nung gabing sinubukan akonb patayin ni Aulds. 

I witnessed how Dynathy vanished. Hindi kaya wala na siya?

No.

Hindi pwede.

"Where's my phone?" I asked at nilahad ang kamay ko.

"Magpahinga ka muna Aby" seryosong sabi ni Spine pero tiningnan ko lang siya ng seryoso.

"Just give me my phone" monotone kong sabi, napabuntong hininga nalang siya at inabot sa akin ang phone. 

I have pictures na nakunan nung oras na magkasama kami nina Ferdinand, Jihyo, Dyna sa mall. We take a lot of pictures as a memory.

Kinakabahan man ay binuksan ko ang gallery ng cellphone ko.

Agad na nagbagsakan ang luha ko nang makita ang bawat pictures na kinunan ko nung araw na iyon. 

Napakadaming picture pero kada isa ay tatlong tao lang ang laman.

Ako, Si Jihyo at Si Ferdinand. 

Ang pwesto kung nasaan si Dyna nung kinunan ang litrato ay space lang ang natira.

Wala, walang Dyna ang mga nasa picture.

"Aby??? Is there anything problem? M-May masakit ba sayo? Tell me, why are you crying?" Natatarantang sunod sunod na tanong ni Spine.

"S-Spine...." tawag ko sa pangalan niya, nag-aalala niya kong tiningnan sa mata.

Gusto kong sabihin lahat ng saloobin ko pero walang kahit na anong salita ang lumabas sa bibig ko.

Mabilis akong umalis sa kama, marahas kong inalis ang karayom na nasa likod ng palad ko. Sinubukan pa akong pigilan ni Spine pero agad akong pumiglas at lumabas ng kwarto nito sa hospital. 

PARALLEL LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon